Ang Kasaysayan

46 5 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin. Tanging ang malalakas na alon lamang ang iyong maririnig. Nagsimula ng magkwento si Zero kay Shini sa kasaysayan ng Isla.

"Ito'y kasaysayan ng isang babaeng itinakwil ng sariling bayan.." Panimula ni Zero.

Nangunot ang noo ni Shini sa narinig.

At saka pinagpatuloy na ni Zero ang lahat ng alam niya.

---
(Kinukwento to ni Zero kay Shini, ifaflashback ko lang.)

18 years ago...

Japan...

"Alam mo, yang anak ni Mel, siya ang nagdadala ng malas dito sa atin!" Saad ng isang babae.

"Kaya nga e, tinutugis na tayo ng mga tao kahit wala naman tayong ginagawang masama. Nagsimula lang yan nung pinapayagan na siya ni Mel na lumabas ng bahay," Pagsasang-ayon ng isa at dinagdagan pa ito.

Hindi ordinaryong tao ang mga ito. O mas madaling sabihin na hindi sila tao.

Sila'y mga demonyo na nag aanyong tao lamang. Sila ay nakatira sa gitna ng gubat. Hindi nakikihalubilo ang iba pero may iba ring meron dahil kailangan.

Alam din ni Mel na kaniyang anak ay isang malaking malas. Nuong pinapanganak niya si Shi ay napaglihiaan niya ito sa tao. Araw araw ay tumitingin si Mel noon ng mga magazine ng mga tao.

Ito ang pakiwari niyang dahilan kung bakit nagdala siya ng malas.
---
Masayang masaya noon si Shi dahil pupunta sila ng ibang bansa.

Sa Pilipinas.

Sabik na sabik siyang sumakay ng barko. Pero dahil naiihi siya ay nagpaalam muna siyang umihi.

Pagbalik niya ay wala na doon ang mama Mel niya.

Hindi siya kinabahan. Nasanay siyang ganoon talaga ang mama niya. Bigla nalang mawawala dahil lagi tong nauuna.

Dumeretso si Shi sa pangpang at sumakay ng barko.

Tuwang tuwa siya ng umandar na iyon. Nawala sa isip niya ang paghahanap sa nanay niya. Aliw na aliw siya sa panonood ng mga alon.

Nagulat niya ng may biglang tumapik sa kaniya.

"Excuse me, miss" Tawag pansin sa kaniya ng crew sa barko.

"Huh?" Takang tanong naman ang nasambit ni Shi.

"Ticket mo po, miss." Sagot ng lalaki na may halong pagtingin sa buo niyang katawan na siyang nagpakilabot kay Shi.

Biglang napasuksok ng kamay si Shi sa bulsa ng kaniyang shorts. Nang bigla niyang naalala na nasa Mama niya ang ticket.

"A-ah kuya. Nasa mama ko e," sagot ni Shi.

"Teka ha, pupuntahan ko muna," dagdag ni Shi.

Nilibot na niya ang barko ngunit wala ang mama niya. Naiiyak na siya.

"Miss, asan na?" Tanong ng lalaking crew.

"T-teka kuya. Hanapin ko ulit. Baka nagkasalisi lang kami," sagot uli ni Shi.

Ilang ulit na niyang nilibot ito. Nagbabakasaling nagkasalisi lang sila ng nanay niya. Tatlo. Apat. Lima. Limang libot na ngunit wala pa din.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya niya ng mapagtantong dalawang barko pala ang naroon kanina!

Lumapit ulit siya sa crew at nagdahilan.

"K-kuya. Mukhang nasa kabila yata mama ko e," pagdadahilan nito na naiiyak pa.

"Aba miss, laos na yang palusot mo" ani ng crew sa kaniya.

"H-hindi kuya, nasa kabila nga po mama ko," Tuluyan na ngang naiyak si Shi.

"Ganito nalang miss, pag usapan nalang natin yan sa boss ko. Tara sumunod ka saken," Sabi ng lalaki sabay talikod sa kaniya na may ngisi sa mga labi.

Sumunod na lamang si Shi sa lalaki papuntang second floor. Walang tao doon. Umaasa din siya na paniniwalaan siya nito.

Nakarating na sa sila sa parang kwarto. Nandoon ang sinasabi ng lalaking boss niya. Napagiwanan sa labas si Shi habang ang lalaki ay umuna na muna at kinausap ang boss nito.

Walang kaalam alam si Shi na may masamang balak ito sa kaniya.

Si Shi ay isang mabait na demonyo. Lagi lang itong nakatambay sa loob ng bahay. At gaya nga ng sabi sabi sa bayan niya, nagsimula ang malas ng lumalabas labas na siya sa bahay.

"Miss halika na sa loob," Tawag sa kaniya ng lalaki kanina.

Nang makapasok sa loob ay nagulat si Shi dahil mayroon pa palang mga lalaki doon. Lahat ito'y nakangisi.

"So, miss. Totoo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng boss sa kaniya na may ibang tingin.

"O-opo!" Natatarantang sagot ni Shi.

Tumayo ang boss kuno nila at nilapitan si Shi.

"Pasensya na miss, pero walang kakagat sa palusot mo," sabay hawak ni sa pisngi ni Shi.

Napabaling nalang si Shi sa kaliwa upang maiwas ang kamay ng boss nila.

Hinawakan siya sa panga ng boss nila at balak sana siyang halikan ng pumiglas si Shi. At dahil doon ay pinagtulungan siya.

Kahit madaming kamay ang nakahawak kay Shi ay nagpupumilit pa din si Shi na makalabas sa impyernong iyon.

Pinagsisipa at pinagsasampal ang ginawa niya sa mga lalaki para lang makaalis doon.

Nang makitang may tsansa na siya ay agad siyang tumakbo. Pinaghahabol siya ng lalaki ngunit huli na ng malaman niyang wala na siyang matatakbuhan.

Wala na siyang ibang maisip na paraan kundi ang tumalon.

Napalingon si Shi sa likod niya at nakita nga niyang malapit na sa kaniya ang mga ito.

Tumalon na siya. Napatingin nalang ang lahat ng lalaki sa pagkahulog niya.

Bago siya nahulog ay nasambit niya ang katagang ikinamatay ng lahat ng lalaki doon.

"Shine"

At nahulog na nga si Shi sa dagat.

----
🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon