Sa Pagtulog

51 5 0
                                    

"Hintayin nalang natin si Charlotte dito," sabi ni Mavis.

"Baka naligaw lang siya?" Tanong ni Zero.

"Hindi! Imposible! Alam na namin ang pasikot sikot sa bahay na ito. Imposibleng maligaw sya," Saad ng nag aalalang si Kevin.

Tumahimik ang paligid pagkatapos nun.

Habang ang taong nakakita naman kay Shini kagabi kay ito ang naisip,

Alam kong babae iyon, sa tindig pa lang nito at sa pangangatawan. Medyo madilim kaya di ko maaninag pero alam kong babae!

Napatingin siya sa tatlong babae.

Hindi ko dapat to iniisip pero posibleng siya ang may gawa, mahirap man isipin pero posibleng nabiktima niya si Carlo kagabi at ngayon ay si Charlotte.

Napatingin siya sa hagdan na dinaanan ng babaeng nakita niya.

Hindi ako dapat magduda! Pero... Keira... Shini... Mira...Sino sa inyo?!

Napabuntong hininga nalang ang taong ito.

"Tabi tabi tayo sa pagtulog, para makita agad tayo ni Charlotte pagbalik niya," Saad ni Mavis.

Nananalangin ang lahat na babalik pa si Charlotte maliban sa isa... Ang may gawa na si Shini.

Mabuti naman at hindi nila balak hanapin, napakatanga din ng mga ito. Naisip ni Shini.

"Hahanapin ko siya!" Determinadong sabi ni Kevin.

Nagulat naman si Shini dahil sa biglang pagkasabi ni Kevin non. Nakita naman ni Zero ang reaksyon ni Shini kaya agad niyang tinutulan ang pagbabalak ni Kevin na hanapin ang kambal nito.

"Kevin, hindi muna ngayon. Maniwala kang babalik pa siya. Kung hahanapin mo siya mahihirapan ka kasi madilim, isa pa baka magkawatak watak na naman tayo," Pagkokontra ni Zero.

Tinignan ni Kevin si Zero ng matalim at agad na sinugod ito.

"Ikaw! Ikaw siguro ang may gawa no?! Sino kasabwat mo ha?!" Sabi nito kay Zero na nakahawak pa sa kwelyo nito.

"Ano ba?! Concerned lang ako sayo!" Sagot naman ni Zero.

Biglang pinatigil ng nananahimik na si Mira ang dalawa.

"Ano ba kayo?! Itigil niyo nga yan. Kita mo naman diba na andito siya habang naligaw si Charlotte. Naniniwala akong wala sa isa sa atin ang may gawa! Walang sisihan!" Sabi nito sa lahat.

Sana nga, sana wala sa amin. Sa loob loob ni Mira.

"Matulog na tayo. Hintayin nalang natin hanggang mag umaga. Pero dapat maging alerto din tayo. Kakaiba na ang nangyayari." Saad ni Mavis.

"Bukas na bukas din, pag nahanap natin sila, aalis na tayo dito sa isla!" Isa pang sabi ni Shini.

Tumango naman ang iba bilang pagsang ayon. Nakakaramdam na sila ng kakaiba sa islang iyon.

Nakahiga ang lahat sa sofa na kanikaniyang pwesto na doon.

Two down. Eto na ang pangatlo. Nangising isip ni Shini.

Sa isang malaking sofa ay naroon si Mavis, Shini at Keira. Habang sa maliit naman ay naroon si Kevin at Mira.

Natulog na silang lahat. Nasa dulo si Mavis, nasa gitna si Keira at nasa kabilang dulo si Shini.

Hindi pa ako handang mamatay. Kelangang mag iwan ako ng clue habang alam ko na kung sino sya! Sana malaman nila.

Isinulat ng lalaki ang sa papel ang ...

E, B at A. At isinilid ito sa pitaka sa bulsa niya.

Ngayon ay handa na akong mamatay, Shini! Nasabi ni Mavis sa sarili.

Si Mavis ang nakakita kay Shini ng gabing isinagawa niya ang pagpatay kay Carlo. Nung una ay hindi niya pa naaninag ito. Ngunit nung tinignan niya pa ang dalawa ay nasisigurado niyang si Shini iyon.

Hatinggabi na non. Napabangon si Shini ng kaunti para hindi siya mapansin ni Keira. Dahil kung mahuli siya nito. Lagot siya.

Sinilip niya si Mavis sa kabilang dulo. Napangisi siya. Ngunit napalitan ng pagkagulat ang mukha ni Shini ng makitang dumilat si Mavis.

"Oras ko na pala?" Napakamot na sabi ni Mavis.

Napatulala lamang si Shini non.

"M-mavis?!" Gulat nitong sabi.

Agad namang nabawi ni Shini ang pagkagulat niya.

"Alam mo na pala..." sabi ni Shining nakangiti.

"Hindi ko na kailangang alamin kung kelan at paano mo nalaman. Babay, Mavis!" Saad ni Shini.

"So, it all ends here for me huh," nasabi ni Mavis.

Nagtama ang paningin ni Shini at Mavis.

"Shine"

Nandilat ang mata ni Mavis. At nilagutan ng hininga.

Hindi tulad ng iba, dahan dahan nitong ipinikit ang mata. Parang ang dahilan ng pagkamatay nito ay ang hindi pagkagising sa pagtulog.

Napapikit nalang si Shini at agad na nakatulog.

----

"Guys! Gising!"

Nagising ang lahat sa sigaw ni Kevin.

"Wala pa si Charlotte..." Lungkot nitong sabi.

"At saka, ayaw gumising ni Mavis, pinulsuhan ko siya, wala akong naramdaman, patay na siya." Masamang balita ni Kevin.

Agad namang napaalis si Keira at Shini sa sofa dahil sa sobrang kilabot dito. Naiisip nilang natulog sila katabi ng patay.

Napaiyak nalang si Keira sa pangyayari.

"Bakit nagkaganito?!" Hagulhol nito.

Wala ng nagawa ang iba kundi ang tumayo nalang at matulala. Iniisip nila kung anong nagawa nila dahil sa natatanggap nilang parusa ngayon.

----
🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon