Keira

41 4 1
                                    

Nakasandal sa may pinto si Keira. Hinihingal siya. Bakas sa mukha ang pagkagulat. Hindi niya akalaing madadatnan ang tagpong iyon.

Flashback

Naintriga non si Keira sa ingay na nasa labas ng kwarto. Inilabas niya ang ulo niya sa espasyo sa pintuan. Nakikinig siya sa mga boses na nasa kabilang kwarto. Hindi niya mawari ang pinaguusapan nito kahit dalawang kwarto paharap lamang ang pagitan. Inilabas niya na din ang buong katawan. Sinundan niya kung saang kwarto ito. Napagalaman niyang kay Mira iyon.

Bahagyang nakabukas ng kaunti ang pinto. Sapat lamang umpang makita ng isa niyang mata at madinig ng isa niyang tenga ang pinag uusapan nito.

"Bakit mo sinasabi sa akin to?" Tanong ni Mira kay Shini.

"K-kailangan e," Humihikbing sagot ni Shini.

Lalapitan ulit ni Shini si Mira ngunit umatras si Mira.

"Mira, I'm sorry." Hinging tawad ni Shini.

"A-anong?" Gulat na sabi ni Mira.

"Shine"

Napapikit si Mira non.

At di kalaunan, ay nahulog na nga sm Mira.

Napatakbo si Keira non. Hindi niya alam ang gagawin. Tanging ang bumalik nalang sa kwarto ang naisip niya.

End of flashback

Napadausdos nalang sa dingding si Keira. Nag uunahang tumulo ang luha niya. Nagmukmok siya doon ng ilang oras, iniisip niya kung pano makaalis sa islang iyon. Pinunasan niya iyon atsaka tumayo.

Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan upang walang makapansin. Pinuntahan niya kung saan nahulog si Mira. Ngunit,

"H-huh?!" Gulat at pagtataka ni Keira.

Agad niyang napansin sa bakas na nasa buhangin na parang may kinaladkad. Sinundan niya iyon. Napahinto siya ng may mapagtanto.

"Hindi kaya dinala niya si Mira sa kung saan?" Tanong niya sa sarili.

"O baka naman...buhay si Mira?! Hindi ko napansin na bumaba si Shini," Dagdag niyang tanong sa sarili.

"Kelangan kong alisin ang bakas dito sa buhangin kung ganoon para hindi niya masundan si Mira," Saad ni Keira.

Inalis ni Keira ang mga bakas sa buhangin. Ingat na ingat din siya sa pagtapak ng mga paa niya upang hindi masyado mahalata ang mga bakas niya. Upang walang makasunod kung sakali man.

Napansin niya ang bakas ay papunta sa gitna gubat.

"Oh no. Hindi kaya trap ito?" Nahintakutan niyang tanong sa sarili.

"Hindi ito ang oras para matakot! This is a do or die situation!" Pagpapaalala niya sa sarili.

Tinungo niya ang gubat. Nagulat siya ng may gumalaw sa gawing kaliwa niya.

"Sino yan?" Tanong ni Keira.

Hinawi niya ang mga dahon na nakaharang. Tumambad sa kaniya si Mira. Hirap na hirap ito sa paghila sa sariling paa.

"K-keira?" Naluluha nitong sabi pagkakita kay Keira.

Inabutan siya ng kamay ni Keira na nakangiti. Tinulungan ni Keira na makatayo si Mira. At pagkatapos ay niyakap niya ito.

"Buhay ka!" Saad ni Keira ay Mira.

Napaupo si Mira bigla dahilan ng pagkahiwalay nila sa pagkakayakap. Inalalayan naman ni Keira si Mira. Habang si Mira naman ay nakahawak sa balikat ni Keira.

"Keira! S-si Shini!" Naluluhang saad ni Mira.

"Oo. Oo alam ko." Sagot ni Keira.

"Iligtas mo si Zero," Sabi ni Mira.

"Pano ka?" Tanong ni Keira.

"Okay lang ako dito. Ako na bahala sa sarili ko. Susunod lang ako sayo. Sige na, Keira." Saad ni Mira.

Walang nagawa si Keira kundi tumango at saka bumalik papunta sa bahay.

"Babalikan kita, Mira" Saad ni Keira sa sarili.

Pagdating niya sa bahay ay mabilis siyang umakyat sa hagdan. Nakatungo lang siya. Ngunit agad siyang napahinto ng may makita na isang pares ng paa na nasa harap niya.

Napaangat siya ng tingin. Nagulat siya kung sino ito.

"Shini!" Gulat niyang sambit.

"Oh. Saan ka galing?" Nakangiting tanong ni Shini.

"Ah. Uminom lang tubig," nakangiting sagot din ni Keira.

"Mmm. Okay. Sige baba muna ako..." Paalam ni Shini.

"...ingat ka, Keira," Dagdag ni Shini.

Walang naging tugon si Keira at umakyat lang ng mabilis at saka sinilip ulit si Shini. Nang hindi na niya maaninag ito ay agad siyang napatakbo sa kwarto ni Zero.

Sinubukan niyang buksan ang pinto. Agad din naman niyang nabuksan iyon.

Pumasok siya loob ng dahan dahan. Inilock niya ang pinto at pagkatapos ay ginising ang natutulog na si Zero.

"Zero! Gising!"

Ilang tapik pa ang ginawa ni Keira kay Zero upang magising ito.

"Bakit?" Naalimpungatang tanong ni Zero.

"Basta. Tara na!" Sabay hila ni Keira kay Zero.

Dahan dahan silang bumaba sa hagdan. Palinga linga naman si Keira habang hila hila pa din si Zero.

Nakalabas na sila ng bahay.

May narinig si Keira na may sumisitsit sa kaniya.

"Mira!" Agad niyang sabi ng makita si Mira na nakasandal sa likod ng yate.

Patakbo na sana sila doon ngunit may agad na humarang sa kanila.

"Oops. Oops! Saan kayo pupunta?" Mapanuksong tanong ng taong nakaharang sa kanila.

"Shini!" Sambit ni Keira. Si Zero naman ay nakatingin lang.

"Say babay na, Keira!" Nakatawang saad ni Shini.

---

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon