Ang Kambal

54 3 1
                                    

Nagulat si Shini ng maidilat niya ang kaniyang mata. Nakaupo sa sahig si Zero katabi niya na nakahiga.

"Zero!" Gulat na saad ni Shini.

Nakangiti lamang si Zero sa kaniya.

"A-anong nangyari? Nasaan ako?" Saad ni Shini sabay napahawak sa ulo niya.

Wala pa ding tugon si Zero. Nakangiti lamang.

"T-tama! Naaalaa ko na..." Dahang sabi nito sa sarili ng maalala ang pangyayari.

"Bakit wala na akong sugat? At pati yata ikaw?" Tanong ni Shini kay Zero.

Litong litong si Shini non. Hindi niya mintindihan ang mga pangyayari. Madaming tanong ang nasa isipan niya. Kung bakit siya naroon sa kinalalagyan niya. Kung bakit nasa tabi niya si Zero. Kung bakit dito siy dinala. At kung bakit ito nakangiti sa kaniya.

"Ate, welcome back!" Ang tanging nasabi ni Zero na nakangiti habang naluluha.

Mas lalong nalito si Shini.

"H-huh? A-anong pinagsasabi mo?" Tanong niya kay Zero.

"Naaalala mo pa ba iyong kwento ko sayo? Doon sa yate?" Nakangiting tanong ni Zero.

"O-oo naman," Sagot ni Shini.

Hindi malaman ni Shini kung anong mararamdaman. Kabado siya sa kung ano ang malalaman.

"Natatandaan mo pa ba ang babaeng itinakwil ng sariling bayan? Natatandaan mo pa ba si Shi? Natatandaan mo pa ba si nanay?" Saad ni Zero.

Gulat na gulat si Shini sa narinig.

Shi? Nanay? H-huh? Naisip ni Shini.

"Natatandaan mo pa ba ang lalakeng nag iisang mahal ni nanay? Natatandaan mo pa ba si Iñigo? Natatandaan mo pa ba si tatay?" Patuloy na sabi ni Zero.

Tatay? Tatay ko si Iñigo? P-pano? Wala akong natatandaan! Gulong gulong naisip ni Shini.

"Natatandaan mo pa ba ang dalawang isinilang? Natatandaan mo ba pa na kinupkop tayo ni tatay Isko dahil sa nangyari?" Dagdag pa ni Zero.

Si tatay Isko? Kupkop? Dalawang isinilang...kambal? Lahat ng naisip ni Shini ay nagkakakonek konekta. Nagkaroon ng saysay. Lahat ng sinasabi ni Zero at ang kuwento na narinig niya noong nasa yate.

Hindi siya makapaniwala. Gulong gulo pa ang isip niya. Pero nasa parte niya ang gustong maniwala.

Pagkaraan ay tumayo siya palabas sana sa kuweba ngunit hinarangan siya ni Zero.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako dyan?" Saad ni Shini.

"Gusto mo bang maalala?" Seryosong tanong nito kay Shini.

Napahinto si Shini.

"To answer all your questions ate," Dagdag ni Zero.

Biglang nag abo ang mata ni Zero. Nagulat si Shini dahilan ng pagatras niya.

"I-ikaw?..." Gulat na sambit ni Shini.

"I-kaw ang i-isa pa?" Dagdag ni Shini.

Hindi na nakaimik si Shini ng biglang tinitigan siya ni Zero na abo pa din ang mga mata.

"Remember," Saad ni Zero.

Biglang sumakit ang ulo ni Shini dahilan ng pagkaluhod at pagkasigaw dahil sa sakit.

"Ahhhh!" Napapahawak si Shini sa ulo niya. Pakiramdam niya'y mabibiyak ang ulo. Pakiwari niya'y may isinisingit na memorya sa utak niya.

"Ahhhhh!" Huling palahaw ni Shini at pagkatapos ay agarang nawala ang sakit ng ulo niya.

Nakaluhod lang si Shini. May tumutulong luha sa mata niya dahil sa sakit at sa alaalang naaalala na niya.

"Si tatay Isko lang ang naaalala ko, mga kaibigan ko at pati ikaw Zero... Kuya," Naluluhang saad ni Shini.

"B-bakit hindi ko alam ang tungkol kina mama at papa, k-kuya?" Tanong ni Shini.

"Ipapaliwanag ko lahat. Sa ating dalawa, ako ang puro. Sinabi sa akin ni tatay Isko ang lahat ng nalalaman niya. Tinanong ko sa kaniya kung bakit alam niya, ang sagot niya sa akin ay sinabi sa kaniya ni Tatay Iñigo bago siya namatay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit sa akin niya lamang sinabi. Siguro dahil kapag sinabi niya sa iyo, iinumin mo agad ang dugo ni nanay. Nung nawala ako, hindi ako nalunod. I fell asleep at the sea. I woke up at narealize kong napapalayo na ako sa isla. And that's when I panic and started to drown. Napadpad ako sa siyudad. May kumupkop sa akin at eto nga," Paliwanag ni Zero.

"Alam mo bang nag ka amnesia ako?" Tanong ni Shini.

"Nung pumasok ka sa paaralan, unang araw mo pa lang kilala na kita pero hindi mo ako nakilala. Hindi naman siguro basta basta mo nalang ako makakalimutan kaya napagtantanto kong nagka amnesia ka," Sagot ni Zero.

"Nadapa ako nun Zero. Nabagok ang ulo ko sa bato. Nalaman ko kasi na nalunod ka," Naiiyak na paliwanag ni Shini.

"Ate, andito na ako," Yakap ni Zero kay Shini.

"Alam ko ang lahat ng pinagdaanan mo ate. Hindi ko hahayaang mag iisa ka ulit," Dagdag pa ni Zero.

"Zero... Kuya," Umiiyak na saad ni Shini.

"Shh tahan na. Magsimula ulit tayo ate," Saad ni Zero habang kumakalas sa pagkayakap kay Shini.

"P-pero paano?" Tanong ni Shini.

"Sa ibang lugar. Iyong walang nakakakilala sa atin," Sagot ni Zero.

"S-sige! K-kahit san ka kuya, sasama ako," Naiiyak na saad ni Shini.

"I-isa pa. Gusto ko din makalimutan ang lahat ng nagawa ko kuya. Lahat ng mga kasalanan ko. Gusto ko ng magbago," humihikbing saad pa ni Shini.

"Oo ate, kung yan ang gusto mo," Nakangiting saad ni Zero.

Sabay silang lumabas sa kuweba. Napatingin nalang sila sa paligid.

"Isla Shi...," sabi ni Shini sa sarili.

"...paalam," Dagdag ni Shini.

---

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon