Ang Diary

48 6 0
                                    

Nakauwi na si Shini sa apartment niya. Nabigla na siya ng may biglang kumatok sa pintuan.

"Shiniii!" Tawag ni Mira kay Shini.

Agad namang tumayo si Shini at pinuntahan si Mira. Binuksan niya ang pintuan at bumungad dito ang mukha ng kaibigan niya.

"Oh? Gabi na ah" gulat na tanong ni Shini.

"Tara. Sleep over ka sa bahay namin," Ngiting aya ni Mira kay Shini.

"Sige ba. Kunsabay matagal tagal na din nung huli," Sabi ni Shini.

Nag handa na si Shini ng mga gamit niya. At pumunta na sila sa bahay ni Mira.
---
Bumaba na sila ng kotse. Agad na pumunta si Mira sa may gate nila at sinabing,

"Welcome back, Master." Sabay bow nito.

Natawa nalang si Shini dahil sa kakulitan nito. Gaya ng dati ay nag momovie marathon ito hanggang 3 am.

Hanggang sa nakatulog na sila.

Naalimpungatan si Shini sa sinag ng araw. Umaga na pala. Tumayo siya at pumunta sa banyo para mag sipiliyo.
Nang pabalik na siya ay nakita niyang nahulog ang isang unan kaya kinuha niya ito.

Napatigil siya ng makita ang maraming kahon sa ilalim nito. Hinila niya ang kulay pink na kahon na may nakasulat na Mira.

Tinignan niya muna si Shini kung tulog pa ba ito. Nang makitang hindi ito gumagalaw ay tuluyan na niyang hinila ang pink na kahon.

Nakita niya ang mga litrato. Litrato ni Mira. At ang diary ni Mira. Nang makitang gumalaw si Mira ng kaunti ay agad niyang nahila ang bag niya at ipinasok ang diary ni Mira.

May kung ano doon na gusto niyang tignan.

Isinauli niya pabalik ang kahon sa pwesto nito para hindi mahalatang nagalaw ito.

"Shini, anong ginagawa mo diyan?"

Nagulat si Shini ng biglang nagsalita si Mira.

"A-ah, pinulot ko lang tong unan. Nahulog kasi." Napakamot ulo nalang si Shini.

Muntik na.

"Teka ha. Toothbrush muna ako tas sabay na tayo baba," paalam ni Mira.

Tumango lang si Shini at sinilip ulit ang diary sa bag niya ng pumasok si Mira ng banyo.

Napabuntong hininga nalang siya.

"Tara na Shiniii," magiliw na sabi ni
Mira kay Shini.

Sabay na silang bumaba at naghapunan. Gaya ng dati ay ihahatid uli ni Mira si Shini sa apartment nito.

Pagkaalis ni Mira ay agad na inalis niya sa bag ang diary at tinitigan ito. Pagkatapos ay pumunta sa kwarto niya at itinago sa ilalim ng kutson.

---

Nakaupo sina Keira at ang grupo nito sa sofa habang naglalaro ng Xbox.

"Hey, guys." Pukaw ni Keira sa mga kaibigan.

Napalingon naman ang lahat maliban kay Kevin at Charlotte na nakatutok pa din sa screen.

"I think, ititigil na natin kung ano mang binabalak natin kay Shini," sabi ni Keira.

"Huh? Wala namang kaming binabalak sa kaniya, ikaw lang" Sabi ni Marvin habang kumukuha nga tsitsirya.

"Kaya nga e, di ko na itutuloy, isa pa parang parte na din siya sa atin kahit sandali pa lang natin syang nakasama," ngiting sabi ni Keira na siyang nagpangiti din sa iba.

"We have to make it up to her, too." Dagdag ni Keira.

----

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon