Anak ni Ricardo

59 5 0
                                    

Nakatulog si Shini matapos non. Alas sais na ng umaga ng makarating sila sa isla. Nagsibabaan na silang lahat.

Si Shini naman ay nanibago. Wala ang lahat ng bahay na naroon noon. Isang malaking bahay lang ang nakita niyang nakatayo doon.

"Finally! Andito na din tayooo!" Masayang masaya na sabi ni Mavis.

Ngumingiti ngiti lamang ang iba.

"Oh guys! Pasok na tayo sa loob," pag aaya ni Keira.

Pumasok naman ang lahat sa loob. Bago pumasok si Shini sa loob ay napatingin muna siya sa paligid at saka sa gubat.

It's payback time.

Pagkaraan ay pumasok na siya. Napalinga siya agad sa paligid dahil sa laki ng bahay at sa disensyo nito. Magarang magara.

"Shini, tara dito!" Tawag sa kaniya ni Carlo na siya namang nakapukaw kay Shini.

Pumunta nalang si Shini doon sa barkada.

"So, tutal lahat naman tayo ay may kwarto na.." Kausap ni Keira sa barkada.

"Ngunit sina Zero at Shini ay wala pa, pumili nalang kayo sa kahit saan na walang pangalan," Nakangiting sabi nito kina Zero at Shini.

Tumango lamang ang dalawa. Manghang mangha pa din sa bahay.

"Okay! Tara sa second floor, naroon ang mga kwarto!" Excited na sabi ni Charlotte.

Nagsipuntahan naman ang lahat sa taas at pagkatapos si Shini ay pumili na ng kwarto para sa kaniya.

Napili ni Shini ang kwarto sana sa pinakadulo. Ngunit tulad ng dati, may nakalagay ditong 'DND'. Kaya pumili nalang siya ng iba, doon sa katapat lang ng dagat ang isang bintana at katapat ng gubat ang isa pang bintana.

Pumasok na siya at humiga sa kama niya. Namangha nalang siya sa sobrang ganda.

Inabot niya ang bag niya at pagkatapos ay tinignan ang diary ni Mira.

Mamaya ka na.

Naibalik niya ang diary sa bag. Naipikit niya ang mga mata niya. Pagkailang saglit lang ay nakarinig siya ng tawanan sa baba.

Tawa ng isang pamilyar na kaibigan.

Napababa siya ng mabilis sa hagdan. Nagulat siya ng makita si,

"Mira?" Takang tanong ni Shini.

Napalingon naman agad sa kaniya si Mira. At agad na sinalubong ito ng yakap.

"Shiniiii!" Nanggigigil nitong tawag kay Shini habang yakap nito si Shini.

Napatanga na lang si Shini kay Mira bagamat may nararamdaman din siyang tuwa ng makita niya si Mira.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong ni Shini kay Mira.

"As you can see Shini. Magbabarkada kami. At na reunite kami dahil sa iyo," Paliwanag ni Mira.

Nagulat naman si Shini sa narinig. Ni hindi siya makaimik.

"Oh, sorry Shini haaa. Hindi ko nakwento to sayo," pagpapaumanhin ni Mira.

Sa isip naman ni Shini ay,

Siya ang...anak ni Ricardo?!

Bigla namang nabawi ni Shini ang reaksyon niya dahil baka magtaka ito sa kaniya.

"A-ah, okay lang yon haha," akward na tawa ni Shini.

"So everyone! Magsaya muna tayooo! Whooo!" Sigaw ni Mavis.

Hindi muna nila inisip ang proyekyo nila. Ang iniisip nila ngayon ay ang mag saya.

Magsaya na kayo habang may oras pa. Tutal ito na naman ang huli ninyo. Naisip ni Shini.

Naghanda ang lahat ng kaylangan nila. Pati ang paglalagay ng stick sa karne para maging barbeque ito. Ang pagsaing ng kanin. Lahat lahat. Napatagal ang paghahanda nila dahil ang mga karne ay nimarinate pa at iniluto pa. Ngunit agad naman silang natapos pagka alas sais ng gabi.

Inilabas na nila ang lahat na kaylangan para sa pagsasaya kuno nila. Inilatag nila ang tela sa buhangin at pagkatapos ay umupo sila pabilog. Inihanda na nila ang lahat sa gitna nito.

Lahat sila ay naka swimming suit. Handang maligo kahit gabi na. Ang iba ay naligo na habang may bitbit na pagkain na itinaas lang para di mabasa sa dagat.

Lumusong na din si Shini sa dagat pagkatapos niya kumain ng barbeque. Dahan dahan niyang inihakbang ang mga paa habang nararamdaman niya ang maliliit na alon sa paa niya.

Naabot na niya hanggang bewang at pagkatapos ay humarap sa pinanggalingan niya. Dahan dahang nahiga sa dagat.

Parang tulad ng dati lang.

Pagkatapos ay nagpalutang lutang siya sa dagat na nakapikit ang mata.

Anak ni Ricardo. O mas mabuting sabihing, Si Mira na anak ni Ricardo. I'm sorry, Mira. Pero anak ka ng kumuha sa kaligayahan ko, anak ka ng kumuha sa pamilya ko. Anak ka ng kumuha ng lahat lahat sa akin. Kailangan ko din kunin ang mahalaga sa kaniya. I'm sorry Mira. Pero isasali talaga kita. Naisip ni Shini.

Idinilat niya ang mata at tumitig sa mga butuin na nasa langit.

At ngayon na ako magsisimula, Mira. Tatraydurin kita dahil kailangan. Hindi lang ikaw kundi kayong lahat.

Pagkatapos ay naipikit uli ang mga matang nakakamatay.

----

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon