Laman ng Diary

50 4 0
                                    

Naharangan ni Shini si Zero at Keira.

"So, you've figured it out." Saad ni Shini.

"Ano ngayon?" Pagsagot ni Keira.

"Mangmang ba yang kasama mo? Hahaha! Anyways, ito na ang huli para sa inyo," Nakangising saad ni Shini.

"Shi---" Agad na naputol ang sasabihin niya ng maramdaman niyang may pumukpok sa ulo niya.

Pinukpok pa siya ng isang beses.

Dalawa.

Tatlo.

Napatingin siya sa taong pumupukpok sa kaniya.

"Mira?" Magkadikit na kilay na sabi ni Shini. Agad na napalitan iyon ng gulat nang may mapagtanto.

"Buhay ka pa?" Tanong ni Shini. Hindi niya ininda ang sugat na tinamo niya sa ulo. Pati ang dugo na umaagos sa ulo niya.

"Oo! At ako ang papatay sa iyo kahit magkaibigan pa tayo!" Umiiyak na sabi ni Mira.

Tumayo si Shini. Habang si Keira at Zero naman ay nasa likod ni Mira.

"Huh! Hindi niyo kasi ako naiintindihan!" Naiiyak na saad ni Shini.

"Edi ipaintindi mo!" Sagot naman ni Mira kay Shini.

"Ang mga tatay niyo ang mismong may kasalanan!..." Panimula ni Shini.

Natahimik sila pagkatapos nun.

"Kinuha ng mga tatay niyo ang mga mahahalagang tao sa buhay ko! Kaya ngayon, kukunin ko ang mga mahahalagang tao sa buhay nila! Ganti ganti lang!" Umiiyak na saad ni Shini.

"Hindi namin maintindihan," Saad ni Keira.

"Hindi niyo maintindihan? Sige. Deretsahan kong sasabihin sa inyo. Itong mga tatay niyo, sapilitang kinuha ang isla sa amin! Pinapatay nila lahat lahat ng andito para lang makuha ito! Mas masahol pa ang mga tatay niyo kesa sa dimonyo na tulad ko!" Sabi ni Shini.

Nagulat ang lahat sa narinig. Pawang katahimikan ang naghari.

"Shini, bakit hindi nalang ako ang pinatay mo?" Napaluhod na sabi Mira.

"H-huh?" Nagtatakang tanong ni Shini.

"Basahin mo ang diary ko, alam kong nasayo," Naluluhang saad ni Mira.

"P-paanong?" Tanong ni Shini.

"Anong ibig mong sabihin, Mira?" Tanong din ni Keira.

"Basta," sagot ni Shini.

Kinuha ni Shini ang diary ni Mira sa loob ng bulsa niya. Maliit lamang ito. Binuklat niya ang pinakaunang pahina.

April 6 2008

I really want to own an island. Kaso mahirap lang kami. Wish ko na sana bigyan ako ni papa ng island.

Inilipat pa niya sa mga ibang pahina na may kaugnayan sa isla.

April 30, 2008

Minsan nalang umuwi si papa. Sabi niya magtatrabaho siya ng maigi para maibigay ang gusto ko.

June 17, 2008

Napromote si papa. Sabi niya may nakaibigan daw siyang mababait na tao.

June 24, 2008

Nalaman kong tinutulungan pala ng kaibigan ni papa si papa. Napakabait nila.

July 8, 2008

Nakilala ko ang mga anak nila. Ang pangarap ko ay pangarap din nila. Mababait silang lahat. Sina Carlo, Keira, Kevin, Charlotte at Mavis. Super bait nila.

September 28, 2008

Napatagal na ako sa pagsulat dito. May kalaro na kasi ako e.

Nagtaka si Shini ng biglang nasa 2012 na ang taon na nasa diary.

January 17, 2012

Hi diary! Gusto ko nga pala malaman mo na may isla na kamiiii! Yipeee! Natupad din ang pangarap ko! Thanks to papa :)

Inibalik na ni Shini ulit ang diary sa bulsa niya.

"Bakit hindi ko nakilala papa mo?" Tanong ni Shini.

"Kinuha ako ni mama sa kaniya," Sagot ni Mira.

"Kung ganoon dapat pala ikaw lang ang pinatay ko," Saad ni Shini.

"Oo kaya please lang, pwede bang ako nalang patayin mo? Wag mo na idamay ang iba," pagmamakaawa ni Mira.

"Umalis na kayo dito habang may oras pa," Sabi ni Shini.

Nagulat naman sila. Agad na tumayo si Mira. Hinila niya si Keira at Zero papunta sa yate. Ngunit nanatiling nakatayo si Zero.

"Zero?" Pukaw ni Mira kay Zero.

"I'm sorry. Ayoko sumama," mahinang sabi ni Zero.

Nagulat si Keira at Mira lalo na si Shini.

"B-bakit?" Tanong ni Keira.

Hinarap ni Zero si Shini.

"We have to kill her," Saad ni Zero. Inilabas niya ang kutsilyo sa bulsa.

Nagulat si Shini sa biglang paglapit ni Zero at saka sinaksak si Shini sa tagiliran.

Dahil sa pagkabigla ay inagaw ni Shini ang kutsilyo at sinaksak din si Zero.

"U-umalis na kayo," Nakangiting saad ni Zero habang nag uunahang lumabas ang dugo sa bibig niya.

Umiiyak naman si Keira at Mira.

"Pero paano ka?" Tanong ni Keira.

"S-sige n-na. W-wag ninyong sayangin ang p-pagkakat-taon," pagkatapos ay naipikit na ni Zero ang mga mata.

Tumakbo papuntang yate sina Keira at Mira. Pinaandar nila ang yate at himala nang umandar ito.

"Ikaw ba nag ayos nito?" Tanong ni Keira.

"Hmm. Oo," nakangiting sagot ni Mira.

Napatingin nalang sila sa isla at napabuntong hininga.

"Hindi ko akalain na magiging ganito ang kinalabasan," Saad ni Mira.

"Oo nga e. Sobrang tragic," pag sangayon ni Keira.

"Mas mabuti pang kalimutan na natin ang islang to," Saad ni Mira.

"Pero," pagtutol ni Keira.

"Kasalanan ko lahat. Ako nagwish na magkaroon ng isla. Ako ang puno't dulo ng lahat kung bakit nagawa ni papa iyon na siyang kinasawi ng mga tao sa isla ayon kay Shini," Sisi ni Mira sa sarili.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Isa pa bakit ka maniniwala sa kaniya?" Tanong ni Keira.

"She's my friend after all," mapait na ngiti ni Mira.

Napakayap nalang sila sa isa't isa.

Tapos na.

Para sa kanila.

Samantala...

Nang hindi na maaninag ni Zero ang yate ay bumangon na ito. Iniluwa ang mga dugo at pagkatapos ay pinunasan ang dugo sa gilid ng labi.

Kinarga niya si Shini papunta sa gitn ng gubat. Pumasok siya sa kung saan nakalibing si Shi. Bumaba sila sa kuweba at pagkatapos ay inilapag niya si Shini.

Ginamot niya si Shini gamit ang sarili niyang gamot na siyang agad na nakapagpagaling agad kay Shini.

Pagkatapos niyang gamutin si Shini ay inubad niya ang damit niya at ipinatong sa katawan ni Shini.

Inilibot ni Zero ang paningin sa loob ng kuweba. Napatingin siya kay Shini.

"Welcome back, ate."

At saka hinalikan sa noo.

----

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon