Ang Apartment

48 6 0
                                    

"Teka lang ha, magpapaalam muna ako kay Mira," pagpapaalam ni Shini kina Keira.

Tumango lang din sila.

Samantala...

"Let's find something na ikasira niya," ngising sabi ni Keira.

"Pakiramdam ko parte na siya na grupo natin, are you really sure about this?" Pagaaalinlangan ni Carlo.

"Hello? Anim lang tayo sa grupo, originally. Hindi siya kasali," Sagot naman ni Keira.

"Baka nakakalimutan mong wala na siya sa grupo natin? Bumitaw na siya. Nagpakalayo. Tsk" Sabat ni Mavis.

Habang si Shini naman ay hindi sinasadya ang pagkarinig sa pinaguusapan nilang umalis na kaibigan.

May isa pa?! Kala ko isa lang?!

Lumabas na si Shini sa pinagtataguan na kunwari ay doon siya dumaan.

"Tara na."

---
Binuksan na ni Shini ang pintuan ng kanyang apartment. Maliit lamang ito pero kakasya naman silang anim. Anim lamang sila dahil wala pa si Zero. Susunod lang daw ito.

"Pasok kayo," ngiting sabi ni Shini.

Pumasok naman sila at kahit hindi oa pinaupo ay nagkanya kanyang upo na ito sa sofa.

"Maliit ang apatment mo pero maganda," sabi ni Charlotte.

"Tara na magsimula na tayo," paninimula ni Keira.

Biglang bumukas ang pinto at dumating si Zero.

"Sorry, I'm late" Paumanhin ni Zero. At agad na umupo din sa sofa.

Nagsimula na ang lahat sa pag iisip at sa pag susuhestiyon ng mga lugar na maaari nilang maobserba.

Habang si Keira naman ay naghahanap ng bagay. Katatakang walang mga litrato ng pamilya niya. Walang kabuhay buhay ang apartment nito.

"Teka, diba may napili na tayo kahapon tapos magpapaalam nalang si Keira?" Saad ni Zero.

Natigilan si Keira sa pagtitingin tingin sa apartment ni Shini.

"H-ha? Ah, oo nga! Good thing na pumayag si Daddy," ngiting balita ni Keira.

"Ayos! Meron na pala. Hahaha." Masayang saad ni Kevin.

"Teka, saan nga pala un?" Sabat ni Shini.

"5 Star Island Resort," sagot naman ni Mavis.

"Huh? Saan yon?" Takang tanong ni Shini.

"Malalaman mo din. Basta. Pagmamay-ari yon ng mga magulang namin" Proud na proud na sabi ni Charlotte.

Pagmamay-ari ng magulang nila? Iyon ba iyon? Makakabalik na ba ako sa...pinanggalingan ko?

Biglang umapaw sa dibdib ni Shini ang galit ng maalala ang sinapit nila sa islang iyon.

Dahil sa magulang nila.

Ang kapal nila! Pinalitan pa nila ang pangalan ng isla!

"Hey, okay ka lang?" Tanong ni Zero.

"H-huh? Oo naman" Sagot ni Shini.

"Then, we'll go na. Ipatuloy nalang natin to bukas kasi gumagabi na din naman" saad ni Keira.

Nagpaalam na sila sa isa't isa.

Si Shini ay biglang naalala ang lahat lahat na nangyari, ang kanilang hirap na dinanas. Ang kaniyang nagawa.

Habang sina Keira naman...

"There's something weird about her," saad ni Keira.

"What?" curious na tanong ni Mavis.

"Nung binanggit ko yung Isla, parang nawala siya sa sarili niya at tsaka ang weird nang apartment niya. Masyadong gloomy. Creepy." Sagot naman ni Keira.

"Hays. Ibalewala nalang natin iyon. Tara na." Sabat ni Kevin.

Habang si Zero naman...

"Boy! Akin na pera mo!" Sabi ng holdaper na may nakatutok na kutsilyo sa kanya.

"Shine"

Biglang nandidilat ang mata ng holdaper at hindi makahinga.

Na siyang ikinamatay nito.

---
🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon