Ang Unang Hakbang

113 8 6
                                    

Pagtapak na pagtapak pa lang ng paa ni Shini sa pinapasukan nyang paaralan ay sumilay na dito ang nakakabighani nyang ngiti.

Maririnig ang mga bulong bulungan tungkol sa kanya.

"oh em gee! Ang ganda nya super!"

"Matalino na, maganda pa! Nasa kanya na ata lahat"

"Haaays! Ang swerte nya grabe to the highest point"

"May bf na kaya sya?"

Napangiti nalang si Shini sa kanyang naririnig tungkol sa kaniya. Masarap sa pandinig kasi puro papuri.

Kung malalaman lang nila kung sino at ano ako... Malamang puro negatibo na ang maririnig ko..

Natawa si Shini sa naisip nyang iyon.

Pero hindi ko hahayaang mangyari yon.

Pumunta na sya sa listahan na kung saan makikita ang mga section kung saan ka mabibilang. Iba ang listahan ng section B hanggang section F sa section A o di kaya ang sinasabing Pilot Section.

Ang mga Section A ay napabibilangan lamang ng mga estudyanteng may grado 92 pataas, puro matatalino, mayayaman, at maganda/gwapo.

Biglang may tumapik kay Shini.

"Pst Shini! Wala ka dyan sa section B o kaya pababa pa!" Sabi ng kaibigan nyang si Mira.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Sabi nya. Na kunwaring nagulat.

"Hello?! Diba matalino ka? Alam mo na ibig kong sabihin! Hihihi. Lika dito!"

Kinaladkad sya nang kaibigan papunta sa board ng Section A.

"Dyaran! Shini V. Samuelson!" Nangingiti na sabi ni Mira ngunit agad din itong nalungkot at naiiyak.

"Hoy! Anong problema mo?" Nangingiti nitong tanong sa kaibigan.

"Shini, kung noon sabay pa tayo sa section E, sabay papasok tas sabay uuwi, last year nasa sec B ka tas ako sec C lang, hindi sexy ha! Section C! Tas ngayon Sec A ka na, di na kita mareach e. Pero I wish you all the best naman, sana stay friends pa din tayo tsaka close. Hehe. Yon lang." Sabi ni Mira na naiiyak na at pinipigilan lamang na tumulo ang mga luha nya.

Niyakap sya ng mahigpit ni Shini.

"Wag kang mag-alala. Friends tayo forever!" Saad ni Shini.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dumeretso na si Shini sa Sec A.

Naaayon lahat sa plano ko. Hahaha!

-----
🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon