Ang Kasaysayan 2

42 5 0
                                    

Continuation po ito sa nangyari kay Shi.

----

Biglang nagising si Shi sa init at sinag ng araw. Naalimpungatan din siya dahil sa ingay na sa paligid niya.

Idinilat niya ang mga mata. Malabo pa ang naaaninag niya. Nang medyo luminaw na ay,

Tao?

Napapalibutan siya ng mga tao.

Tao?!

Napabalikwas si Shi sa sa buhangin kung nasaan siya ay nakahiga.

"Nasaan ako?" Saad ni Shi sabay hawak nito sa ulo.

Pakiramdam niya'y nahihilo siya.

"Nandito ka sa isla namin binibini." Sagot sa kaniya ng may kaedaran na na lalaki.

"Ano pong nangyari?" Tanong uli ni Shi.

"Binibini, bago namin sagutin ang iyong tanong ay magpalit ka muna ng damit at saka magkape ka na din muna," Nakangiting sabi sa kaniya ng matandang lalaki.

Ang matandang lalaking iyon ay si Kapitan Isko. Siya ang namamahala sa maliit na isla.

"Pwede po siya sa bahay ko Kapitan," boluntaryo ng isang lalaki na nasa edad bente pa na si Iñigo.

"Oo sige," pagpapayag ni Kapitan Isko kay Iñigo.

"At anong pangalan mo iha?," Dagdag na tanong ng Kapitan.

"S-shi po," nakatungong sagot nito dahil sa hiyang pagkakatitig nito sa kaniya ng mga naroon.

"Shi, doon ka muna tumuloy sa bahay ni Iñigo. Wag kang mag-alala siya ay mabait na bata," Nakangiting saad ulit ng Kapitan.

"Halika na, Shi," Pag aaya ni Iñigo sa dalaga at inabutan pa ito ng kamay si Shi para makatayo sa pagkakaupo.

Walang nagawa si Shi at sumunod na lang siya. Hindi siya nakakaramdam ng takot sa mga ito kumpara noong mga lalaking nasa barko.

Pagkarating nila sa bahay ni Iñigo na kubo lang pero maganda, pinagbihis niya si Shi ng damit at saka pinakain.

"Ahm, Iñigo? Tama ba?" Parang nahihiya pang tawag ng dalaga sa binata.

"Ah, oo. Bakit?" Nakangiting tugon ni Iñigo.

"Paano ako nakarating dito?" Tanong ng ni Shi.

"Pagkagising nalang namin ay nandoon ka na sa buhangin," paliwanag ng lalaki.

"At ikaw, bakit napunta ka dito?" Dagdag pa ni Iñigo.

Walang pag aalinlangang sinabi ni Shi halos lahat maliban na lang sa demonyo siya at pinatay niya ang mga lalaki doon.

Naawa ang lalaki sa kalagayan ng babaeng iyon. Naisip niyang doon nalang muna pansamantala ang babae titira.

"Shini"

"Iñigo"

Sabay nilang tawag sa isa't isa kaya natawa nalang sila.

"Ikaw na mauna," sabi ni Iñigo.

"Pwede bang dito nalang ako tumira? Bilang bayad ko sayo at tutulong ako sa mga gawain Iñigo. Lilinisin ko bahay mo at kung ano ano pa... Isa pa ay ayoko ng bumalik sa amin, itinakwil ako ng sarili kong bayan," saad ni Shi.

Muling nanumbalik ang awa niya dito para sa babae.

"S-sige ba," lumapit si Iñigo kay Shi sabay yakap dito.

Lumipas ang mga araw at buwan ay iba na ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

Para na silang mag asawa.

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon