Sa Basement

59 5 0
                                    

Tanghali na nagising ang lahat. Nahuling bumaba si Mavis.

"Good Aftie, Mavis!" Bati ni Kevin na nagluluto, kay Mavis na bumaba ng hagdan.

Kinukusot kusot ni Mavis ang mata niya.

"Good Afternoon?" Takang tanong ni Mavis kay Kevin.

"Tanghali na kaya, duh!" Pagtataray ni Charlotte.

Ang lahat ay naupo na sa mesa maliban kay Kevin na nagluluto at kay...

Carlo.

"Bakit wala pa si Carlo?" Takang tanong ni Keira.

"Alam mo namang tulog mantika yon," Natatawang sabi ni Mavis.

Agad namang napatingin si Zero kay Shini.

So, you already made your first move, Shini. Naisip ni Zero. Habang si Shini naman ay nakapatong lang ang ulo niya sa lamesa at nakapikit.

"Carlo! Carlo, kakain na!" Tawag ni Kevin kay Carlo na akala niyang natutulog pa.

Totoo nga namang natutulog ito, natutulog sa dagat.

Nahain na lahat ni Kevin ang pagkain, mga plato, at ang kanin. Ngunit wala pa ding Carlo ang bumababa. Nagsimula ng kumain ang iba.

"Kevin, I think you should eat first. Malilipisan ka niyan. Baka tulog pa talaga si Carlo." Sabi ni Zero.

Kumain nalang din si Kevin non. Natapos na lang sila kumain ngunit wala pa din si Carlo.

"Wala pa ba si Carlo?" Tanong ni Shini.

"Wala pa e. Wait, Icheck ko nalang siya," Pagprepresinta ni Keira.

Umakyat si Keira sa second floor. Kumatok siya sa pinto ni Carlo ng ilang beses.

"Hmm, tulog mantika ka talaga!" Asar ni Keira kay Carlo na sa kaniyang sarili niya lang sinabi.

Pinihit ni Keira ang seradura at lock ito.

Kinuha ni Keira ang spare key sa na nakasabit sa dingding. Binuksan at pumunta sa kama ni Carlo. Nakita niyang nakatalukbong ito.

Ginulat niya si Carlo sabay tapik sana sa katawan nito. Sa ginawa niya, imbis na siya ang mangugulat ay siya ang nagulat.

Napatayo siya ng mabilis.

"Nasaan si Carlo?" Bulong ni Keira.

Bumaba si Keira pababa.

"Guys!" Tawag ni Keira sa lahat.

Agad namang napalingon sila kay Keira na nakatayo malapit sa hagdan.

"Si Carlo...!" Panimula niya.

Agad namang napatayo si Mavis pagkarinig niya dito dahil ang tono nito'y may pahiwatig na may problema.

"...nawawala!" Patuloy ni Keira.

Agad namang nagulat ang lahat sa kaniya.

"Ano?!" Halos magkasabay na sigaw ng lahat.

Umupo si Keira katabi ni Shini sa sofa.

"Wala si Carlo doon sa kama niya, pero nakalock iyon kanina. Binuksan ko lang gamit ang spare key. Nawawala siya," sabi ni Keira na nakahawak sa ulo. Hinagod naman ni Shini ang likod ni Keira.

"Wag kang mag-alala, Keira. Malay mo nasa gubat lang siya," Pagpapagaan loob ni Kevin.

"Oo nga, baka nagpahangin lang." Sang ayon ni Zero.

"Wala nangyari kay Carlo, Keira. Tayo lang naman ang nandito e," pag aalo ni Shini.

"Iyon na nga e! Tayo lang ang nandito! Wala ng iba," Sagot na pasigaw ni Keira.

Kaya natahimik naman ang iba.

"Babalik din si Carlo. Tiwala lang," Sabi ni Mavis.

"Hanapin natin siya!" Determinadong sabi ni Shini.

Napatingin naman sa kaniya ang lahat.

"Pero saan?" Tanong ni Kevin.

"Saan pa ba? Edi sa gubat!" Nakapamewang na sagot ni Shini.

"Kailangan natin maghiwahiwalay para mas mapadali ang paghahanap natin sa kaniya," suhestyon ni Zero.

Pumayag naman ang lahat. Lumabas na sila at naghanap sa gubat.

Si Shini naman ay napunta sa gitna ng gubat. Pumasok siya doon sa pababa na kuweba. Iniyuko ni Shini ang ulo niya,

"Malapit na, Shi. Salamat dito sa pinahiram mong abilidad." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya.

Tatlong oras na ang lumipas at napabalik na silang lahat sa bahay. Hindi nila nakita si Carlo.

Pumasok ulit sila sa bahay na lugong lugo. Naiiyak na si Charlotte at Keira. Ang lahat ng barkada ay nag aalala na.

Ini-on na sana ni Shini ang switch ngunit,

"Huh? Bakit ayaw umilaw?" Takang tanong ni Shini.

Napalingon naman ang lahat sa kaniya. Pati si Mavis ay ini-on at off din ang switch ngunit wala pa din.

"Now this is getting creepier!" Sabi ni Charlotte na nakahawak sa mga braso niya.

"Magsama tayong lahat sa sofa," saad ni Zero.

Naupo silang lahat sa sofa.

"Keira nasaan ang mga kandila dito?" Tanong ni Shini.

"Nasa basement, Shini." Si Charlotte nalang ang sumagot.

Paalis na sana si Shini patungo sa basement ngunit pinigilan sya ni Charlotte.

"Alam mo kung saan?" Tanong nito kay Shini.

"Hindi. Pero hahanapin ko," saad ni Shini.

"Samahan na kita," pagpepresinta ni Charlotte.

Agad namang tumayo ang dalawa at pumunta na sa basement. Bumaba na sila sa basement at naghanap ng kandila.

Habang naghahanap sila ay biglang nagsalita si Charlotte.

"Shini, hindi mo ba napansin. It's strange really," sabi ni Charlotte kay Shini habang naghahanap sila.

"Oo nga e..." Sang ayon ni Shini.

"Hey, may lamp dito at saka posporo." Dagdag na sabi ni Shini.

"Talaga?" Nagliwanag naman ang mata ni Charlotte.

Iniliwan ni Shini ang lampara. At itinapat sa mukha ni Charlotte.

"Eto oh, Charlotte." Sabi ni Shini.

Nagulat si Charlotte ng nakangisi si Shini.

"S-shini?!" Gulat nitong sabi.

"Shine"

Nandilat ang mata ni Charlotte at nalagutan ng hininga.

Sinalo ni Shini ang katawan ni Charlotte. At isiniksik ito sa loob ng washing machine kasama ng mga sabon na nakapack.

Umakyat pabalik si Shini palabas ng basement.

Pumunta si Shini sa kung nasaan ang barkada.

"Oh, Shini! Nasaan si Charlotte?" Tanong ni Mavis.

"Ha? Akala ko ba andito na siya? Hindi kami magkasamang pumunta sa basement. Wala na siya sa likod ko kaya akala kong andito na siya." Paliwanag ni Shini.

Nagkatinginan naman ang lahat ng magbabarkada.

----
🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon