Sino Pa Ang Isa?

56 6 0
                                    

Pagkagising palang ni Shini ay agad siyang nagsipiliyo at agad na binuksan ang T.V. niya. Habang nagsisipilyo ay nilipat lipat niya ang mga channel hanggang sa nahinto siya sa news.

"..Isang lalaki ang natagpuang patay sa eskinita at madaling araw na ito natagpuan. Sa di malamang dahilan misteryo ang pagkamatay dito dahil walang bahid ng sugat at tanging ang mga matang dilat lamang ang clue dito..."

Agad na kumunot ang noo ni Shini pagkarinig pa lang niya dito. Alam niyang tanging siya lamang ang nakakagawa nito. Ngunit, paano niya magagawa yon eh wala naman siyang naalalang may pinatay kagabi?

Hindi kaya...? Hindi! Wala ng isa pa! Kung meron man, sino?

Takang taka na si Shini sa pangyayari. Alam niyang siya lang talaga ang makakagawa noon dahil sa estilo ng pagkamatay ng lalaki.

Lumabas ng apartment si Shini na litong lito pa din na ang isipan hanggang sa nakarating siya sa gate ng paaralan nila.

"Shiniiii!" tawag ni Mira sa kanya.

Agad naman siyang lumingon ngunit wala pa din siyang imik. Nababagabag pa din siya.

"Tignan mo oh! Ang dami mo talagang likes! Ang famous mo" Papuri sa kaniya ni Mira.

"Nagkataon lang iyan" Nangiti na lang din na sagot ni Shini dahil sa ipinakitang kasiglahan ng kaibigan.

Napag usapan din nila ang maraming mga bagay na kung ano-ano. Dahil sa matagal na hindi masyadong pagkikita, natagalan ang pag uusap nila.

"Osya! Pasok na ako. Ingat ka ha" Ani ni Shini.

"Ikaw din!" Masiglang ganti din Mira.

---

Pagpasok palang ni Shini sa kanyang silid at agad na hinanap si Zero. Nang makita niya ito ay agad niya itong nilapitan.

"Zero, May pag-uusapan tayo," Sabi ni Shini.

"Ano yun?" Tanong ni Zero.

"Hindi pwede dito! Doon tayo sa labas," Aya sa kaniya ni Shini.

"P-pero!"

Wala ng naging angal sa kaniya si Zero dahil nahila na siya nito palabas. Ang iba naman ay napatingin sa kanila at naisip na may something sa dalawa. Kinaladkad ni Shini si Zero malapit sa Storage Room kung saan niya pinatay si Leila.

"Zero! May iba pa!"Nangangambang tanong ni Shini.

"H-huh? Anong sinasabi mo?" Kunwaring takang tanong ni Zero.

"May iba pa maliban sa akin," Sagot niya kay Zero.

"Eh ano naman? Basta wala lang siyang kagaguhang ginagawa, walang problema yon," Sagot ni Zero.

Napabuntong hininga nalang si Shini. Tama si Zero. Basta wala lang itong gagawing kagaguhan ay walang problema, isa pa ay hindi na niya problema ito.

Pagkatapos ng pag uusap nila ay bumalik na sila sa silid nila.

---

Lunch time...

Nagsasakit-sakitan ng tiyan si Shini. May gagawin lang siya.

"M-mira.. hindi ko na kaya...ang s-sakit na t-talaga ng tiyan ko.." kunwaring daing ni Shini.

"H-ha? Sige ako nalang ang magpapalaam sayo kay Sir," pag-aalalang sagot naman ni Mira.

"Talaga? Salamat ha," kunwari din namang nagliwanag ang mukha ni Shini.

Ngumiti lang sa kaniya si Mira at pagkatapos non ay umalis na si Shini.

---

Nagpunta si Shini sa pinakamamahaling condo. May unit siya doon. Pinaghirapan niyang makuha ang condo na ito sa loob ng dalawang taon lamang. Mayaman si Shini. May sariling kotse, walk-in closet at laging pangmayaman ang pagkain niya. Nagkunwari lamang siyang mahirap dahil kapag nalaman ng paaralan ang pagiging mayaman niya ay hindi na siya papayagang ipag-iskolar. Kapag mayaman ay hindi pwedeng mag-apply para sa scholarship. Kaya nagkunwari siyang mahirap at iyon ang paniniwala ng lahat. At isa pa, kapag nalaman nilang mayaman siya at inuuto uto niya lang ang paaralan ay tatanggalin ang scholarship niya at ito ulit ang magiging dahilan ng pagpatay niya.

Nakapagbihis na si Shini at dumeretso sa parking space kinuha ang kotse niya. At dumeretso sa

5 Star Island Resort Company...

Ang main office ng current na nag mamay-ari ng nasabing Isla.

Samantala...

May isang lalaking nakasunod sa kaniya...

"P-paano nangyari iyon? Mayaman siya?" Gulat na gulat na pagkakaalam ng lalaki. Na siyang kaklase niya lamang. Ramdam niyang mas napuno na ng tanong ang tungkol sa babae. Mas naging misteryo ito sa paningin niya.

Nasa bushes siya kaya mahirap makita. Nabigla siya ng may tumigil na kotse sa likod niya. At biglang nagsalita. Dahil dito ay namawis siya at biglang nanlamig. Dahan dahan ang pagkalingon niya dahil sa takot at kaba. Nang sa wakas ay,

"Zero?" Takot na takot at maluha luha niyang nilingon ang lalake.

"Shine"

Tulad ng dati ay nandidilat ang mata ng lalaki at nauubusan ng hininga.

Pagkatapos non ay pumunta na si Zero sa kaniyang pupuntahan.

Walang ibang dapat makaalam. Wala!

---

🔯DVA🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon