Sa Gabing Madilim

54 4 0
                                    

Umahon na si Shini sa dagat. Kumuha siya ng huling barbeque at nagpaalam na sa ibang natira doon, dahil ang iba din ay umakyat na.

"Guys, akyat na ako sa kwarto ko," paalam ni Shini kina Carlo, Keira, at Mavis.

Tumango lang ang iba at saka nagpatuloy sa pagkain ng mga hinanda nila kanina.

Umakyat na si Shini sa second floor at saka dumeretso sa kwarto niya. Hinawi niya ang bintana at sinilip sa bintana ang mga naiwan sa baba.

Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Pinakikinggan niya ang mga tunog sa baba.

Maya maya pa ay narinig niya ang dalawang taong nagtatawanan pa papanik sa hagdan.

Sina Keira at Mavis.

Nakiramdam lamang siya. Nang marinig niyang wala na ang mga ito at pumasok na sa kwarto ay tumayo siya. Lumapit sa may pinto at sumilip dito at sinara ulit ang pinto.

Tinignan niya ang bintana ulit at nakita niyang lumusong si Carlo si dagat.

Binuksan ulit ni Shini ang pinto at pagkatapos ay lumabas.

Dahan dahan siyang naglakad sa pasilyo at nakikiramdam. Pagkatapos ay dahan dahang bumaba sa hagdan.

Nakalabas na siya ng bahay ng nakita niya na nakatingin si Carlo sa kaniya na parang inaaninag siya.

"Hoy! Sino yan?!" Sigaw na tanong nito dahil malayo si Shini sa kaniya.

Lumapit si Shini kay Carlo. Hinubad nito ang damit niya at naiwang nakaswim suit nalang.

"Ah, Shini. Ikaw lang pala," Nasabi ni Carlo nang maaninag na niya ito.

Nilapitan ni Shini si Carlo at humarap kay Carlo.

"Ang ganda ng kalangitan no," Sabi ni Shini sabay tingin sa kalangitan.

"Oo nga e," Sang ayon ni Carlo.

"Bakit ka nga pala andito?" Dagdag na sabi ni Carlo.

"C-carlo k-kc..." Namumulang panimula ni Shini.

"What?" Napatingin si Carlo kay Shini.

"K-kc..." Kabadong saad ni Shini.

"Come on," Natatawa pang sabi ni Carlo.

"C-carlo crush k-kita!" Sabi ni Shini na siyang kinabigla ni Carlo.

Walang umimik sa kanilang dalawa matapos ang pag amin ni Shini'ng iyon.

"S-so, bakit?" Natanong ni Carlo.

"Hmm, secret!" Nangingiting sabi ni Shini.

Napatawa nalang silang dalawa.

"Carlo, laro tayo," pag aaya ni Shini kay Carlo.

"Huh? Ano naman?" Takang tanong ni Carlo.

"Alam mo yung ilulublob ang katawan pati ang ulo tapos magpapatagalan sa ilalim ng tubig," Paghahamon ni Shini.

"Ako pa hinamon mo ah! Swimmer yata to!" Sabay kindat pa ni Carlo.

"Pero teka!" Pagpipigil ni Shini ng makita niyang nakaakto na si Carlo sa paglublob.

"Ano na naman?" Tanong nito.

"Dapat nakabukas ang mata," dagdag hamon ni Shini.

"Sus! Yon lang pala e! Tara na," Paghahambong ni Carlo.

"Sige ha. One, two, three!" Bilang ni Shini at sabay sila na lumubog sa tubig.

Labing dalawang segundo palang ang dumaan ngunit agad ng umahon si Shini.

Tinapik niya si Carlo, hudyat na umahon na din ito.

"Wala ka pala e," panunukso ni Carlo.

Kaya nagkatawanan sila.

"Sige. Huli na to!" Sabi ni Shini na nakangiti.

Agad silang lumublob matapos pagbilang ni Shini.

Titig na titig sila sa isa't isa.

Paalam, Carlo.

"Shine," sabi ni Shini.

Biglang nandilat ang mata ni Carlo at pagkatapos ay nalagutan na ng hininga.

Sumisid pa si Shini sa ilalim upang kunin ang malalaking bato pati ang tali na kanina pa niya inipit sa paa niya.

Itinali niya ang dulo ng tali sa paa ni Carlo at ang dulo din nito sa bato. Ganun din ang ginawa niya sa kamay neto. Ginawa niya ito upang hindi lumutang ang bangkay ni Carlo.

Hinila niya pa ang bangkay ni Carlo sa mas malalim pa na parte ng dagat.

"Ayan Carlo. Siguradong sigurado ako na ikaw na ang nanalo. Dahil hindi ka na aahon diyan kahit kailan," sabi ni Shini na nakangisi.

Habang lumangoy na pabalik si Shini pabalik sa bahay ay,

"Tingin mo magkakagusto ako sayo? Isa kang hangal, Carlo! Hahaha!"

Pagkatapos ay umakyat na siya sa hagdan.

Hindi niya napansin ang isang tao sa kusina na kumukuha ng tubig. Napalingon ang tao na ito sa taong paakyat sa hagdan.

"Huh? Sino iyon?"

---

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon