Oras Ko Na

55 4 1
                                    

Dahan dahang umalis si Mira sa kama at tinungo ang pintuan. Bakas sa mukha nya ang pangangamba. Tuluyan niyang binuksan ang pinto na may ngiti sa labi.

"Ikaw lang pala, Shini," Bating ngiti ni Mira.

"Yep. Pwede pumasok?" Tanong ni Shini.

"Oh sure," Pagpapayag ni Mira.

"So, sayo pala tong kwarto na DND" Saad ni Shini.

"Ah, oo. Pati yung sa yate din. Doon ako nagstay. Nandoon ako whole day para di mabulilyaso ko na isurprise ka. Hahaha," Pagsangayon ni Mira.

Naupo silang dalawa sa kama. Parang noon lang nung first year pa lang nila. Walang tigil sa kakadaldal, hindi napapagod magkwento.

Hindi nila namalayan ang pagdaan ng oras.

"Sige, Mira. Una na ako sa kwarto ko. Medyo napahaba usapan natin e. Nag enjoy ako sobra," Nakangiting saad ni Shini.

"Ako din," Saad ni Mira.

Paalis na sana si Shini ng biglang itong huminto.

"Shini, bakit?" Tanong ni Mira.

Humarap sa kaniya si Shini. Nakangiti eto pero halata sa mukha nito ang malapit na pag iyak.

Tumakbo sa kaniya si Shini at niyakap siya. Nagulat si Mira pero niyakap niya din pabalik si Shini.

Umiiyak si Shini non. Walang magawa si Mira kundi ang aluin ang kaibigan niya.

Tinanggal ni Shini ang pagkakayakap niya kay Mira at pagkatapos ay hinarap niya ito.

"Mira, gusto kong magpasalamat sa lahat," panimula ni Shini.

Bahagyang napaatras ni Mira at dahan dahang nabitawan ang kamay ni Shini.

"Bakit mo sinasabi sa akin to?" Tanong ni Mira.

Hindi siya manhid pero nararamdaman niyang...

Oras na nya.

"K-kailangan e," Humihikbing sagot ni Shini.

Lalapitan ulit ni Shini si Mira ngunit umatras si Mira. Sa pag atras niyang iyon ay naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa may bintana.

"Mira, I'm sorry." Hinging tawad ni Shini. Bigla nalang nag abo ang mata ni Shini.

"A-anong?" Gulat na sabi ni Mira.

"Shine"

Bago pa mabanggit ni Shini ang katagang iyon ay napapikit si Mira dahil naramdaman niyang mahuhulog na siya mula sa bintana.

At di kalaunan, ay nahulog nga siya.

Walang tigil sa pag iyak si Shini non. Nakaramdam siya ng lungkot at pagsisisi. Naaalala niya bigla ang pagsasama nila ni Mira. Na kung pano siya tinuring na kapatid nito. Kung pano siya pinahalagan nito.

Naalala niya lahat lahat ng ginawa nitong kabutihan sa kaniya.

Nilapitan niya ang bintana at sinilip si Mira doon. Hindi na ito humihinga pagkakita niya. Kaya naman mas lalong bumuhos ang mga luha niya.

Pinunasan niya ang luha niya. At lugo lugong lumabas ng kwarto ni Mira at dumeretso sa kwarto niya.

Napahiga nalang siya sa kama at pinunasan ang huling luha na humabol pa sa pagtulo.

Naalala niya ang diary na nasa loob ng bag niya. Kinuha niya iyon mula sa loob.

"Ito nalang ang tangi kong ala ala sayo, Mira." Sabi nito sa sarili.

Niyakap niya ito at binalik ulit sa loob ng bag niya.

"Dalawa na lang," Bulong ni Shini sa sarili.

Samantala...

Walang kagalaw galaw si Mira. Hindi alam kung anong gagawin. Hindi din siya makagalaw dahil sa bali na paa niya. Sobrang sakit ng katawan niya.

"Tama pala ako Mavis. Kailangan ko silang mabalaan!" Sabi ni Mira sa sarili.

"Ganon niya pala pinapatay ang biktima niya," Pagkakadiskubre ni Mira.

"Bakit mo ito ginagawa, Shini?" Napatingin nalang siya sa taas na kung saan siya ay nanggaling.

Dahan dahan siyang gumapang. Pinipilit niyang makapunta sa gubat. Pagagalingin niya ang sarili niya hanggang gabi at pagkatapos ay magpaplano siya.

Siya mismo ang pipigil kay Shini.

----

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon