Bakit Ako Nagkaganito

107 5 0
                                    

"...at dahil sa trahedyang iyon ay tinawag itong Cursed Island," pagtatapos ni Zero.

Nakaramdam ng awa kay Shi si Shini. Pero may kung ano pa siyang naramdamang di niya matukoy.

"Z-zero sino ang dalawang ana--" naputol na tanong ni Shini.

"Balik na tayo sa pagtulog, pagod pa din ako," Paalam ni Zero kay Shini.

Sumunod nalang pabalik sa loob si Shini. Naiisip niya ang kwento ni Shi.

Naisip niyang hindi magkalayo ang pangalan nila.

Shi at Shini.

Napabalik nalang siya sa sarili niyang kwarto at napahiga sa kama niya. Nanumbalik sa isip niya kung bakit siya nagkanoon.

Bakit nga ba ako nagkaganito?

Flashback

4 years ago...

May kuwentong umiikot noon sa Isla. Dahil sa ilang taon na ang nakaraan, ginawang panakot ang puntod na nasa gitna ng dagat, na puntod ni Shi.

Ang kuwento sa mga bata ng mga matatanda, may mga engkantong nakapalibot sa gitna ng gubat na pinoprotektahan nila ang reyna nila. Naniniwala naman ang lahat ng bata doon. At dahil doon, wala ng bata ang gustong pumunta doon.

Pero si Shini ay hindi naniwala doon.

Anim na taon pa lang siya doon sa Isla, ang sabi ng papa niya ay nabagok ang ulo niya sa bato at nagkaroon ng amnesia kaya hindi niya matandaan ang mga memorya niya noong bata pa lamang siya.

Isang araw...

"Tipon mga kaibigan! Isang napakahalagang bagay ang sasabihin ko," Saad ng papa ni Shini na siyang namununo sa islang iyon na may katandaan na.

Nagtipon naman ang lahat ng naroon. Inaabangan ang balitang ihahatid nito. Nang matahimik na ang lahat ay nagsalita na ito.

"May nakipagnegosyo sa akin. Gusto niyang bilhin ang ating isla...," panimula ng matanda.

Nagbulungan naman ang mga tao sa Isla.

"...ngunit hindi ako pumayag," patuloy nito.

"Tama ang desisyon mo kapitan! Ito lang ang mauuwian natin tas bibilhin pa nila!" Pag sang-ayon ng isa pa.

Habang si Shini naman na nasa labing dalawang taon ay hindi mapalagay.

"Nagpumilit sila ngunit hindi talaga ako pumayag. Ang nakapagtataka, pagkatapos noon ay hindi na ulit sila nangulit sa akin. Dapat maging handa na tayo sa lahat! Alam kong gagawin nila ang lahat para lang makuha tong isla natin!" Paalala ng Kapitan.

Pagkatapos ibalita ng kapitan ay bumalik na ito sa bahay kasama si Shini.

Dahil sa sobrang kuryosidad ni Shini sa kung sino ang gustong bumili ng isla nila ay tinanong niya ito sa papa niya.

"Papa, sino nga pala ang mga taong iyon?" Tanong ni Shini.

"Anak, sila ang 5 star. Kilala sila sa syudad dahil sa galing sa pagnenegosyo. Ngayon ay ito ang pinupunterya nila," paliwanag ng Papa niya.

Walang naging imik si Shini noon.

5 star huh?

Ilang linggo na ang dumaan at naging matiwasay naman ang lahat. Nalilimutan na din ni Shini ang nakakabagabag na pakiramdam na naramdaman niya noon.

Ngunit hindi nagtagal ang pagiging mapayapa sa islang iyon. Dumating ang kinakatakutan ng lahat.

Ang sapilitang kunin sa kanila ang isla.

Dumating ang mga kalalakihan na pinag utos ng 5 Star. Ang utos nitong...

Patayin ang lahat ng naroon. Walang ititira.

Nagkagulo ang lahat ng naroon. Lumabas ang lahat ng makarinig sila ng putukan. Hindi nila alam na pinagbabaril na ang iba.

Samantala..

"Papa, ano iyon?" Takot na takot na tanong ni Shini na nasa loob pa din ng bahay nila.

"Anak, pumunta ka sa gitna ng gubat. Inumin mo ang dugo na naroon---" Hindi na natapos ang sasabihin sana nito dahil lumusot ang bala sa bahay nila at tinamaan ang Kapitan.

"Papa!" Impit na sigaw ni Shini.

"Mahal kita anak! Ikaw lang ang makakapag higanti sa amin. Sige na," At pagkatapos ay nawalan na ito ng malay.

"Papa! Mahal kita papa! Tutuparin ko ang sinabi mo! Ipaghihiganti ko kayong lahat!"

Pagkatapos noon ay dumaan si Shini sa likod ng bahay nila at tumakbo na siya papunta sa gitna ng gubat.

Iyak siya ng iyak habang tumatakbo. Nagtatanong sa sarili kung bakit nahantong sa ganoon ang lahat.

Sa wakas ay narating na ni Shini ang gitna ng gubat. Nakakita siya ng kuweba pababa. Bumaba siya doon at nakakita siya ng lapida.

"Alam kong hindi totoo ang mga sinasabi nilang reyna, pero hindi ko akalain na may puntod pala dito," kausap ni Shini sa sarili.

Agad niyang nakita ang dugo. Kinuha niya ito. Subalit nagdadalawang isip kung iinumin niya ito. Tinatanong sa sarili kung ano ang meron sa dugo.

Kung ito ang magiging daan para makapaghiganti ako, gagawin ko!

Ininom niya ang dugo ng deretsahan. Napapikit siya sa lasa nito. Bigla siyang nakaramdam ng ibang lakas.

Napangisi siya sa sitwasyong iyon.

Tumakbo siya kung saan palabas sa gubat.

Nagulat siya sa nakita niyang iyon. Puro dugo ang nakita niya sa buhangin, sa mga bagay, at pati sa dagat.

Kumalat ang dugo ng mga taong pinakamamahal niya.

Nang biglang may nakakita sa kaniya.

"Doon! May bata pa!" Ngisi ng isa sa mga pumatay.

Nanginginig ang labi ni Shini. Naiiyak. Nabibiyak. Nagtatagis ang bagang. Galit na galit siya.

Bago pa man siya mabaril ng mga ito ay naunahan na niya ito. Hindi niya alam sa sarili niya ngunit nabigkas niya ang salitang,

"Shineeeee!"

Na siyang pumatay sa lahat ng andoon. Walang natira ni isa.

Na naging dahil sa pagtawag sa isla ng cursed island.

Napaatras siya ng napaatras hanggang sa naramdaman niya ang lamig ng pulang dagat.

Paatras na paatras hanggang bewang. Hanggang sa napahiga siya sa pulang dagat. Sinasabay siya ng alon papalayo sa islang iyon.

At pagkatapos noon ay napadpad siya syudad.

Doon nagsimula ang mga pagsubok niya sa buhay. Higit isang taon siyang pumapatay para makakuha lamang ng pera at matustusan ang pangangailangan niya sa buhay.

At pagkatapos non ay pumasok siya sa paaralan at kinuha ang tiwala ng mga tao doon ng dalawang taon.

At heto na nga siya.

End of flashback
----

Napangiti na lang si Shini na may luha sa mga mata.

"Papa, malapit na ako. Malapit ko na kayong maipaghiganti," Ani ni Shini'ng lumuluha.

----

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon