Papel Sa Pitaka

50 5 0
                                    

"Bakit nangyayari to?" Bulong ni Mira sa kaniyang sarili.

Nabawasan na naman sila ng isa.

Biglang nandilat ang mata ni Kevin ng may mapagtanto.

"Hindi ba ganito din ang estilo ng pagkamatay ng Captain ng Football team?" Gulat nitong tanong sa mga kasama.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Zero. Nagtatakang mukha lamang ang ipinakita ni Mira, Keira at Shini

"Walang nakitang sugat sa katawan, syempre wala ding dugo. Ganto ang pagkamatay ng Captain, at ganito din ang nabalita ko sa news nung makailang araw," Sagot ni Kevin.

"K-kevin. Sa tingin mo, biktima kaya si Leila at Joseph?" Tanong ni Shini.

"Oo nga no. Nawala din sila dalawang araw ng umalis tayo," Saad ni Keira.

Natahimik nalang ang lahat. Pero si Kevin ay nababagabag pa din. Naisip niyang nasa isla lang ang killer o di kaya ay kasama lang nila.

Nahintakutan si Kevin sa naisip niyang iyon kaya iniwaglit niya nalang iyon.

"Saan natin ililibing si Mavis?" Tanong ni Shini.

"Doon sa gubat," matamlay na sagot ni Keira.

Tumango nalang ang iba. Unang nagtaas ng kamay si Mira.

"Sasama ako sa paglibing kay Mavis," Unang presinta ni Mira.

"Kung andon si Mira, andon din ako," Saad ni Shini.

"Sasama nalang din ako! Para may kasamang lalaki," Saad ni Kevin.

"Sige, mag iingat kayo. Kami nalang muna magbabantay dito ni Keira," Ani ni Zero.

Tumango na lamang si Keira.

---

Naglalakad na sila sa gubat bitbit ang malamig na katawan ni Mavis. Nakarating na sila sa di kalagitnaan sa gubat pero malayo na ito sa bahay.

"Dito nalang natin ilibing. Para hindi malayo kung bisitahin natin," Saad ni Mira.

Nagsimula ng magkuhay si Kevin.

Mga ilang minuto ay nagpaalam si Shini.

"Ihi muna ako ha. Dito lang na nakatago sa gubat. Di ko na kaya e," pagpaalam ni Shini.

"O sige. Bilisan mo ha," Paalala ni Mira.

Nang umalis na si Shini ay napatingin nalang si Mira na malungkot sa bangkay ni Mavis. Ngunit agad itong nagtaka ng medyo may nakalabas na papel sa wallet nito.

Kinuha agad iyon ni Mira at pagkatapos ay isiniksik sa bulsa niya.

"Oh, Mira. Tapos na," Inilagay na nila si Mavis sa hukay at pagkatapos ay tinakpan nila ulit.

Natapos na sila ngunit wala pa ding Shini ang bumabalik.

"Asan na si Shini?" Tanong ni Kevin.

"Ibalita mong nawawala si Shini, ako na bahala maghanap sa kaniya," Dagdag ni Kevin.

"P-pero, paano ka?" Nag aalalang sabi ni Mira.

"Ako na bahala," Sabi ni Kevin sabay kindat kay Mira.

Tumango nalang si Mira at pagkatapos ay tumakbo papunta sa bahay.

Mag iingat ka, Kevin.

Habang si Kevin naman na hinanap sa gubat si Shini ay,

Mag iingat ka, Mira.

---

Si Shini naman ay naghihintay lang sa pain niya.

Narinig niyang may tumatawag sa pangalan niya.

"Shini!"

"Shini! Asan ka na?!"

"Si Kevin," Bulong ni Shini.

"Kevin! Andito ako!" Tawag ni Shini na napangisi.

Biglang nakarinig ng yabag na patakbo si Shini papalapit sa kaniya.

"Shini! Andito ka lang pala," Sabi ni Kevin.

"N-nasaan si Mira?" Tanong ni Shini.

Kung wala si Mira, magagawa ko na.

"Pinauna ko na siya," Sagot ni Kevin.

Iniabot ni Kevin ang kamay niya sa nakaupong si Shini.

"Halika na Shini. Uuwi na tayo," Nakangiti nitong abot kay Shini.

Aabutin na sana ni Shini ang kamay ni Kevin ngunit biglang binawi ni Shini ang kamay niya.

"K-kevin," tawag ni Shini kay Kevin. Napatingin si Shini sa baba.

"Anong problema?" Nag aalalang tanong ni Kevin.

Iniangat ni Shini ay ulo niya. Nagulat siya ng naiiyak ito.

"Shine"

Nandilat ang mata ni Kevin at nalagutan ng hininga. Malungkot na tinignan ni Shini si Kevin.

Iniwan niya ito sa gitna ng gubat. Tumakbo siya para mapadali ang pag uwi. Ngunit napahinto siya sa pagtakbo ng may maramdamang tubig na tumutulo sa kaniyang mata.

"Luha?" Tanong niya sa sarili.

Pinahid niya ang mga luhang iyon na sunod sunod na naglandas sa pisngi niya.

Napaluhod na lamang siya at napaiyak.

"Carlo, Charlotte at Kevin. Patawarin niyo ako!" Hagulhol nito.

Nakaramdam siya ng pagsisisi sa kaniyang ginagawa. Pero naalala niya ang dahilan kung bakit siya naghihiganti. Iniwaglit niya sa isip ang konsensya.

Pinahid niya ang luha sa mga mata. Tumayo siya ulit at naglakad papunta sa bahay. Nakita niyang nakaabang si Mira, Keira at Zero sa kaniya sa labas ng pinto.

"Asan si Kevin?" Unang tanong ni Keira.

"Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Mira.

"H-ha? Akala ko ba nauna na si Kevin dito?" Patakang tanong ni Shini.

"Wala pa siya, Shini. Akala namin kasama mo siya," sabi ni Zero.

"H-hanapin natin siya!" Sabi ni Shini.

"Walang saysay ang paghahanap sa kaniya," naluluhang sabi ni Keira.

"B-bakit?" Tanong ni Mira.

"Alam na natin kung anong nangyari sa kaniya. Ang tanging paraan nalang ay umalis dito," sabi ni Keira.

Napaiyak nalang si Mira at Keira. Nawawalan ng pag-asa. Habang si Shini naman ay naiyak na din ng tuluyan.

Nakokonsensiya na siya.

Pilit niyang inaaalis ang nararamdaman niyang iyon.

Kung ano ang nasimulan ko, tatapusin ko! Naisip ni Shini.

---

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon