N I N E

64.5K 2K 375
                                    

Sa hindi malamang dahilan ay nagising ako nang bandang alas singko ng umaga. Huli kong gising ng ganitong oras ay college pa ako para sa alas siyete naming klase. Minsan ay mas maaga pa sa alas singko lalo na kapag may duty sa ospital.

Nakatingala lang ako sa kisame habang inaalala ang mga 'yon, background tune ang hilik ni Dalton at ang mga himbing na hininga ni Daneen sa tabi ko.

Tinatamad akong bumangon. Nanatili akong nakatunganga sa labas ng bintana kung saan binabalot ng hamog ang mga puno sa labas.

Ibang-iba talaga rito kesa sa siyudad na kahit gitna ng madaling araw ay may maririnig pa ring sigawan. Dito...well may narinig akong parang may lumilipad kapag hatinggabi. Sana lang hindi kababalaghan 'yon, uso pa naman ito sa mga probinsya.

Sa huli ay ako ang unang bumangon sa kanila't bumaba sa kusina. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa 'kin ang kalamigan. Umihip ako at lumitaw ang usok na galing sa hamog. Ilang beses kong ginawa 'yon habang naglalakad papunta sa sampayan upang kunin ang mga nilabhan ko kagabi.

Kagabi. Agad dumapo ang tingin ko sa nakaangat na semento sa may pintuan. Parang pelikula kong pinapanood ang sarili at si Devin, binabakas ko rin ang kanyang pagtakbo papunta sa bahay niya. Umalingawngaw pa sa tenga ko ang ingay ng kanyang tsinelas habang tumatakbo palayo.

Tinanaw ko ang direksyon papunta sa kanyang bahay, binabalot din ito ng hamog.

Mag-aalas otso ay nagsibabaan na sila. Nag-iinat pa si Mozes sa gitna ng hagdan na pulang-pula ang mga mata. Hindi ko na namalayan kung anong oras sila nakauwi dahil pagkatapos ko mismong magsampay ay humilata na ako sa kama.

"Sasama ba si Devin? Wala siya kagabi eh," ani ni Mozes, kinuha niya ang remote at binuhay ang tv sabay kagat sa pandesal at humilig sa sofa.

"Sasama 'yon." May pinalidad ang tono ni kuya.

"Nagtext siya?"

"Basta...sasama 'yon."

Inagaw ko ang remote kay Mozes upang ilipat sa ibang channel. Nagprotesta siya at inagaw muli ang remote upang ibalik sa palabas na Anime.

"Ikaw namitas nito, La?" Tinuro ni Daneen ang vase kung saan nakalagay ang mga bulaklak na bigay ni Devin kagabi.

Huminto si Lola sa pagwawalis sa labas at dumungaw sa bintana, tumuon doon sa tinuro ni Daneen.

Inayos niya ang salamin bago ako tinignan ng buong pagtataka. "Wala akong ganyang mga bulaklak dito. Baka ikaw Savannah, rinig kong may kausap ka kagabi."

Biglang naglaho ang init ng inumin sa tiyan ko, pumalit ang panlalamig na para bang hinigop ko ang buong hamog dito sa bahay.

"Sino Sav?" seryosong tanong ni kuya. Sumalamin ang tono niya sa tingin na tinatapon ni Mozes sa 'kin.

Iniwasan ko ang mga mata nila. Pumindot ako ng piraso ng tinapay saka isinubo. "Wala. Naglaba lang naman ako kagabi. Malapit sa manggahan ko 'yan kinuha noong nasa dagat kayo."

Hindi ko man dapat itanggi pero kailangan. Ayokong gawan nila ng issue ang pagbigay sa 'kin nito kay Devin lalo na't kakagaling ko lang sa hiwalayan. Dahil man ito sa panghihingi ng tawad, sa mata ng iba ay iba ang magiging interpretasyon nila. Muntik na nga akong mag-assume ng dahilan na malayo sa rason niya.

Pero malaki pa ring misteryo sa 'kin ang biglaan niyang pagkaripas ng takbo kagabi. Baka may hinabol siyang curfew. Inipit ko ang aking bibig upang magpigil ng tawa ngunit lumusot ang ininom kong sikwate. Umubo ako habang pinupunasan ang aking bibig.

"Kailan ka pa nahilig sa bulaklak?"

"Ang nonsense mong magtanong. Hindi pwedeng mamitas?" pagtataray ko.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon