T E N

63.6K 1.8K 198
                                    

Kung gaano ako kaagang natulog kagabi ay ganoon rin ako kaagang nagising. Sa katunayan ay kanina pa akong dilat, ngayon ko lang napiling bumangon at magtungo sa kusina kung saan naghahanda na si lola Neng.

Ewan ko ba kung anong meron sa matatanda kung bakit palagi silang maagang gumigising. Lahat ng matandang kilala ko ay ganoon ang habit. They're all early risers.

"Si Astrid po La?" tanong ko nang maupo sa silya. Ang tahimik ng buong bahay ngayong wala ang mga pinsan ko at kaingayan ng aking mga kapatid. Hindi ako sanay.

Saglit niya akong nilingon habang nagsasalin siya ng sikwate sa baso. "Maagang nagpunta sa palengke para sariwa 'yung makuhang isda. Tsaka mas mura kapag sa umaga."

Tumango ako. Parang early bird promo lang pala ang palengke. The earlier the cheaper.

"Dito pa rin po ba siya natutulog?"

Hindi naman sa pinapalayas ko siya. May utang na loob din kami sa kanya dahil siya ang kasa-kasama ni lola rito kapag wala kami. But since nandito na rin naman ako, at may bahay naman sila...pwede na siyang bumalik sa kanila.

"Sa bahay na nila, nandito ka rin naman. Ba't bigla mo nga palang gustong manatili rito, nak?"

Sa mga araw ng pananatili ko rito ay siya lang ang nakapagtanong sa 'kin ng ganito. Kung sabagay alam na rin naman ng mga kakilala ko ang aking dahilan.

"Wala. Nagsawa na ako sa mukha ni papa eh."

Napatawa ko siya roon. Malinaw ang parang hirap niya sa pag-hinga dahil sa katandaan. Nilapag niya ang aming agahan sa mesa saka siya umupo sa tapat ko. "Ang papa mo palaging inaapi noon nina Arwan, Jaime at Dion."

She's talking about the fathers of Miles and Axton, Asa and Daneen. Natatandaan ko nga ang kinukwento sa 'min ni papa noong mga bata pa sila. Palibhasa kasi si papa ang pinaka-bunso sa mga lalake.

Maya-maya lang ay dumating si Astrid at naaamoy ko agad ang isda sa supot na dala niya. Tinanguan ko siya at tipid na ningitian. I'm not really the friendliest person one would know. Kaya minsan napagkakamalang mataray. I have to be cautious sometimes sa pagpapakita ng kabaitan lalo na't dumarami ang mga abusado ngayon. I'm not one to let myself be downgraded by just anyone.

"Punta ka ba ng La Casa? Sabay na kayo ng apo ko," ani ni Lola.

"Hindi po ako pupunta ngayon,la," ani ni Astrid na hinuhugasan ang isdang dala sa sink. "Maghahatid po kasi ako ng snacks sa mga katekista sa kapilya at sa mga estudyante nila mamaya. Magluluto po kami ngayon. Sinusuwelduhan din kami ng mga Zamorano sa serbisyo namin."

Tumatango si lola habang dumudukot ng tinapay sa paperbag. "Ang dami nang nagagawa ng pamilya na 'yan sa lugar natin. Dapat tumakbo na ang matandang Zamorano sa mataas na posisyon. Eh di ba kilala mo ang anak niya?"

"Si Pristine po. Ay parang santa po 'yon, la..." pahayag pa ni Astrid.

"Paniguradong minana sa mga magulang na mababait din."

Binalikan ko ang nakaraang araw sa basketball game. I'm sure na iisang Pristine lang ang pinag-uusapan nila at tinutukoy nina kuya na tipo ni Ivor. Talaga ngang hindi ako matitipuhan nun kung santa naman pala 'tong si Pristine. I am no saint. Not even close to almost being one.

"O tapos ka na ba diyan? Sabayan mo na kami rito," ani ni lola. "Nakita mo ba si Eli sa palengke?"

Nagpunas ng kamay si Astrid sa telang malapit sa lalagyan ng mga plato bago umupo sa silyang katabi ni lola. "Opo, sa kanya nga po galing ang mga isdang dala ko. Bigay ko raw po sa inyo."

Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa kanila. Hindi ko alam kung normal lang sa akin ang magtaka sa klase ng koneksyon na meron sila kay lola. I mean...they act like they are the real blood relatives. O dahil siguro naninibago lang ako.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon