T W E N T Y S I X

55.6K 1.7K 761
                                    

Sa cottage ako dinala ni Devin. Mula rito ay kita ko ang mga bulto nila sa dalampasigan na nasisinagan ng ilaw galing sa buwan. Iba sa kanila ay rito nakatingin sa direksyon namin.

Sira ang ilaw sa cottage at poste kaya 'di ko maaninag ang ekspresyon ni Devin. Ngunit dama ko ang karubduban sa mabilis niyang paghinga at mainit niyang katawan. Wala pa rin siyang shirt.

"Boyfriend, Sav?"

Ang tono niya'y tila ba pinagtataksilan ko siya sa aking ginawa. Hindi ba niya ako hahayaang magpaliwanag? Bakit nagko-conclude siya agad?

"Kung sabihin ko sa'yong naging girlfriend ko si Astrid, anong gagawin mo?" mahina niyang tanong.

"Bakit? Totoo ba?" naghahamon kong tanong.

Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Inaasahan ko ang pagtanggi o pag-iling niya ngunit hindi dumating 'yon. Hindi siya sumagot.

Anong ibig niyang sabihin? Is that his way of saying yes? Through his vow of silence?

"I only used to like her," pag-amin niya.

Wala akong rason upang magalit. He used to, so may history nga? So what if he used to like her? Should I assume something?

Tinulak ko siya. "Kung may gusto ka naman pala sa kanya, huwag mo na akong landiin."

Aalis na sana ako upang balikan sila nang kinuha niya ang palapulsuhan ko't binalik ako sa pagkakasandal sa haligi ng cottage. Kinulong niya ako sa mga bisig niya.

Sa yaman ng lalakeng 'to, kailan pa ba siya magigising na moderno na ang sibilisasyon dito sa bansa? Na uso na ang magdamit at wala na tayo sa kuwebang kapanuhanan?

Maigi niya akong tinitignan. "Ikaw ang gusto ko, kaya lalandiin kita sa gusto't ayaw mo. Nolens volens."

"Ilan kami?" walang emosyon kong tanong.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko, tila ba hindi niya naiintindihan. Kailangan ko pa bang englishin?

"You can't use me at your disposal Devin," bigla kong sabi.

Natatakot na ako. Gusto ko siyang layuan bago pa man umusbong 'tong meron sa 'min . Kapag hulog na ako, at mawawala lahat ng ipinapakita niya, babalik na naman ako sa simula. Baka isumpa ko na lahat ng lalake sa mundo.

Umawang ang bibig niya sa gulat. Hindi makapaniwala siyang nagpakawala ng tawa. Bigo ang nababasa ko sa mga mata niya. Kabiguan na ito ang naging tingin ko sa kanya.

"Iyon na nga, may boyfriend ka pero ano 'to? Hinahayaan mo ako sa ginagawa ko? You could have warned me, Savannah. Now who's using who?" akusa niya.

"I'm sure it's not me."

"And I sure as hell am not, too," mabilis at matapang niyang deklara.

Matigas niya akong tinignan na para bang may hinuhukay siya sa aking mga mata. Nag-iwas ako at lumipat ang paningin ko kina Royce na dito sa amin nakatanaw. Sila kuya ay nakaupo na sa buhanginan.

Hinawakan ako ni Devin sa braso na nagpabalik ng tingin ko sa kanya. Humalik ang init ng kanyang kamay sa malamig kong balat.

"Sinabi ko sa'yo iyon para ikulong ka sa maling paniniwala para maunawaan mo kung bakit nanggagalaiti ako ngayon. Ano, Sav? Boyfriend mo siya? Pinaniwala mo akong wala kang iba!" buo ang galit niya na pilit niyang pinipigilan.

Naluluha akong umiling, hindi kinayanan ang sakit sa boses niya. "Wala na kami. Matagal na. Nandito ako para magtago sa kanya."

Tumagilid ang kanyang ulo. "Then why...?"

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon