TWENTY FIVE

51.1K 1.7K 221
                                    

Dire-diretso ang pagmartsa ko palabas ng bahay. Hindi ko nalingon si Daneen na tinawag ako dahil binabalot ako ng inis na enerhiya na hatid ni Royce. Kung sino mang nakakasalubong ko ay animo'y natatapon sa kabilang parte ng bahay kaya walang nag-aambang lumapit sa 'kin.

Amoy ko pa ang usok ng fireworks paglabas sa bakod. Pero nanaig amoy ng usok ng sigarilyo kaya sinundan ko iyon.

There I saw him, sa madilim na sulok pa talaga niyang nakuhang magtago sa gilid ng puno ng sampalok.

Malamang! Sa madilim naman talaga dapat magtago, di ba? Walang tanga ang magtatago sa may liwanag.

Pinausukan pa niya roon ang kambing ni lola.

Kunot-noo siyang nakahawak sa sigarilyong sinusubo niya, nasa bulsa ang isa niyang kamay. Doon lumuwang ang kanyang mukha nang mahagip niya ako.

Tinapon niya ang sigarilyo at inapakan ng kanyang sapatos. Sinalubong niya ako kasabay ang paglapit ko sa kanya.

"Paano mo ako nahanap?" malamig kong tanong.

Luminga ako sa paligid at so far wala pang nakakapansin sa kanya. Mas lumusob kami sa ilalim ng puno.

"Dito ka pala nagtatago. Nasundan ko mga kapatid mo," malamig niyang ani.

Mariin akong pumikit, ini-imagine ko ang pagbuntot ni Royce habang papunta ang mga kapatid ko rito. Damn! Hanep naman sa timing ang taong 'to!

"Royce, mali ang pinili mong araw upang manggulo. Birthday ng lola ko. Please, not now."

"Manggulo?" Mukha siyang nai-insulto. "Savannah, gusto ko lang makipag-usap. I've given you your space and I've had enough. Now, let's talk."

May pamimilit sa tono niya. Buntong-hininga ang naitugon ko.

"Royce...we're done. Alam mo 'yan."

"For you, we are. Pero para sa 'kin, hindi!" Mariin niyang dinuro ang sarili. Gumuhit ang inis sa kanyang mukha.

Dinagdagan lang niya ang inis ko. Ilang beses ko pa ba siya kailangang pagsabihan bago makaintndi o bago niya matanggap?

He made the foul first. Tanggapin na niya itong free throw ko! Itong pagtapon ko sa sarili palayo sa kanya. Itong pagpapalaya ko sa sarili.

But Royce is stubborn. Always has been. Ito ang isa sa mga bagay tungkol sa kanya na hindi na mababago. And to be honest, isa ito sa hirap kong pakisamahan tungkol sa kanya. Kaya sa huli ako na lang ang sumusuko.

Pagod ko siyang hinarap. "Pwede mamaya na? Ang dami ko pang ginagawa. Umupo ka doon, andun sina kuya."

Otomatiko namang sumabog ang mga halakhakan nila roon at pag-kalabit ng gitara. Oh, paano ko haharapin si Devin ng ganito?

Andito na Royce, kaya papapasukin ko na. Hindi naman ako ganon kasama na iitsapuwera siya. Ang layo kaya nitong Aloguinsan sa siyudad.

Sumunod siya sa 'king naglalakd pabalik sa bahay. Nagkakantahan na ang mga pinsan ko, si Dalton ang naggigitara. Maliban sa silya ko, natagpuan kong bakante rin ang upuan ni Devin.

Nagtatanong man kung nasaan siya, guminhawa ang loob ko dahil hindi yata ako handa sa oras na makita niyang didikit sa'kin 'tong si Royce. He wants to talk to me, kaya sa 'kin talaga siya didikit!

"O!" halata ang gulat ni kuya na natigil sa pagkanta. "A-akala ko ba..."

Unti-unti ring tumigil si Dalton sa paggigitara. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at tinuon sa aking silya. Ramdam ko ang mga mata nila sa amin ni Royce. Mas nabibingi pa yata ako sa pagkabog sa dibdib ko kesa sa beat ng kanta sa karaoke.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon