S E V E N T E E N

56.7K 2.2K 906
                                    

Kakagaling ko lang sa pagse-serve ng order ng pamilyang foreigner. Dumiretso akong stock room upang kumuha ng mga bagong drinks dahil paubos na ang supply sa cooler. Nag-hakot ako sa cart saka dinala sa counter at ni-load ang mga bagong stock.

Dala ko na ang kotse ko nang pumasok ako kaninang umaga. Walang Devin na nagpakita sa 'kin. Dinibdib yata niya ang petty argument namin kahapon.

Ang sensitive ng taong 'yon. Alam naman niyang nagbibiro lamang ako so for me, there's nothing behind my statement na dapat niyang ikatampo. Kaya imbes na kahapon ang supposed to be lakad namin bilang bayad ko sa pagpa-charge niya sa baterya ng kotse, hindi kami natuloy.

Pwede rin namang busy siya at hindi pa nakaahon sa pangingisda. It could also be na...may ibang trabaho siyang pinasukan.

Huminto ang pagte-text sa 'kin ni Greg. Hindi na ako magtataka. Kahit ako kung sisigawan ni Devin ng ganon, kahit ayaw ko ay susundin ko ang sinabi niya. He's cocky and playful, but once you push his wrong button, you better run halfway across the world.

Ang isang unknown number naman ay hindi nag-reply. Hinayaan ko na, baka isa rin sa mga kasamahan ni Greg na naringgan ang warning ni Devin.

Nang dumating ang isa kong kasamahan na si Salma sa counter, pumasok ako sa lounge upang magpalit sana ng damit. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong uniform. Next week pa available kaya nagtitiis muna ako sa puting polo shirt at black pants.

Tinali ko nang pina-high ponytail ang aking buhok. Sakto ang pagpasok ng isa kong kasamahan na hindi ko masyadong ka-vibes. Tahimik kasi siya at may pakiramdam ako na sa tuwing tumatalikod ako, tinataasan niya ako ng kilay. Wala na naman sa akin ang mga ganyan. Graduate na ako sa tarayan ng mga co-workers.

Sa dalawang trabahong pinasukan ko, walang pagkakataon na wala akong nakakasamang hater. Either hindi niya ako gusto, o insecure siya sa 'kin. At sa totoo lang, mas pinapaniwalaan ko ang pangalawang rason.

Nagre-apply ako ng cheek tint at dampi ng kaunting pulbo, kaharap ang salamin na nakadikit sa locker. Minadali ko dahil baka naghihintay lang 'tong si Brenna na matapos ako sa pagre-retouch.

"Kayo ba ni Devin?" bigla niyang tanong.

Hindi ko siya nilingon. "Hindi, bakit?"

"Palagi kasi kayong magkasama."

Natunugan ko ang kawalaang lasa sa kanyang pagkakasabi.

"Hindi ba pwede?" Sinulyapan ko siya sa salamin. Kakaupo niya lang sa sofa.

"Bago ka pa lang kasi rito. How come parang close na kayo? Madalang na lang silang nagkakasama ni Astrid na palagi niyang kasabayan dati sa tuwing bumibisita siya sa Aloguinsan."

Oh, so I take it that close sila ni Astrid kaya pakiramdam ko'y pinapanigan niya ang kaibigan. She likes her for him. Isa ito sa nabuo kong konklusiyon kung bakit sa lahat ng mga kasama ko rito, siya lang 'tong ilap sa 'kin. Atleast the rest of the employees are with me.

Pero hindi rin natin alam. Minsan hirap ako sa pag-detect kung sino ang mga nagpapaka-totoo at sino ang nagpapaka-plastic.

"Close sila ng lola ko. Close na rin kami. At baka sawa na siya kay Astrid," walang hiyang sabi ko.

"Bakit naman? Ang ganda kaya ni Astrid." Sa tono ng pananalita niya, nakikita ko ang kanyang pag-ismid.

Hinarap ko na siya. Taas-kilay at nakanguso niyang sinusuri ang bago niyang nail-art sa kamay.

"Minsan kasi, may mga gandang mabilis mong pagsawaan. Nakaka-umay na." Ningitian ko siya. "Balik na ako," masigla kong paalam saka ako lumabas.

Mas lalong sisikip ang hangin kapag magtatagal pa ako roon. Sa init ng panahon, ang huling kakailanganin ko ay ang hirap sa pag-hinga dahil sa tensyon at init ng ulo. Pinawi ko ang dalawang bagay na 'yon sa pag-lagok ng malamig na tubig galing sa water dispenser na katabi lang ng ref sa counter.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon