S I X T E E N

56.3K 2K 1K
                                    

Wala pang alas-otso ay lumabas na ako ng bahay na bihis na't papaalis tungong La Casa. Nagsisiksik ako ng pera sa aking coin purse nang may mamataan ang gilid ng aking paningin.

Nakasandal sa labas ng gate ang likod ni Devin. Bihis rin siya ngayon, ngunit 'di tulad noong naka-polo siya. He's in his dark blue shirt and jeans. Hindi ba siya nangisda?

Bago ko pa makuha ang pansin niya'y umikot na siya na parang nahimigan niya ang aking presensya. Kumapit siya sa railings ng gate at ngumisi. Lumapit ako roon upang i-unlock ang gate.

"Ang aga mo yata. Hindi ka nangisda?" panimula ko. Nakakabingi ang matinis na ingay ng pagpakawala ko ng kinalawang nang lock. 'Di ko maiwasang mapangiwi.

"Ihahatid kita. Ako na bahala pa-charge sa baterya ng kotse mo," aniya.

Sumampal ang paningin ko sa motor niyang nakaparada sa ilalim ng puno ng sampalok. Hindi ko ito napansin pagkalabas ko.

Taas-kilay akong bumaling sa kanya.

" 'Yon lang? Ba't bihis ka ngayon?" Muli ko siyang pinasidahan. At naka-sapatos pa talaga siya!

Naisip kong hindi lang pag-hatid at pagpapa-charge ng battery ang lakad niya kung ganyan ang kanyang porma. Ang iba nga'y nakapambahay lang kapag pupunta sa motor parts o mga vulcanizing shops. May nakita nga ako rati na naka-shorts lang.

"Punta akong siyudad." Patagilid siyang sumandal sa gate at nakaharap sa 'kin habang kinakabit ko ang kadena ng lock sa isang railing.

"Anong gagawin mo roon?" tanong ko.

Pinagtaka ko ang kanyang pananahimik. Nang tinignan ko ay makahulugan itong ngumingisi animo'y may nabungkal siyang sikreto ko.

"Why are you interested, Savannah?" nanunuya niyang tanong. Kumikislap sa aliw ang mala-karamelo nitong mga mata.

The usual Devin. Umagang-umaga ay sinisimulan na naman niya ako. I should get used to it dahil wala naman talagang pagkakataon na sa tuwing nagkakasama kami na hindi siya ganito.

Like he'd said, this is his attitude towards me. Sa iba ay hindi siya ganito. Should I be flattered?

"Huwag na nga." Umuna akong naglakad patungo sa kanyang motor. May basket pa 'yon sa harap. "Alika na, hatid mo na ako. Ay!" humarap ako sa kanya nang may maalala, "ibaba mo ako sa tindahang may loading center. Kahapon ko pa kailangan ng load."

Biglang dumilim ang mukha niya, salubong ang matatapang nitong kilay. "Bakit? Sino ite-text mo?"

"Si kuya Euan. May nag-text kasi sa'kin kahapon na unknown number sabi hiningi niya kay kuya ang number ko. Ayaw ko ng textmate. Panggulo."

"Sino raw?" usisa niya, halata ang inis sa kanyang tono.

"Greg."

Kumurap siya't bahagyang nagulat. Mabilis itong humantong sa pagkunot-noo at pag-igting ng kanyang panga.

Sa maka-ilang sandali ay nakaramdam ako ng kaba sa ekspresyon niya. Kilala ko man siya na hindi nananakit ng pisikal, sa tapang ng mukha niya kahit wala itong ekspresyon, hindi mo maiiwasang madapuan ng takot sa kung ano ang susunod niyang gagawin kapag siya'y naiinis o nagagalit. His facial expression is a dead giveaway.

Marahas niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at mariing tumitipa sa kanyang Iphone. Dinikit niya ito sa kanyang tenga saka siya tumalikod.

Ilang hakbang ang ginawa niya bago siya huminto at nilagay ang isang kamay sa kanyang balakang.

His shoulders tensed. "Hoy gago! Pinopormahan mo kapatid ni Euan?"

Nagulat ako sa binungad niya. Hindi man lang nag-'hello'?

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon