T W E N T Y E I G H T

55.5K 1.5K 342
                                    

Tanghali na nang ako'y makabalik sa bahay. Hindi naman sila nagulat na makita akong hindi lumabas sa aking kuwarto at hindi na rin ako tinanong ni papa. Siguro sinabi ni Daneen o balewala lang talaga sa kanya na sa ibang bahay ako natulog.

May ngilang mga kakilalang dayo pa sa ibang probinsya ang bumisita rito sa bahay. Ilang oras din silang nagtagal, mga pag-alala kay lola ang topic. Pagka-alis nila, nagtungo si Tita Grace sa kabaong, hinahaplos niya ang ngumingiting picture ni lola noong 1980's. Nililinisanrin niya ang kabaong at kinakausap.

Ako,ayokong kausapin, baka sumagot. Kung ganoon nga, masisiyahan kaya ako o matatakot? Siguro pareho.

Ang dati'y pulang kurtina ay animo'y binuhusan ng asul upang maghalo ang dalawang kulay at maging lila. Tahimik sa bahay, wala na akong naririnig na nagwa-walis pero imbes ay sa gabi, mga nagma-mahjong.

Nasa likod ako ng bahay kinagabihan, kasama ang mga kakilala ni lola sa kapilya na nagluluto ng crackers at mani para pang-snacks sa mga bisita. Si Pastor William ulit ang nagmimisa na tinatalakay ang tungkol sa Ebanghelyo ngayong araw.

Dumudukot ako ng crackers kada may sinasaling bagong luto si manang Emay. Hinahayaan naman niya ako dahil marami namang luto. Nakikipagkuwentuhan rin ako sa ibang mga nandito, nakikinig ako sa mga pag-alala nila kay lola Neng noong nabubuhay pa ito.

"Umabot pa kami roon sa kabilang bayan at ang tataas ng mga bestida namin. Para lang makita ang nagugustuhan niyang si Ramon na kumakanta sa tanghalan," kwento ng isang matanda na hindi ko alam ang pangalan.

Ngayon ko lang siya nakita. Wala siya sa birthday ni lola at kakarating niya lang sa ibang bansa kasama ang anak niya't mga apong may lahi. Pero base sa kwento niya, masasabi kong bestfriends sila ni lola.

"Magaling kumanta yaong si Ramon. Kaya nga siya nagustuhan ni Nenita."

Sa kaunting ilaw ay masasabi kong kasing tanda na rin siya ni lola Neng. Kita sa mga kulubot niya pero may pagka-sopistikada ito.

"Ano naman pong nagustuhan ni lolo kay lola?" ngiti kong tanong.

Hindi ko rin naisip itanong 'to kay lola. Parang ang awkward na mag-usap kami tungkol sa lovelife niya.

Nakatingin siya sa malayo, may inaalala habang kita ang multo ng ngiti sa labi niyang may mga kulubot sa gilid. Pansin ko rin ang namumuti na niyang kilay.

"Torpe yaong lolo mo, mahinhin kaya kung ano mang nagustuhan sa lola mo aba'y marahil kasaliwaan sa ugali niya. Masalita naman kasi itong si Nenita..."

"Doon sila nagliligawan sa ilog noon!" sabat nung isang matanda. Natawa si manang Emay na nagsalin sa panibagong batch ng crackers.

" Eh yaon nga, sa kabaitan ni Ramon maagang kinuha," nanghihinayang niyang sabi.

Ganon ba talaga? Mga mababait madaling mamatay? Bakit hindi ang mga masasama ang unahin? Para bigyan ng pagkakataong magbago? Paano kung hindi na sila magbabago? Mas marami silang pagbubuhusan ng kasamaan nila.

Sa tingin ko hindi na iyan sa kabaitan o kasamaan ng tao. Nasa kapalaran na iyan. If you're meant to die today, then you will. If you're meant to live, then use the rest of your days wisely.

Paano naman ang mga pinatay? Were they're meant to die that way? Alam kaya ng Diyos na sa ganoong paraan mamamatay si lola?

"Mang...Ay! Nandito ka lang pala. Tara na po rito..." biglang pasok ng babaeng mukhang nagulat na dito napunta ang mama niya. Lakwatsera yata ang matandang 'to.

Nanginginig na ang mga tuhod ng matanda habang tinutulungan ng anak niyang tumayo. Kinuha ko ang tungkod niyang nakasandal sa mesa sa harap ko't inabot sa kanya. Doon siya tumukod at nagsimulang humakbang.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon