T W E L V E

55.9K 1.9K 290
                                    

" 'Yan na ba ang desisiyon mo? Alam mo galing akong munisipyo, may hiring sila ng mga nurses para sa isang lying-in clinic. Malapit lang din dito."

Binanggit ko kay ate Dorselyn ang naging desisiyon ko base sa naging pag-uusap namin ni Devin. Bumalik kami sa admin house at narito kami ngayon sa balcony. May tatlong platito ng cake sa mesa na dala niya galing sa kanyang lakad.

"Pero kung mas malaking sweldo ang habol mo, this place would be the better option. Pwede ka namang mag-nurse dito. Resort nurse na, waitress pa. 'Yon nga lang, CPR at BP ang extent ng magagawa mo," singit ng katabi kong si Devin.

Maiging tumango si ate Dorselyn.

Nag-ring ang kanyang phone, sumenyas siya sa amin sabay tayo at nagtungo sa balustrada kausap ang kung sino mang nasa kabilang linya.

Humilig si Devin sa 'kin saka bumulong. "Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko rito. Considering the fact that I suck at watching the baby going out from a woman's you-know-what, dito...mas marami kang magagawa. Sa lying-in kasi, you'd only deliver a baby, make some gauze and cotton balls."

Bahagya kong hinila ang aking ulo upang matignan siya na may panunuya. "At hindi ko na kailangang tanungin na nasubukan mo na ring mamasukan sa lying-in."

Kung mahaba lang ang buhok niya ay marahil tinatakip na niya ito sa namumula niyang mukha. May kasamang irap ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin.

"Don't mention it. It has somehow downgraded my masculinity."

Tinakpan ko ang bibig ko ngunit tumakas pa rin ang halakhak. Tinulak niya ako sa balikat. Lahat yata ng trabahong babanggitin ko ay nagagawa na niya! Lumakas pa ang aking tawa sa naisip kong 'yon. Tinatakpan na ni Devin ang kanyang mukha na nanginginig ang balikat.

"Ayos lang kayo?"

Sabay kaming pumormal at nag-angat ng tingin kay Ate. "Opo."

Hindi na niya kami inusisa pa. Kasabay ng kanyang pag-upo ay sinilid niya ang cellphone sa bag. "Ano na, Sav?"

Lumingon ako kay Devin bago ako sumagot. "Dito na ako 'te Dorsi."

"Sa restaurant," paalala ni Devin.

Tumango ako. "Sa restaurant."

Mas bumilog ang mga mata ni ate Dorsi sabay tingin sa katabi ko. "Devin? Do you mind?"

"Not at all," aniya sabay tayo.

Taka ko silang tinignang dalawa. "Huwag mong sabihin siya ulit?"

Tumango lang si ate na hindi na inabalang magpaliwanag. Salubong ang kilay kong sumunod kay Devin pabalik ng restaurant. Ano ba talagang trabaho niya rito? Free-lancer ba siya? Sinuswelduhan kaya siya?

"Kailangan ko pa bang mag-pass ng resume?" tanong ko habang paalis kami ng balcony.

"Ngayon mo pa talaga tinanong?" Tumawa siya. "Hindi na."

Apat na babae at isang lalake ang nadatnan naming namamahinga sa isang maliit na room na may mga lockers dito sa tagong parte ng restaurant. Ceiling fan at radio lang ang tanging appliances at fluorescent na ilaw. Kaharap ng mga lockers ay isang mahabang sofa na puno nilang inookupahan.

Sabay silang nag-angat ng ulo pagkapasok naming ni Devin. Nahinto pa ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan.

"Hi Devin!" Hindi sila sabay bumati. Ang tanging lalake sa kanila ay tinanguan lang siya.

"Hello! Bagong trainee." Turo niya sa 'kin. Nasa likod lang ako at tipid silang ningitian. Sandali akong sinulyapan ng isa doong naglalagay ng pulang lipstick.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon