T W E N T Y T H R E E

53.9K 1.9K 232
                                    

Maaga akong nagising at hindi nagpaligoy-ligoy na dumiresto sa banyo upang maligo. Kung ibang araw lang ngayon, marahil gumagapang pa ako sa kama o 'di kaya'y hinihila ang aking paa para lang makagawa ng hakbang.

Pinatuyo ko na ang aking buhok at hinayaang magulo saka nagbihis. Kinuha ko ang maliit na blue box sa tukador at dinala sa aking pagbaba sa kusina. Kagabi ko pa ito binalot sa asul na fiber wrapper. Dinisenyuhan ko ng silver ribbon dahil bagay ito sa dark blue.

Kakapasok lang ni lola galing sa labas kung saan tantiya kong kakatapos niya lang mag-walis. Sa dami ng punog nakapalibot, hindi talaga siya mauubusan ng wawalisan araw-araw.

"Nag-pansit ka, La?" tanong ko nang madatnan sa hapag kainan ang isang malaking plate bowl ng pancit. Hinalo ang bihon at 'yong pasta sa noodle.

Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitchel ng malamig na tubig. "Ah hindi, hinatid 'yan ni Eli. Ewan ko ba't ang aga nakapagluto ng batang 'yon."

Wala alam si lola na kaarawan ni Devin ngayon. Sino lang ba ang nakakaalam? It sucks if nobody even remembers a special day in your life. 

"Baka nagluto siya bago pumalaot."

"Iyon nga rin ang sa tingin ko." Binaba ni lola ang baso pagkatapos uminom. "O sige na, maghanda ka na diyan nang makapag-agahan na tayo."

Kumuha ako ng tinidor at plato saka  umupo sa pinakamalapit sa 'king upuan. Isang plato ang kinuha ko para kay lola Neng na naupo sa tabi ko. Nangangamoy dahon pa siya.

Bahagya kong binaon ang tinidor sa pancit, inikot-ikot saka isinubo. Masasabi kong may talent din si Devin sa pagluluto. Masarap ang pansit niya, tama lang ang timpla dahilan upang naparami ang kain ko.

Nagprisinta akong hugasan ang kinainan ni Lola. Sinadya kong lakasan ang paglagay ng plato sa lalagyan bago siya makapasok sa kuwarto niya. Lumabas ako at tinahak ang daan papunta kina Devin.

Pansin ko na kaunti nalang ang nakasabit sa puno. Palagay ko binibenta na, sigurado akong malaki ang kikitain dahil malalaki ang mga bunga at matamis. Sulit lang.

Kamuntikan na akong mapahinto sa paglalakad nang matagpuan si Astrid na nakasandal sa isang haligi sa porch ng bahay. For some reason, she's early. Mabagal akong nagpatuloy at unti-unting naaninag ang kasuotan niya; White shorts, tank top at high ponytail ang buhok. Sinara ko ang nakaawang kong bibig.

Nag-angat siya ng tingin, naramdaman ang aking papalapit na presensya. Tumuwid siya ng tayo at tinanggal ang pagkakahalukiphip. Rumehistro ang gulat sa mukha na niyang makita ako.

Nagawa pa niya akong pasidahan. Ngumuso siya at nagbalik ng tingin sa 'kin kasunod ang pagguhit ng matagumpay na ngisi. Naka-uniform ako ngayon, 'di katulad niyang bihis na bihis.

Tahimik akong lumapit sa pinto at kumatok. ko "Devin!"

"Tulog pa yata siya."

Nilingon ko si Astrid. Mabilis siyang umiwas sa mga mata ko at yumuko, pinagmamasdan ang sapatos na tumatapik sa kahoy na sahig. Hindi ko naman itatanggi na maganda siya. Mamula-mula ang pisngi. Maliit ang mukha.

Bumaba ang paningin ko sa suot niyang sapatos. Ito 'yong Vans sneakers kong luma na at hindi ko na masyadong ginagamit. Light gray ang kulay, tanging disenyo ang kulay violet na pumapalibot sa ibabaw ng puting midsole na bahagi ng sapatos.

"Ganda ng shoes mo," komento ko.

Nag-angat siya ng ngiti sa 'kin. "Bigay ng Lola mo."

Tumango ako. "I hope you like it."

She smiled and nodded.

"Ba't ka pala nandito?" Sumandal ako sa katapat na haligi na sinandalan niya.

FROM THE MOMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon