Taeyeon's POV
5 Months. Yes 5 months na ang nakakalipas mula nung umalis si Luhan oppa , lagi naman kaming nag iiskype . Nagpatulong pa nga siya isurprise sila Tita Jae (mama) ehh. Mula nung umalis siya ang daming nagbago .
Mas lalong ginanahan ang mga oppa ko sa pagtatrabaho.
Sikat na sikat sila .
Syempre sila Mimho oppa din , nagkaroon siya ng Series with Sulli saeng yung To the Beautiful You (HanaKimi) ang ganda nga eh.extra pa nga sila Oppa dun eh , nagsayaw pa sila dun.
At ako eto . Nakapractice room, nanunuod lang . NANUNUOD LANG NAMAN AKO NG ISASAYAW NAMIN. YES NEW MEMBER AKONG SNSD
Totoo po yan. Ewan ko ba , isang araw kasi habang naglilinis ako ng dorm naisipan kong magsoundtrip as in nakahigh volume . Tapos puro kanta yun ng SNSD edi eto akong si Dancer na nagsasasayaw at kunwari nagpeperform sa maraming tao.
Kinabukasan nakita ko yung video ko sa Youtube with 26,170 views , 21,000 likes at 19,000 comments.
Nakita kong galing yun sa Youtube account ni Baekhyun oppa with the caption "THIS IS MY GIRL . THE FUTURE 9TH MEMBER OF SNSD (JUST KIDDING)"
Dahil sa kanya , unti unting gumaganda ang career ko . Dahil sa kanya nakilala ako at sumikat .
Dahil sa kanya mas lalo kaming maipagpapalaki ni Eomma.
Haysss. Syempre kung may Good news , may Bad news .
Ang bad news ay nung last week lang nangyari . Pumunta yung appa ni Tao oppa dito sa dorm
~Flashback~
"Hahahaha ! Napakabaliw mo talaga "
"TAO !"
Napatayo na lang kami ni Tao oppa dahil sa gulat . Pumasok at tumayo sa harap namin si Mr.Huang . Galit siya
"Good Evening po "
"Halikana Tao "
"Pero Appa diba sinabi kong gagawin ko ang gusto nyo pero hahayaan nyo akong magdesisyon kung kelan ako aalis"
"Masyado ng maraming araw ang nasasayang Tao . Masyado ka na ring nagiging kampante. "
Nakanganga parin ako sa harap nilang Dalawa .
"Oppss ganyan po pala kayo" narinig kong sabi ni Suho oppa . Sabay sabay silang nagBow kay Mr.Huang . Yes Mr.Huang tawag namin sa Appa ni Tao oppa masyado kasing seryoso
Kaya ayun .
"Halikana at may mga nakatambak na mission ka ngayon "
Mas lalo akong napanganga . Kinuha ni Tao oppa yung bag niya at bago siya tulungang umalis hinalikan niya ako sa noo at may binulong
"Sila magpapaliwanag ah. Bye MRS.BYUN"
~End of Flashback~
Ayun nga . Yung mission na sinasabi ni Mr.Huang ay yung pupuntahan ni Tao oppa . Sabi sakin nila Oppa si Tao oppa daw ay isang Secret Agent .
Kaya pala minsan nawawala sya kasi tinatapos niya yung mga small mission . Kaso ayun nga iniwan na niya kami para sa mga Big mission niya maraming buhay ang pwedeng madamay .
Ang cool kaya maging agent gusto ko nga mag apply kaso dumating naman yung oppurtunity na maging artist ako kaya tinuloy kana .
*Clap*
Isang pagpalakpak ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan . Lahat sila nakatingin sakin ng nakakaloko
"Saeng ang dami na naming napractice tapos kana ba magreminise ? "-Yuri Unnie
Nagsitawanan silang lahat.. Nahiya naman ako , hahaha !
Pagkatapos ng practice pumunta na ako sa Dorm nila oppa dito parin ako nakatira wala mas gusto ko dito eh . One of the Boys <3<3
Baekhyun's POV
Mukhang pagod na pagod ang prinsesa ko ah . Humiga siya sa sofa at tinanggal ko naman yung shoes at socks niya .
1 week na lang 5th monthsary na namin kaya kailangan may surprise ako pero hindi ko alam kung paanong preparasyon ang gagawin ko . Bahala na mahaba pa naman ang araw para makapag isip ako .
Umupo ako sa ulunan niya at humiga naman siya sa Lap ko . Pagod na pagod ang baby ko , haysss !
***
Good Morning !!
Ang sarap sa feeling na katabi mo yung taong mahal mo , oo magkatabi kami . Hahaha !
Nagalit nga sakin si Chanyeol eh kasi magagalit na naman daw si Eomma niya gusto ko tuloy makilala ang Future Mother-in-law ko .
Mejo gumalaw si Taeyeon kaya tumayo na ako at inayos yung damit ko. Oh inayos ko lang !
Nagusot kasi . Ang gulo kaya ng katabi ko matulog talaga mga utak niyo ang beberde. Hahaha !
Naghanda na ako para sa practice namin mamaya , at pinagluto ko na sila ng pagkain .
Taeyeon's POV
haysss ang ingay naman. Nasan ba yung cellphone na nagriring.
Yes I got it . Nasa ilalim ng kama
Its DIANNE ? What ?? Meron pa silang communication ni oppa ? Okay relax muna . Sinagot ko pero hindi ako nagsalita
[Oppa what time ba tayo magkikita mamaya ?
Oyyy . Haynako bahala ka jan]
at bakit sila magkikita ? Nako kumukulo ang dugo ko pero dapat cool lang . Bumaba ako at sinalubong ako ni Baekhyun oppa. He kissed me , on my lips. Smack to be exact. Habang nakain kami tahimik lang kami
"Uy Baby bakit ang tamlay mo ?"
Naks baby . Tawag niya rin yun siguro kay Dianne hayss.
"Hmm nothing . Busog na kasi ako eh. Alis na ko mga oppa ah bye !! "
Nagwave ka lang at umalis na . Hindi rin ako nag goodbye kiss sa kanilang lahat .
Habang nasa practice ako , yung utak ko nasa Dorm . Hindi ako makapag concentrate MY GOSH !
Buset ! Mga taksil grabe. Haha
Tapos na kaming magpractice . Uwian na so makikita ko naman siya . Nanggigitil ako jusko !
Naabutan kong naglalaro sila oppa ng Play station . Hinanap ko siya at ayun ! WALA SYA !
NAKIPAGKITA SIGURO KAY DIANNE !!
"OPPA !"
Gulat na napatingin sila sakin
"Problema mo saeng ?"~Suho
"Nasan yung magaling kong boyfriend ?"
Lahat sila nakataas ang usang kilay . Jusko manloloko pa to sila !!
"Ayieee ang bunso namin nagagalit na ! "~chanyeol
"At bakit ako magagalit ?"
galit pero mahinahon lang yung pagkakatanong ko. Umiwas sila ng tingin at bumalik sa pinagkakaabalahan nila kanina
Haysss. Makatulog na nga lang !
~~~
Ilang chapters na lang po ^^,
~diannecarreon
