Chapter 49~ Cry

43 2 0
                                    

Baekhyun's POV

11:00 Pm na ng gabi pero wala parin Taeyeon. Kinakabahan na kaming lahat . Tinawagan namin si Kaije pero hindi niya sinasagot

Biglang tumunog ang pintuan kaya napatingin kaming lahat .
Pumasok doon si Taeyeon na lasing na lasing at may kasama siyang Babae

"Amm Good Evening po. Kaibigan po ako ni Taeyeon Unnie . "

"Ammm Anong nangyari sa kanya ?"

Agad kinuha ni Chanyeol si Taeyeon at inihiga ito sa sofa at pinaupo naman nila yung Babae .

" Ako po pala si Alice kasamahan ni Unnie dun sa Sweetshop na pinagtatrabahuan namin . "

Marami pang tinanong sila Hyung kay Alice at pinakaen muna pero ako lumapit ako kay Taeyeon at tinignan siya . Kumuha ako ng tubig na maligamgam at bimbo at nilagay ito sa noo niya .

Alas dos na ng malading araw , lahat sila ay tulog na . Hinatid nila kanina si Alice sa tinutuluyan nito . Ako na ang nagprisintang mag alaga at magbanatay kay Taeyeon para mabawasas yung galit niya sakin .

Dianne's POV

Mukhang hindi na ako kailangan sa bahay na ito . Mula nung naospital si Baekhyun oppa , pagkadala nila sa ospital nagpaiwan muna ako sa bahay para ayusin yung mga nagulong gamit sa kwarto . Napansin kong bukas ang laptop kaya lumapit agad ako rito .

At nagulat na lang ako sa nga nakita ko . Mga inpormasyon mula sa pagkatao niya lalong lalo na dun sa article nila ni Taeyeon

Nang pinakilala niya ako bilang Girlfriend niya ng araw na yun .
Nagsearch ako about sa pagkatao ni Baekhyun oppa simula nung napadpad at nakilala siya dito sa Korea. Yung pagwelcome sa kanila ng SmEnt . Yung mga projects nila at lalong lalo na dun sa mga naging karelasyon niya

Ngayong araw hindi niya ako pinapansin. Yun parang hindi ako nag eexist dito sa dorm pero hinahayaan ko na lang . Baka kasi may naalala na siya .

Maaga ako natulog tsaka sabi rin nila hihintayin nila si Taeyeon .
Iba yung pag aalaga nila kay Taeyeon , special na special ito sa kanila . Masarap siguro sa pakiramdam nun. Minsan nakakaramdam ako ng nagselos kasi na kay Taeyeon na ang lahat.

Kinabukasan

Pagkagising ko , inayos ko ang kama at ang aking sarili sabay bumaba narin ako . Nakita ko si Taeyeon at Baekhyun oppa sa may Sala . Nakahiga si Taeyeon samantalang nasa lapag nakaupo si Baekhyun oppa pero nakabend yung ulo niya sa sofa habang hawak ang kamay ni Taeyeon .

Nakaramdam na naman ako ng selos . Malapit na ba ??

Taeyeon's POV

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko.

"Yeol gising mo na kasi si Baekhyun at nang makatulog na yan ng maayos . Mukhang puyat na puyat kakabantay kay Taeyeon "

Napadilat agad ako at napaupo bigla kaya nagising si Baekhyun oppa .

"O--ohh Taeyeon oookay kana?"

Hinawakan niya ako sa noo at leeg . Pero agad ko yung tinabig

"Huwag mo nga akong hahawakan . Ikaw ang may kasalan kung bakit umalis si Kaije oppa.  Ikaw ang dahilan kaya iniwan niya ko. Wala jang kwenta . "

Pinagsusuntok ko siya pero nakatungo lang sya . Pinipigilan ako nila Oppa at tinayo nila si Baek oppa .

"Taeyeon unnie ano ba yang ginagawa mo ?? Sinasaktan mo si Baekhyun oppa eh !! "~Dianne

"Ikaw !! Ikaw Dianne , hindi ko alam kung saan kang lupalop nanggaling . Nung umalis ako ikinasal na sila Sulli at Oppa tapos ilang linggo lang ikaw na ang girlfriend niya . Ano ??? Nagloko ka Baekhyun oppa dahil sa kasal nyo ni Saeng ? Sa tingin mo ba hindi nasasaktan si Sulli sa pangangaliwa mo ???
May asawa kana ah ! Oo nga pala may asawa kana pero bakit nandito ka parin sa dorm nakatira sinama mo pa yang kabit mo !!!"

"Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan si Oppa . Una sa lahat hindi mo alam ang nangyari sa kanya ,.kaya wag kang magmarunong na akala mo alam mo lahat . Matapang kaba ??.hindi diba ! Kasi tinalikuran mo ang problema . Tinakbuhan mo . Kung hindi ka umalis edi kayo sana ni Oppa . At hindi tayo hahantong sa ganito . Sa tingin mo ba gusto ni Baekhyun oppa ang magkaamnesia siya ?? "

Napatigil ako at napatingin kay Baekhyun oppa . Nakatungo parin sya pero tumingin na siya sa lugar ko. Nagtama ang mga mata namin kaya napaiwas siya

"Ano na naman yang pinagsasabi mo ?? Amnesia ? Are you crazy ?? Hayss makaalis na nga. Magsama kayo niyang Baekhyun oppa mo . "

Pumanik na ako sa taas at nilock ang kwarto . Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay . Inalala ko ang mga nangyari kanina hindi ko alam na masasabi ko yung mga yun. Nadala ako ng emosyon ko , ngayon hindi ko alam kung paano sila haharapin. Hayss

Nagbihis na lang ako ng pang alis at pupuntahan ko sila Minho Oppa . Magrerelax muna ako .

***
"Oh Saeng bakit ngayon ka lang napadpad dito ? Balita ko matagal kang nawala sa puder ng Exo ah . San galing ??"

"Haysss Jonghyun oppa naman. Pumunta nga ako para kalinutan ang problema sa dorm tapod tatanungin mo ko niyan . Hays nakowwwss .
Nga pala wala ata si Minho oppa ? "

"Ahhh pabalik na yun may kinuha lang sa labas "~Key oppa

Maya maya nakarinig ako ng nagtatawanan .

"Hahaha oppa nakakaloka ka"

"Sulli seryoso corny ba yun ? Hahaha hayaan mo maghahanda ako ng iba pa "

Napatayo ako at napatingin sa kanilang dalawa . Bakit sila magkasama ??

"Sulli ??"

"Unnie ??"

"Anong ginagawa mo dito ?"

"Ammm tuwing ganitong oras nandito ako sa Dorm nila oppa.
Busy kasi sila Luna unnie eh."

Nilapag nila yung dala nilang plastic sa lamesa at umupo narin sa sofa . Katabi ko si Minho oppa sa kanan at sa kaliwa naman si Sulli . Dahil nandito narin si Sulli itatanong ko sa kanya ang katotoohanan.

Baekhyun's POV

Nagkakagulo na kaming lahat .

"Oppa okay ka lang ba ? Masakit ba yung braso mo ?"

Tinignan ko sa mata si Dianne , kitang kita ko ang pag aalala dito . Samantalang sa mga mata ni Taeyeon galit at inis ang nakikita ko .

Mejo tinabig ko ang kamay niya at tumayo na ako

"Gusto ko munang mapag isa . Wag nyo muna akong kausapin o kahit ano . "

May sinasabi si Dianne pero hindi ko na yun pinansin . Basta ang gusto ko lang ay mapag isa at umiyak ng umiyak . Sana bukas okay na ko , okay na si Taeyeon at higit sa lahat okay na kami


LOVE UNTIL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon