{Taeyeon POV}
wahhhh !! ang saya ... nakakapagod pa lang gumawa ng gawaing bahay .. hindi pa ako nakain sa sobrang sipag ko sa paglilinis hahha . kailangan magpa-impress eh . pero hindi ko alam ang sasabihin ko kila oppa about sa pag-alis ko ..
"Miss Park kumain kana at matulog para makagising ka ng umaga .."
"sige po lalabas na ako ."
inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas at pumunta na ako sa kusina .
"Manang anong kakainin natin ."
"sinigang na hipon . "
"eh kanino po yung lechong manok ?"
"natural sa amo natin . Taeyeon naman katulong tayo dito baka nkakalimutan mo ."
"nagtatanong lng naman po eh .. "
"sa ngayon kailangan na nating kumain para pagdating ng amo natin tapos na tayong kumain . yung ang isa sa dapat mong tandaan . tulungan mo akong dalhin tong kaldero ng kanin at ako na lang mag magdadala ng ulam ."
"eh san po tayo pupunta .."
"Taeyeon ano ba !! doon tayo sa likod ng bahay kakain . hindi tayo ang may nagmamay-ari ng bahay na ito kaya doon tayo sa likod bahay . wag nang maraming tanong para makakain na tayo .Bilis !!!"
"OPO !!! SUSUNOD NA !"
talaga tong si Manang may regla ata to o menapause na .. my good magiging matanda ako ng dahil sa kanya . kumain lng kami ng tahimik . pagkatapos kumain pumunta kami sa gilid ng likod bahay at hinugasan namin ung pinagkainan namin .
"Manang .."
"ANO ??"
"si Manang talagang galit ... manang wag mo kong itotoka sa magluluto ha .. "
"at bakit naman ?"
"Manang alam mo naman na hindi ako marunong magluto kaya ayokong itotoka mo ako sa pagluluto .. doon nga sa dorm namin eh kamuntik ng magkaroon ng sunog kung hindi dumating si Baekhyun oppa "
"Baekhyun oppa ??"
"Ah eh ih Baekhyun oppa yung pinsan ko po yun .. "
yahhh ! muntik na akong mabuko ni Manang talagang bunganga ito .. ayoko pang mapatalsik ng wala sa oras.pumunta na kami sa mansion at pagpasok namin napansin kong nakatayo lahat ng maid sa may pintuan . nakaseperate sila 6 by 6 tapos meron nang nakalatag na red carpet. wow !! social nman .. dadaan lng nakared carpet pa .pumili din kami ni Manang . bali 7 by 7 kami ngayon . tapos biglang bumukas ang pintuan at lahat sila yumuko kaya ako din yumuko pero yung mata ko tumingin sa dadaan sa red carpet .
"Good Evening Mrs. and Mr.Byun welcome home "
tumigil sa harapan ko si Mrs.Byun at naktataka ata sya kung bakit ako nandoon .
"Good Evening Maam . Ako po ang bagong maid dito ."
"ohhh ! kaya pala parang hindi papilyar yang mukha mo .. buti naman at may nakuha na kayong bagong maid . Bkas uuwi na dito si Baekhyun at Sulli so kailangan maayos ang bahay na ito . at isa pa ako ng pakalat kalat kapag nandito na sila . tatawagin ko lng ang isa o dalawa sa inyo kung kailangan ko kay para mautusan ."
"opo Mrs.Byun "
***
{Chanyeol POV}
gabi na pero hindi parin umuuwi si Taeyeon .. pinuntahan na namin ang SHINee at tinanong kung nandoon kaso wala naman daw . pumunta kami sa SM Town baka sakaling nanunuod si Taeyeon ng mga practice ng mga K-Idols pero wala din eh . kanina tinawagan namin sya , lahat kami naka20 calls (20x12=240)sa kanya pero hindi nya sinasagot . lahat na napuntahan namin pati ang ibang Ent. baka nandoon sya kasi Multi-fandom un eh pero wala din .
"Nasan na ba yang si Taeyeon ?"-Tao
"Kinakabahan na ako hyung "-Sehun
"makikita din natin sya .. kung maghati hati kaya tayo ng pwedeng puntahan . tutal marami naman tayo ."
"sige ! kayo doon (sehun,tao,kai), kayo dito (yeol,Baek,D.O), tsaka kayong tatlo doon sa kabila(xiumin,luhan,kris) kami na lang dito sa kabilang side (suho,lay,chen)"-Suho
nagsimula na kaming maghanap . pumasok kami sa mga restaurant baka nandoon si Taeyeon at kumakain lng . pagod na kaming lahat . kaya nagpahinga muna sila pero ako nandito parin nakatayo at kinakagat ko yung kuko ko . nakasanayan ko na yung gawin kapag kinakabahan ako . biglang tumunog ang cellphone ni Baekhyun kaya nagpaalam sya samin na aalis lang sya sandali para sagutin yung tawag nung mama nya .