Life is unpredictable. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Maaring umiiyak ka ngayon tapos tatawa ka na bukas. Maaaring galit ka kahapon then bukas makalawa o sa susunod na mga araw ay mawawala na rin ang galit mo. In an instant ay pwedeng mabago ang lahat. That's the nature of life. You'll never know what will happen in the future. Kaya dapat prepared ka sa kung ano man ang darating sa buhay mo. May it good or bad kasi wala ka naman talagang choice kundi harapin ito. Unless magpakamatay ka para matakasan kung ano man ang ayaw mong harapin.
By the way, I'm Cassandra Villanueva Velasco. I have a handsome and loving brother. His name is Vincent Villanueva Velasco. I usually call him kuya V kasi naman napakayaman ng full name niya sa letrang 'V'. Dalawa lang kaming magkapatid kaya mahal na mahal namin ang isa't isa. I'm 24 years old and my brother is turning 29 next month.
Mula pagkabata ay hindi ako nakaranas ng hirap dahil kahit minsan hindi nagkulang sa pagmamahal at pag-aaruga ang mga magulang ko sa amin ni kuya. Hindi kami sobrang mayaman at hindi rin naman kami mahirap. Sakto lang ang lifestyle namin. Hindi kami maluho pero may kaya rin naman kami sa buhay. Maganda at malaki ang bahay namin, may isang kasambahay, may kotse ang papa at kuya ko, may magandang trabaho ang mga magulang ko pati na si kuya, at may malawak na lupain kami na inunti-unting bilhin nina mama at papa hanggang sa lumawak na ito.
Madrama ang nakaraan ko pero pamilya and close friends lang ang may alam ng mga pasakit na dinanas ko. May mga alaala na pilit kong binabaon sa limot kahit alam kong hindi ganoon kadaling mangyari yun. Mga alalaalang kahit sa panaginip ay ayaw ko ng matandaan. Mga alalaalang dumurog sa inosente kong puso at nagturo saakin ng maraming bagay. Gustuhin man ng isip ko na mawala at kalimutan na ang mga alaalang ito, hindi ko naman kayang diktahan ang tinitibok ng puso ko.
I'm trying my utmost best to forget everything pero hindi ko talaga magawang itapon ang mga alaalang bumuo sa malaking bahagi ng pagkatao ko. Akala ko habang buhay ko nalang dadalhin ang mabigat na pasanin ng puso ko. Pero mali pala ako because he came into my life and he made everything smooth and flawless without exerting too much efforts. He was able to help me build myself again with a stronger and concrete foundation.
Kung ganoon niya kadaling nabuo ulit ang devastated kong pagkatao, ganun din kaya niya kadaling mawawasak ito? Well, as of the moment I don't know dahil ang alam ko lang, I'm thankful to have this handsome and awesome CEO in my life.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...