3AM na akong nakatulog dahil sa kakaisip sa mga kinwento saakin ni France kagabi (France nalang itatawag ko sakanya since siya naman ang nagsabi nun so susundin ko nalang din). Anyway, di pa rin ako makapaniwala na sasabihin niya saakin ang ganung pangyayari sa buhay niya agad-agad. Kasi naman, kakakilala lang namin diba? Tsaka hindi pa niya ako lubusang kilala kahit pa isa na ako sa mga empleyado niya. Hmp! Bahala na nga. Bini-big deal ko na naman ang bagay na 'to.
So yun nga, madaling araw na ako nakatulog kasi iniisip ko rin kung gaano kasakit yung nangyari sakanya. Imagine, yung kaisa-isang kapatid na super duper close niya at tumayong nanay sakanya ay mwawala nalang bigla. Pero kung naawa ako kay France, mas naaawa ako kay Frank dahil hindi man lang niya nakita o nakausap ang mama at papa. Ang bata niya pa niya para mawalan ng mga magulang. Hayyyyyyy......
Nakahiga lang ako sa kama ko kahit alam kong mataas na ang araw sa labas dahil 10AM na. Wala kasi akong ganang tumayo dahil wala naman akong lakad ngayon. Dito nalang muna ako. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama baka sakaling makatulog ako ulit nang maramdaman kong tumunog ang tiyan ko. Naalala kong di pa pala ako nag-breakfast kaya naman tumayo ako agad. Naligo na ako then nagbihis. Plain blouse na navy blue ang suot ko na tenernuhan ko ng white shorts. Mas okay na 'to para kung sakaling ma-bore ako dito sa bahay ay dideretso nalang ako sa labas para doon makapagpalipas ng oras.
Around 11:45 na nang makababa ako sa dining area. Mas natagalan ako sa pagmumuni-muni kaysa sas pagligo at pagbibihis. Ganito na talaga ako simula pa nung bata ako. Big deal sa akin kahit ano pa man 'yan. Nang tuluyan ko ng marating ang dining area ay naabutan ko si manang na nagluluto.
"Manang ano pong niluluto niyo?" Masigla kong tanong habang umuupo.
"Anong oras ka na ba natulog hija at tanghali ka na gumising? Hinahanap ka ng kuya mo kanina kaso tulog ka pa kaya di ka nalang niya ginising", sabi ni manang habang tuloy pa rin sa pagluluto. Grabehan ah. Di man lang sinagot ang tanong ko.
"Dumating si kuya? Anong oras? Teka, nasa kwarto niya ba siya ngayon?" Sunod-sunod agad ang mga naging tanong ko. Excited akong makita ang kuya ko dahil isang gabi rin siyang di umuwi.
"Hay naku! Kaninang 6AM siya dumating pero umalis din agad ng mga bandang 7AM dahil may importante pa daw siyang aasikasuhin." Sabi ni manang kaya naman nalungkot ako agad. Napansin siguro ni manang ang naging reaksyon ko kaya nagsalita siya ulit.
"Pero sabi niya uuwi daw siya ng maaga. Hintayin mo daw siya dahil magdi-dinner daw kayo kasama yung architect nitong bahay." Nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi ni manang. Hindi dahil magdi-dinner kami mamaya kundi dahil mami-meet ko na ang nagdesign ng bahay ni kuya. Siguro marami akong matututunan sakanya. Nakaka-excite naman!
Sinabayan na ako ni manang sa pagkain which is according to her ay lunch na daw at hindi breakfast. Marami kaming napag-usapan ni manang at magaan na agad ang loob ko sakanya. Siguro magiging mas close pa kami sa mga susunod na araw.
2PM na ngayon at nandito ako sa kwarto ko habang natutulog naman si manang sa kwarto niya. Wala na rin naman siyang gagawin kay mas mabuting magpahinga nalang daw muna siya.
Naisipan kong pumunta sa terrace para doon mag-isip kung ano ang magandang gawin at para hindi ako ma-bored. Okay lang na tumambay dito dahil shaded naman kaya hindi ako matatamaan ng araw. Ang galing talaga ng pagkakagawa ng bahay na 'to. Mas lalo tuloy akong na-excite na ma-meet mamaya yung architect nitong bahay. Napangiti naman ako sa naisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/68559092-288-k102507.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...