Around 6PM na akong natapos at balak ko ng umuwi sa bahay. Gusto kong makapag-isip at gusto kong makausap si France para malinaw yung mga sinabi niya kanina.
Buti nalang at hindi na nagtanong si Erick nung sinabi kong wag muna naming pag-usapan yung nangyari.
Nagmamadali akong lumabas ng opisina nang makapagpaalam na ako sa mga kasama ko.
Naglakad ako papunta sa elevator at nagulat sa nakita kong sakay nun nang magbukas ang pinto.
Si France lang naman po ang sakay at feeling ko ay pauwi na rin.
Nang magsara na ang elevator ay hindi ako umimik. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil hindi ko mapanindigan ang plano ko kanina na makikipag-usap ako sa kumag na 'to kapag nagkita kami.
Bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko? Bakit wala akong lakas ng loob para kausapin siya?
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang magbukas ang elevator.
Teka? Bakit nasa basement kami? Natampal ko ng mahina ang noo ko dahil nakalimutan kong pindutin ang ground floor kanina nung sumakay ako.
Ganun ba ka-preoccupied ang utak ko?
"Aren't you coming out?" Seryosong tanong ni France nang makalabas na siya sa elevator.
"As if naman na may sasakyan akong naka-park dito noh? Tss.."
Magsasara na sana ang pinto ng elevator pero nagbukas din ulit dahil biglang siningit ni France ang kamay niya at hinigit ako.
Mahina lang ang paghila niya sa'kin.
"You don't have a car but I have", seryoso niyang sabi habang naglalakad.
Para naman akong timang na hila-hila niya kaya lakad-takbo ang ginagawa ko dahil mabilis siyang maglakad at hawak niya ang right hand ko.
Hindi na ako nakapagsalita dahil iniisip ko ang mga gusto kong itanong sakanya. The next thing I know ay nasa sasakyan niya na kami. Nasa shotgun seat ako samantalang nasa driver's seat naman siya.
"Wala kang driver?" Nagtataka kong tanong.
Di ko pa kasi siya nakikitang nag-drive eh kasi palaging may nagmamaneho para sakanya.
"Pinauwi ko na", seryoso niyang sabi habang nililiko ang manebela ng sasakyan.
Tinitigan ko siya saglit bago ako tumingin sa kabilang side. Ang gwapo!
Nakatingin lang ako sa labas habang nililisan namin ang AEA.
Nag-iisip ako kung paano ko sisimulang magtanong sakanya. Kaninang di ko pa siya nakikita ang tapang-tapang ko pa tapos ngayong katabi ko na siya, titiklop din pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/68559092-288-k102507.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...