Chapter 3

12.4K 205 0
                                    

Tok. Tok. Tok. 


Nagising ako sa mahinang katok sa pinto ng kwarto ko.


"Bunso? Gising ka na ba? Aalis ako by 9AM. May lakad ka ba? I can drop you before I proceed to my clinic", sunod-sunod na sinabi ni kuya. How sure is he na gising na ang kinakausap niyang bunso? Hahaha. Baliw talaga kuya ko. Tiningnan ko ang orasan sa side table ko at lumaki ang mata ko. Shemayyy... 5:14AM pa lang pero nanggigising na si kuya. Adik ba siya? Sa Laguna nga pinaka-maaga ko ng gising yung 10AM. Tsss... 


Tok. Tok. Tok. 


Biglang may kumatok ulit. Akala ko umalis na si kuya eh. Makulit talaga.


"Bunso di ka pa ba gising? Magjo-jogging ako. Ayaw mo sumama?", bigla kong naalala yung park. Hala! Baka doon magjo-jogging si kuya. Di pwedeng di ako kasama. Bumangon naman ako agad at pinagbuksan siya ng pinto.


"Sama ako kuya", yan agad ang sinabi ko pagbukas ko ng pinto. Ngiting-ngiti pa ako niyan ah pero nawala ang ngiti ko nang magtakip ng ilong si kuya. Wait. Anong problema niya?


"Ano ba 'yan bunso? Mag-toothbrush ka nga muna", sabi niya nang nakangisi tapos humalakhak na nung nakitang inamoy ko ang hininga ko.


"Hindi naman ah. Exaggerated ka naman kuya", sabi ko habang naka-pout. Bigla namang kinurot ni kuya ang right cheek ko. 


"Joke lang. Di na mabiro si bunso", sabi ni kuya habang nakangiti pa rin. "Sige na bunso, mag-ayos ka na kung ayaw mong iwanan kita."


"Give me 5 minutes kuya", pagkatapos kong sabihin yun ay sinara ko na ang pinto bago pa makasagot ang kuya ko. Bastos ba? Hehehe. Sanay na yan sa'kin si kuya kaya okay lang. Naghilamos naman ako agad at nagsipilyo tapos nagpalit ng damit. Siyempre proper attire ang outfit ko. Paglabas ko ng pinto ay nagulat ako dahil nakatayo pa rin dun si kuya.


"I thought you slept again", sabi ni kuya nang nakangiti. Nag-make face lang ako bilang sagot sakanya. Tumawa naman siya sa itsura ko. Ambabaw naman ng kuya ko.


Nasa labas na kami ng gate ni kuya at naglalakad na paputa sa kung saan man. Tahimik lang si kuya kaya ako na ang nagsalita.


"Kuya, sa park ba tayo magjo-jogging?" 


"Yes. Pwede rin namang sa open court. Alin ba mas gusto mo?" Sabi ni kuya habang nagsi-streching.


"Sa park nalang kuya para mas malapit", sabi ko naman kaagad.


"What made you say na malapit lang ang park, bunso?" Nang-aasar ang ngiti ni kuya. Tssss...


"Well, kaharap lang naman po ng kwarto ko yung park", sabi ko with all the confidence na tama ako.


"Exactly! That means na kailangan pa nating ikutin ang village bago natin marating ang park. Pinili ko talaga ang part na 'to kasi alam kong mahilig ang baby sister ko sa magandang view", sabi ni kuya habang nagsi-stretching pa rin. Hindi ko naintindihan ang explanation niya kung bakit malayo ang park eh nasa harap nga lang ng kwarto ko yun. Sumunod nalang ako sakanya at di na ako nagsalita.

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon