Chapter 15

7.6K 121 0
                                    


Nandito kami ngayon ni France sa terrace sa kwarto niya. Tulog si  Frank dahil 3PM na. 


Yung date sana namin ni France ay di na natuloy dahil sinabi ko sakanyang medyo disappointed ako sa pagsagot ko sakanya sa starbucks. Sabi niya hindi naman daw problema yun kung gusto ko talaga siyang sagutin dito sa terrace. Sabi ko nga wag na kasi tapos na kaso lang pinilit niya ako kaya wala na akong nagawa. 


Nakayakap si France saakin sa likod at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Masaya ako ngayong pinagmamasdan ang kagandahan ng park sa harap namin pero mas masaya akong nakakulong sa mga bisig ng taong mahal ko.


"Go on. Sagutin mo na ako ulit dito sa terrace", malambing na sabi ni France kaya natawa naman ako.


"Sira! Anong akala mo saakin, uto-uto? Tapos na yun noh!" Kinikilig kong sabi pero siyempre hindi ko pinahalata na kilig na kilig ako.


"I want to hear it again", pangungulit niya pero nakayakap pa rin siya saakin.


"Tsss..." Sabay umirap ako at narinig kong tumawa siya ng mahina. 


Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at hinarap sakanya.


"I'm now complete. I love you Sandra and I will love you for eternity", nakangiti niyang sabi. Ayieeee... 


Nakakakilig! Ang gwapo niya talaga. Sobra!


"Sus. Walang forever!" Pagbibiro ko kaya biglang sumeryoso ang mukha niya. 


Bumabalik na naman po ang pagiging bipolar niya!


"What?" Seryoso niyang tanong. Parang nagjo-joke lang ako eh, galit na agad 'to! 


Kinurot ko ang pisngi niya tapos ngumiti.


"Joke lang po. I love you too, now and forever", tapos hinalikan ko siya sa cheeks. Ngumiti siya tapos niyakap ako. Feeling ko malapit na kaming langgamin. Hahaha.


"No matter what comes along the way, kahit gaano kalaking problema, kagit gaano kahirap, kakayanin ko lahat as long as you and Frank are on my side. Don't ever leave me Sandra", sabi niya habang yakap ako. Niyakap ko din siya.


"I will never leave you France. I will never leave you and Frank", sabi ko then bumitaw si France sa yakap namin. 


Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Slow motion ang lahat hanggang sa maramdaman kong dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. 


This is not my first kiss dahil nag-kiss na din kami ni Kevin dati but there's a big difference between the kiss I had with Kevin before and the kiss I have with France now. 


Full of love, passion, sincerity, and assurance ang halik ni France. 


Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon