Chapter 5

11.9K 204 7
                                    

"Cassy? Okay ka lang ba? Ano ba'ng nangyari?" Sinulyapan ako ni Jessy habang tinanong niya sa'kin yan. Nagmamaneho kasi sya ngayon at sinabi kong gusto ko ng umuwi. 

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hayyyy....



[Flashback]

Nagtitigan muna kami ng ilang segundo nang makaupo na ako sa harap ng mesa ni Mr. Antipati--I mean, Mr. CEO bago siya nagsalita ulit.

"So as I was saying, I don't mix my job with any personal issues. Also, I want to emphasize that I DON'T PLAY GAMES, miss Velasco", seryoso at kalmado ang boses niya. 

Kung siguro first meet up namin 'to, baka crush ko na siya. Paano ba naman, ubod ng gwapo and napaka-manly ng look niya. Kaso hindi yun mangyayari dahil turn off na turn off na ako sakanya simula nung una kaming nagkita.

"Do you mind sharing your thoughts, Miss Velasco?" Hala! Nakatitig na pala ako sakanya nang di ko man lang namamalayan. Nakakahiya naman. Huhuhu!

"I'm sorry ss-sir", sabi ko nang pautal-utal dahil medyo nahiya ako sa pagkakahuli niya saakin. Umayos ako ng upo bago nagsalita ulit.

"I'm sorry for being rude awhile ago. I want to introduce myself again, POLITELY", sabi ko habang ine-extend ang kamay ko. 

"I'm Miss Velasco and I want to apply as an architect of your company", kinuha naman niya ang kamay ko and we shook hands pero medyo natawa pa siya ng mahina bago niya tinanggap agad. 

"Nice meeting you, Miss Velasco. So, let's see if your qualified to the position", seryoso niyang sabi nang parehas na kaming nakaupo ng maayos. 

Inabot ko sakanya ang isang envelop kung saan nakalagay ang lahat ng credentials and ang CV ko na gusto niyang makita. Tumatango-tango pa siya habang may binabasa sa mga papers ko samantalang isang balde na ang pawis ng kamay ko sa sobrang kaba. 

"So, you've graduated a year ago? How come you don't have a job experience?" Seryoso niyang tanong habang nilalapag ang papel sa mesa. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Thank you for that wonderful question", tumawa naman siya agad sa sinabi ko kaya di ko na natuloy pa yung idudugtong ko sana. 

Napakunot ang noo ko sa tawa niya na alam kong any minute now ay pwede na siyang mautot. Pinipigil niya kasi na tumawa ng malakas. In fairness, kahit sa anong mood, ang gwapo niya talaga. Mapa-seryoso man o mapa-abnormal.

"I'm sorry, sorry. Hahaha", napansin niya yata yung nakakunot kong noo kaya nagsalita na siya. Tumatawa pa rin ang mokong. "Please continue", sabi nya at tumatawa pa rin pero mahina na.

"My mom and dad told me to rest muna because I badly needed a break that time. I was really down and all kaya sinunod ko na rin ang gusto ng parents ko. Wala rin akong plano sa buhay ko noong naka-graduate na ako dahil may mabigat akong pinagdada --", napahinto ako nang mapagtanto ko kung ano ang mga pinagsasabi ko. 

Seryoso lang na nakikinig si Mr. CEO kaya kumunot ang noo niya nang tumigil ako.

"Ah, yun po ang reason ko kung bakit hindi ako naghanap ng trabaho agad after graduation", sabi ko nalang para hindi na siya magtanong pa ulit.

"That's it? You badly needed a rest because you're so down and all?" Seryoso pa rin siya habang sinasabi niya yun. Tumango naman ako saka ngumiti ng pilit.

"Well, being so honest sometimes is not beneficial, Miss Velasco", this time ang noo ko na naman ang kumunot. Napansin ko lang ha, kanina pa kami nagkukunutan ng noo. Hahaha. But, wait. Ano ulit ang sabi niya?

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon