Nandito ako ngayon sa kawarto ko. Nakakailang punas na ako ng luha dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos.
Hindi ko mapigilan ang sarili sa pag-iyak.
"Cassy, tama na ang kakaiyak, okay?" Si Jessy ang kasama ko ngayon sa kwarto.
"Hindi ko kasi mapigilan, Jessy." Sagot ko habang nagpupunas pa rin ng luha.
Biglang may nagbalik na alaala sa aking isipan.
[FLASHBACK]
"Nasaan ako? Nasaan si France?"
Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog pero wala na akong pakialam.
Ito yung tinuluyan ko kanina bago ako ipinakilala ni France sa mga guests.
Alam kong hindi panaginip yung nakita ko kaninang may nakatutok na baril sa ulo ni France.
Alam kong totoong nangyari yung putok ng baril na narinig ko.
Worried ang mukha ni mama na lumapit saakin at niyakap ako.
"Shhhh... It's okay now." Pinapatahan ako ni mama pero humahagulgol pa rin ako.
"Hindi ma. Walang okay. Si France. Ma, nasaan si France? Nabaril si France ma! May bumaril sakanya."
Para na akong baliw na sumisigaw. Puro si France ang bukang-bibig ko.
"Anak, kumalma ka."
Lumapit saakin si papa at niyakap ako.
Bakit ba sila ganito? Bakit di nalang nila sagutin ang tanong ko?
"Nasaan nga si France?" Pasigaw kong tanong pero umiiyak pa rin.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Si mama, si papa, si Jessy, si Frank na hawak ni ate Mylene, yung parents ni Jessy. Bakit wala si tito Francis? Bakit wala si kuya? Bakit wala si France?
"He's fine. France is perfectly fine, okay? Calm down." Sabi ng mommy ni Jessy.
Fine? Niloloko ba nila ako?
May pumutok na baril kanina sa basement at alam kong nakatutok ang baril na yun sa ulo ni France.
Anong akala nila kay France, may suot na armor para hindi tablan ng bala sa ulo?
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...