"Tito, who is she?" Ang cute cute cute cute cute cuteeeeeee ng batang nagtanong.
Di na ako magdadalawang isip na siya si Frank dahil tugma yung calculations ko ng age niya dun sa kwento sakin ni France kagabi. Tantiya ko ay nasa 4 or 5 years old na ang cute na batang 'to.
Yung galit at poot na nararamdaman ko kanina kay kuya at sa best friend niya ay biglang naglaho agad nang makita ko si Frank. Gustong gusto ko siyang yakapin kanina kaso parang natatakot siya saakin. OO SAAKIN LANG! Kasi yumakap naman siya kay kuya nung makita niya ito pero agad nagtago sa likod ng yaya niya nung akmang yayakapin ko siya. Tsss. Pahiya tuloy ako pero okay lang. First meeting rin naman namin ngayon kaya babalewalain ko nalang ang PAGKAPAHIYA ko. Feel na feel ko pa naman yung pagkaka-bend ko ng tuhod kanina para mayakap siya. Tsss...
Anyway, titig na titig lang ako kay Frank ngayon at enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko. His face is full of charm, innocence, and sincerity. Pero sa kabila nun ay may kung ano akong naramdaman habang nakatingin sakanya. Panghihinayang. Yan agad ang naramdaman ko. Sayang dahil kailanman ay hindi niya mararanasan ang magkaroon ng mama at papa. Kailanman ay hindi niya mararamdaman ang pagmamahal ng isang tunay na magulang. Pero okay na din kahit papaano dahil nage-effort naman si France na ginagawa ang lahat para sakanya.
Medyo humanhanga na ako kay France dahil dun. MEDYO LANG HA. Pero hindi ko talaga siya crush. Medyo humahanga lang. Ayy.. Ano ba yan! Di ako defensive noh. Tsss...
"She's my little sister. Her name is Cassy so you should call her tita Cassy." Malambing na sagot ni kuya V. Nakatingin pa rin saakin si Frank. Nasa hapag kainan na kasi kami ngayon at ready to eat na nang bigla siyang magtanong. Magkaharap kami samantalang kaharap ni kuya ang magaling niyang best friend kasi magkatabi si Frank at France habang magkatabi naman kami ni kuya. Ang galing ng pangalan nila no? Bakit kaya di ginawang France nalang din ang pangalan ni Frank? Mga pauso nila eh. Tsss...
"I don't think she's your little sister", inosenteng komento ni Frank na naging dahilan para mapatingin kaming lahat sakanya including yung yaya na naga-assist sakanya.
Anong problema ng batang 'to? Di naman siya mukhang rude pero bakit parang iba ang dating nung sinabi niya?
"Why, baby? Do you think tito Vince is just so handsome to have a sister like her?" Nakangising tanong ni France sa bata habang naka-point ang kamay saakin.
'Hoy! Grabehan 'tong lalakeng 'to ha! Bakit? Panget ba ako?' Magsasalita na sana ako para ibangon ang sarili kong bandera nang biglang magsalita si Frank.
"No, tito. She's so big to be called 'little sister', isn't she?" Natawa ang dalawa sa sinabi ni Frank pati ang yaya. Ako? Napangiti lang ako dahil HINDI NAMAN KASI NAKAKATAWA.
"So you mean, tita Cassy is pretty?" Malokong tanong ni kuya V kay Frank.
"Of course she is! She looks like the pretty ladies I see on TV." Kinilig ako sa sinabi ng batang cute na 'to. Abot langit ang ngiti ko ngayon. Tiningnan ko ang mga kasama ko dito at nakita kong nakangiti rin si kuya at si yaya samantalang poker face lang si France.
Anong problema nito? Hindi ba siya sang-ayon na maganda ako at mukha akong artista? Hindi ko talaga maintindihan ang personality niya. Bipolar. Tsss...
"Hi baby Frank! Do you want to be my friend? I just transferred here so I don't have any friends yet. Can you be my first friend?" Nagbe-baby talk ako habang kinakausap si Frank. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Right now, si Frank lang ang gusto kong kausapin.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...