Chapter 23

7.5K 115 1
                                    



[France's POV]



Isang oras nalang ay dadating na ako sa Pinas.


Kumusta na kaya ang mag-ina ko at si Frank?


Sigurado akong magugulat sila pa nakita ako. Plano ko kasing surpresahen sila para maiba naman.


Tinitigan ko ang screen ng cell phone ko. Katulad ito ng screen sa cell phone ni Sandra.


Napangiti ako nang maalala ko ang babaeng mahal ko.


Teka? 


Bakit parang bigla akong kinabahan?


Umiling nalang ako at huminga ng malalim.


Siguro nami-miss ko lang ang asawa ko.


Makaraan ang ilang sandali ay lumapag na ang eroplano sa NAIA. 


Nagmadali akong bumaba agad dahil gusto ko ng makarating sa bahay.


6AM pa lang kaya sigurado akong tulog pa ang mag-iina ko.


Pumunta ako agad sa sasakyan na iniwan ko sa basement ng airport na ito nung araw na umalis ako.


Nang marating ko na ito ay mabilis na akong nag-drive pa uwi.



[Phone Vibrating]


Incoming call..... Vince


Si Vince lang ang nakakaalam na dadating ako ngayon. Bakit kaya siya napatawag?


Nakangiti ako nang sagutin ko ang tawag.


"It's too earl—" Naputol ang sasabihin ko dahil sinapawan kaagad ni Vince.


"France. You have to go straight to the hospital where I'm working. You know where it is, right? You have to be here as soon as you can."


Nawala ang ngiti sa labi ko. 


Bakit iba ang boses ni Vince? 


Halatang hindi siya kalmado pero pinipilit niyang magsalita ng mahinahon.


"Hey! What's wrong?" Ayaw kong i-entertain yung idea na pumapasok sa isip ko.


"Just get yourself here!" Sigaw niya.

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon