Nakatayo kami ngayon sa sa harap ng dalawang puntod. Karga ni France si Frank habang nakatingin sa dalawang lapida.
[Michael C. Hawkins]
[Janine A. Hawkins]
"Daddy, why are we here?" Si Frank agad ang unang nagtanong.
"We're here to visit your real mommy and daddy", nakangiting sagot ni France.
"Where are they?"
Nagpalinga-linga pa si Frank para hanapin ang sinasabi ng tito niya. Naiiyak ako dahil wala pa talagang kamuwang-muwang ang bata.
"They live there. Under the ground", kalmadong pagpapaliwanag ni France sa bata habang tinuturo ang lapida.
"You said they're both in heaven to celebrate my birthday every day. Why are they under the ground now?"
Naguguluhang tanong ng bata. Narinig kong medyo natawa si France. Hindi siguro niya inaasahan ang tanong ni Frank.
"Their bodies are under the ground but their souls are in heaven to celebrate your birthday", pagpapaliwanag ulit ni France.
"I don't understand what soul is." Walang kaide-ideyang sagot ng bata.
Narinig kong huminga ng malalim si France.
"Someday, when you're already a big boy, you will understand everything. Okay?"
Nakikinig lang ako sakanila pero ang mata ko ay nasa puntod sa harapan ko.
Binasa ko ito ng tahimik-- [Janine A. Hawkins]
"Okay, daddy. Can I play with my ipad?"
Nabo-boring na siguro si Frank sa usapan nila ng tito niya.
"Sure."
Kinawayan ni France si ate Mylene na nakatayo ng mga limang metro mula saamin. Lumapit naman ito agad.
"Bring Frank to the car and let him play on his ipad. Hintayin niyo kami doon." Utos ni France kay ate Mylene ng makalapit na ito saamin. Tumango naman ito at kinuha si Frank.
Nang makalayo na saamin ang dalawa ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko bilang senyales na maupo sa tabi niya. Kanina pa pala ako nakatayo dito. Umupo ako na parang Japanese seat dahil naka-dress ako samantalang naka-Indian seat naman si France.
"I have three reasons why I came here", napalingon ako sakanya.
Di na ako sumagot dahil alam kong may karugtong pa yung sasabihin niya.
"The third reason is to sympathize with tita Becca's family", kinurot ko siya sa ilong dahil sa sinabi.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...