Walong buwan na simula nang ikasal kami ni France. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa loob ng walang buwan na yun ay pinaramdam saakin ni France kung gaano niya ako kamahal.
"Are you okay?" Sabi ni France tapos hinawakan ang kamay ko.
Nasa ospital kami ngayon dahil nagpa-check up ako. Three months na akong buntis and every checkup ay palaging kasama ko si France.
Makulit eh. Sabi ko okay lang na wag na siyang sumama dahil alam kong busy siya pero ayaw pa rin. Di daw pwedeng di siya kasama.
"Oo, okay lang ako." Nakangiti kong sagot. Pauwi na kami ni France.
Sunday ngayon kaya quality time namin with Frank. At dahil buntis ako, magpapahinga lang daw kami sa bahay. Mabuti nalang at pumayag si Frank.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating na kami sa bahay. Nakaabang sa pinto ang napaka-cute na bata. Hindi namin siya sinasama sa ospital pag nagpapa-checkup ako kasi baka mahawa ng kung anong sakit doon.
"Frank" Masaya kong tawag sakanya nung malapit na ako sa pinto. Tumakbo naman siya palapit saakin at niyakap ako. Kinuha naman agad siya ni France at binuhat.
"What took you so long?" Nagtatampong tanong ni Frank habang karga na siya ni France.
"We have to make sure that the baby is fine." Sagot ni France. Nauna akong maupo sa sofa sa sala. Sumunod naman saakin ang mag-tito at pinagitnaan ako.
"Can I talk to the baby, mommy?" Tanong saakin ni Frank.
"Of course, baby." Nakangiti kong sagot tapos sumandal sa sofa. Inakbayan naman ako ni France then hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"I love you." Bulong niya. Napangiti naman ako.
Hindi nagsasawa si France na sabihin ang linyang yan.
"I love you more." Sagot ko na nakangiti.
"I love you most." Sagot naman niya kaya tumahimik nalang ako. Hindi siya magpapatalo dahil according to him, mas mahal niya ako kaysa sa pagmamahal ko sakanya.
"Mommy, why is the baby not talking back?" Napatingin kami agad kay Frank na nakadikit ang tenga sa tiyan ko.
Natatawa akong nilingon si France na nakaupo sa right side ko. Nakaakbay yung isa niyang kamay saakin tapos hawak nung isa niyang kamay ang right hand ko.
"The baby is talking but you just can't hear it." Nakangiting sagot ni France.
Hindi na sumagot si Frank at nagpatuloy nalang sa pakikipag-usap sa baby sa tiyan ko. Hahaha. Natatawa talaga ako sa itsura niya lalo na kapag nafo-frustrate siya dahil hindi daw sumasagot yung baby.
"Frank, the baby wants to sleep na. I think you have to sleep also." Sabi ko habang umaayos ng upo.
1PM na kasi kaya kailangan ng matulog ni Frank. Sumama naman kaagad siya kay ate Mylene nung tinawag ito ni France para patulugin si Frank.
"What do you want to do now? Let's make it a twin." Sabi ni France habang hinahalikan ang leeg ko.
"Sira! Magbe-bake ako ng cake." Natatawa kong sagot. Niyakap naman ako ni France then tumawa siya ng mahina.
"Alright, you bake now then let's make it a twin tonigh--" Hindi na natapos ni France ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.
"Can you stop that naughty idea of yours?" Seryoso kong sabi. Ngumiti naman siya tapos niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...