Chapter 18

8K 151 3
                                    


Three weeks na since noong nagpunta kami sa New York. 


Nandito ako ngayon sa kwarto ng isang hotel. Hulaan niyo kung bakit?


.................


I'm sorry to disappoint you but it's not our honeymoon yet. 


Mahigit 2 months pa ang hihintayin bago ang araw na inaasam-asam namin ni France.


Nandito ako ngayon sa isang hotel dahil ipapakilala na ako ni France sa buong mundo bilang fiancée niya. 


Invited lahat malalaking tao sa lipunan na malapit kina France at siyempre lahat ng malalapit sa pamilya namin. 


Any minute now ay tatawagin na ako para pumunta sa stage. Sabi ko kay France wag na gawin 'to kasi nakakahiya pero sabi nya, it's not proper daw for a CEO's fiancée to be hidden. Tsss.. Daming pauso.


"Ang bongga naman ng love story mo, Cassy." Kinikilig na bulong saakin ni Jessy habang nandito kami sa loob ng kwarto ng hotel na paggaganapan ng engagement party.


"....." Speechless ako. 


Ngumiti lang ako kay Jessy dahil wala akong masabi. Isa pa, kinakabahan ako ngayon dahil nagtext si kuya na susunduin niya ako five minutes from now.


"Uyy, Cassy okay ka lang?" Pangungulit ng best friend ko. Invited din ang parents ni Jessy dahil related naman talaga sila ni France by blood.


"Okay lang ako. Kinakabahan lang." Prangka kong sagot kay Jessy.


"Wag kang kabahan. Be confident dahil maganda at mahal ka ng lalakeng may pakana ng engagement party na 'to." Nakahawak sa kamay ko si Jessy ngayon.


"Salamat." 


Wala talaga akong ganang magsalita kapag kinakabahan ako. Ilang beses na akong huminga ng malalim para mawala ang kaba ko pero wa epek. Habang tumatakbo ang oras ay mabilis din ang pagtibok ng puso ko.


Ilang sandali pa ay pumasok na si kuya sa kwarto. Malapit lang ito sa function hall na paggaganapan ng engagement party.


"Are you ready, bunso?" Tanong kaagad ni kuya nang makalapit saakin. 


Huminga muna ako ng malalim bago tumango. 


Tiningnan ko si Jessy na nasa tabi ko. Nakatingin siya kay kuya at napangiti ako. Nasabi ko na bang may gusto si Jessy sa kuya ko? Umamin siya saakin nung second year high school pa kami. Kung may gusto man ako para sa kuya ko, si Jessy na yun. Pero siguro aabangan ko nalang ang magiging love story nilang dalawa, kung iisa lang ba o may kani-kaniya silang kwento.


Habang lumalapit kami sa hall ay naririnig ko ang nagsasalita sa microphone. 


Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon