Chapter 9

8.9K 183 2
                                    


Maaga akong nagising ngayon dahil mahimbing ang tulog ko kagabi. Ewan ko kung bakit pero simula kagabi na nag-usap kami ni France sa terrace niya, naging magaan na ang loob ko sakanya. Ang saya pa nga namin nung nag-dinner kami dahil kasama namin si Frank na tuwang-tuwa at ayaw pa na akong pauwiin. Buti nalang at masunurin sa tito niya kaya pumayag na rin noong uuwi na ako. 


Pero nagtataka pa rin ako sa mga reactions ni France kagabi habang kinukwento ko yung pang-iiwan saakin ni Kevin. Affected ba siya o nadadala lang siya? Sabagay, bakit naman siya magiging affected, diba? Ano niya ba ako? Aside from best friend siya ni kuya ay empleyado niya lang ako. 


Isa pa, hindi pa nag-isang linggo ang pagkakakilala namin. 


Ano ba 'tong mga iniisip ko? Pero isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit naikwento ko sakanya ang nakaraan kong ayaw ko ng balikan. Apat na taon na since noong araw na iniwan ako ni Kevin at simula noong araw na 'yon walang nangahas na bumanggit ng pangalan niya sa harap ko. Ako nga mismo, sa isip ko lang nababanggit ang pangalan niya dahil ayaw kong marinig. 


Pero kagabi, I managed to tell France the whole story and after kong masabi sakanya ay sobrang gumaan ang loob ko. Siguro dahil na rin nailabas ko na ang sakit na kinimkim ko sa loob ng maraming taon.


"Are you okay, bunso?" 


Tanong ni kuya pagkatapos mag-sip ng kape niya. Nakatulala kasi ako habang ngumunguya ng mabagal. Akala siguro niya, eng-eng na ako. 


Dahil nga maaga akong nagising ngayon ay nakasabay ko si kuya na mag-almusal.


"Yeah." Maikli lang ang naging sagot ko pero di ako natinag sa pagiging tulala.


"What time did you go home last night?" 


Seryosong tanong ni kuya habang kumukuha ng hotdog na naka-serve sa mesa. Napatingin agad ako sakanya.


"Past 10PM na kuya. Ayaw kasi akong pauwiin ni Frank", sabi ko tapos nag-sip na din ako ng kape.


"You spent your whole day in France's house yesterday. Isn't it boring?" Sabi ni kuya bago sumubo ng pagkain.


"Hindi naman dahil naglaro kami ni Frank then nagkwentuhan", sagot ko.


"How about when France came home?" 


Parang may gustong malaman si kuya ah. Pareho sila ng kaibigan niya. Kunyaring cool pero chismoso pala sa loob. Hahaha. 


"We talked while waiting for the dinner", sagot ko naman. 


"You talked about what?" Nakatingin na saakin si kuya habang tinatanong yan kaya  medyo kinabahan ako. Seryoso kasi ang mukha niya.


"About Kevin", deretsahan kong sagot. 


Nakakapagod na magpaliguy-ligoy. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya dahil for the first time since Kevin left ay ngayon pa niya narinig na binaggit ko ang pangalan niya.

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon