"Bunso? Gising na. Nandito na tayo", mahinang boses ang umistorbo sa mahimbing kong tulog. Dinilat ko ang kanang mata ko bago ko minulat ang kabila. Nag-inat ako nang maramdaman kong nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng dalawang palapag na magandang bahay.
"Wow! Bahay mo ba'to kuya? Naka-afford ka ng ganito kagandang bahay? Big time!", sabi ko na manghang-mangha.
"Huy! Ang OA mo naman makapag-react. Para namang bahay kubo ang pinanggalingan mo. Ang laki nga ng bahay natin sa Laguna kaysa dito sa bahay ko", sabi ni kuya na natatawa pa. Bumusina siya ng tatlong beses tapos biglang nagbukas yung gate.
"Eh iba naman kasi yun kuya V. Siyempre pinaghirapan ni mama at papa yung bahay na yun", nakakaloko ang ngiti ko. Trip ko lang talagang asarin ang kuya ko.
"I'm a surgeon, remember? Saan ko naman ilalagay ang pera ko kung sa isang bahay kubo ako titira?", nakangisi din si kuya. Kahit kailan talaga hindi ko nakitang napikon ang kuya ko samantalang ako napakadali niyang sirain ang mood ko.
"Ewan ko sa'yo. Maiwan na nga kita!" Bumaba ako agad ng kotse nung nakapasok na ito sa gate at nakahinto na. Bigla namang may bumati sa akin. "Good evening po ma'am"
"Ayy butiki", nagulat ako sa bumati saakin dahil wala akong nakitang tao doon bago ako bumaba. Tumawa naman si kuya nung marinig ako dahil nakababa na rin siya.
"Siya si manang Rosita. Simula nang lumipat ako dito ay siya na ang tumutulong saakin dito sa bahay" sabi ni kuya habang binababa yung mga maleta ko mula sa sasakyan. "Manang patulong po akong dalhin sa sala nitong maleta. Ako nalang po mag-aakyat sa kwarto ni bunso kasi mabigat po 'yan", sabi ni kuya sa magalang na boses. Naks! Ambait talaga ng kuya ko.
"Opo sir. Maghapunan na din po kayo dahil nahanda ko na po 'yun sa mesa", masiglang sagot ni manang. Uy! Parang di ako mahihirapan dito ah. Ang saya naman!
Nagtungo na kami ni kuya sa loob ng bahay at napa-WOW naman ako sa ganda ng loob nito.
"Ang galing naman ng interior designer nito kuya. I want to meet her in the future if that's possible", sabi ko habang iniikot ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay ni kuya.
"Of course, that's possible but 'her' is not the right pronoun to use. He's a man so it should be 'him'", sabi ni kuya habang nagsusuot ng pambahay na tsinelas. "I have bought one for you. Here, isuot mo", sabi ni kuya at nilapag sa sahig ang peach na slipper. Aww.. Talagang alam ni kuya ang favorite color ko.
"Thanks kuya V", sabay sinout ko na yung slipper. Nagtungo na kami sa dining room at nag-umpisa nang kumain. Habang kumakain ay biglang nagsalta si kuya.
"So, what's your plan now?" Nabigla ako kasi naging seryoso ang boses ni kuya. Tumingin agad ako sakanya bago sumagot.
"Magkikita kami bukas ni Jessy. Since may trabaho na siya dito, tutulungan daw niya akong makahanap ng kompanyang pwede kong pag-applyan. What do you think, kuya V?" Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin yun at ngumiti rin si kuya pero sumeryoso din agad. Bipolar talaga kuya ko. Misan sweet, minsan naman seryoso. Hay naku!
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...