Madaling araw na pero di pa rin ako makatulog. Bumangon nalang ako at pumunta sa terrace.
Dito na ako tumira sa bahay ni France simula nang maikasal kami. Kapit-bahay lang namin si kuya kaya masayang-masaya ako.
Malamig ang simoy ng hangin dito pero di ko yun ininda dahil sa ganda ng park na nasa harap ko. Umupo ako sa upuan na nandito sa terrace at kinalikot ang cell phone na hawak ko.
Nakangiti akong pinagmamasdan ang screen ng cell phone ko. Ito yung selfie namin ni France nung kasal namin. Ang saya naming pareho nang mga panahong ito.
Isang buwan. Isang buwan na ang nakakaraan nang umalis si France papunta sa US para asikasuhin ang expansion ng kompanya.
Nami-miss ko na ang asawa ko. Kailan kaya siya uuwi? Diba sabi niya one to two months daw siya doon?
Bakit di pa niya sinasabi kung kalian siya uuwi? Baka may plano na naman yung i-surprise ako. Tsss..
Matutulog na nga lang ako dahil may check-up pa ako bukas.
Pumasok ako sa kwarto at tinabihan si Frank sa kama. Sabi kasi niya siya daw muna ang magbabantay saamin ng baby habang hindi pa bumabalik si France. Hahaha. Ang kulet.
Blaaaaaggggg!
Nagulat ako sa biglang kumalabog. Sino naman yun?
Kinumutan ko muna ng maayos si Frank bago ko iniwan para silipin kung ano ang pinanggalingan nung ingay.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan dahil baka madulas ako. Maselan pa naman ang kalagayan ko ngayon.
"Ate Mylene? Ano yung maingay?" Tawag ko sakanya habang bumababa ng hagdan.
Wala namang ibang tao dito sa bahay maliban saamin ni Frank at ni ate Mylene. Mamayang umaga pa babalik si manang Loni dahil rest day niya kahapon.
"Ate Mylene?" Tawag ko ulit. Di kasi siya sumasagot eh.
Una kong narating ang sala. Pinaandar ko ang ilaw dahil madilim.
"S-sino ka?" Nanginginig kong tanong.
Nakita ko si ate Mylene na nakatakip ang bibig. Umiiyak habang pinipilit kumawala sa pagkakagapos sa kamay niya.
May tatlong lalake na nakatayo malapit sakanya. Lahat sila ay may dalang baril.
Maliban sa tatlong lalake na nakatayo ay may isa pang lalake na nakaupo.
Nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...