Chapter 11

9.3K 206 0
                                    


5:30AM pa lang ng umaga ay gising na ako. 


Ewan ko nga kung bakit maaga akong nagising kasi hindi naman ako nag-alarm and alam ko sa sarili ko na hindi ito ang normal na gising ko. 


But anyway, maliligo nalang ako para hindi ako ma-late sa lakad namin. 


After a few minutes ay tapos na akong maligo kaya bumaba na ako para magkape. Simpleng pambahay lang muna ang sinuot ko. Mamaya na ako mag-aayos kasi maaga pa naman. 


Pagbaba ko ay nagulat ako dahil nandoon na si kuya sa dining area na nagkakape at nagbabasa ng diaryo. 


Hala! Ang aga naman nitong gumising.


"Ang aga natin ah!" 


Bungad ko bago umupo sa harap niya. Binaba naman ni kuya ang diyaryo at tumingin sa akin ng nakangiti.


"I'm a morning person, bunso. How about you? Bakit ang aga mo yatang nagising?" Natatawang tanong ni kuya tapos ngumiti siya ng nakakaloko.


"Bakit masama bang gumising ng maaga? Tsaka anong meron sa ngiti mo?" Tanong ko agad sakanya dahil parang nang-aasar siya.


"Bakit masama bang ngumiti? Haha", sabi ni kuya habang tumatawa. 


At talagang binalik pa saakin ang sinabi ko ha. Nahawa na yata 'to sa kaabnormalan ng best friend niya eh.


"Bakit sinabi ko ba?" Nakairap kong sabi. Ganito talaga ang kulitan namin ng kuya ko. 


"Nagtext nga pala si France. Wala ka yatang planong magpaalam sa'kin, bunso?" 


Biglang naging seryoso ang mukha ni kuya. Sabi na nga ba eh! Nahahawa na 'to ni France sa pagiging bipolar. 


Teka? Bakit ba kanina pa sumisingit sa isip ko si France? Tsss...


"Ayy oo nga pala. Aalis nga pala kami ngayon. Ayaw ko nga sanang sumama kaso ayaw kong malungkot si Frank kaya napilitan nalang ako", pagpapaliwanag ko kay kuya. 


Inabutan ako ni manang Rosita ng kape at nagpasalamat naman ako.


"Ayaw mong malungkot si Frank or si France?" 


Napaangat ako ng tingin mula sa paghigop ng kape at nakita kong nakangiti na naman ang abnormal kong kuya.


"Kuya stop it. Ano namang pakealam ko kay France? And isa pa, bakit parang feeling ko, inaasar mo ako kay France?" Seryoso kong tanong kay kuya. 


Nakangiti lang siya na parang timang. Humigop muna siya ng kape bago nagsalita ulit.


Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon