Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagi-empake ng gamit dahil ngayong araw ko na lilisanin ang kinalakhan kong tahanan. Linggo ngayon kaya walang trabaho sina mama at papa. Si kuya naman ay dumating kahapon para sunduin ako at para na rin bisitahin sina mama dahil matagal-tagal na siyang hindi nakakadalaw gawa ng busy siya sa trabaho niya. Maya maya pa ay biglang may kumatok sa pinto.
"Bukas 'yan", sabi ko habang nag-aayos ng gamit ko.
"Sigurado ka na ba anak? Talaga bang aalis ka? Pwede ka naman dito nalang maghanap ng trabaho. Matutulungan pa kita dahil may mga kakil--", si papa pala ang pumasok. Sunod sunod kaagad niyang sinabi ang mga salitang iyon habang papalapit siya sa kinaroroonan ko. Di ko na siya pinatapos dahil baka ma-brain wash na naman ako at di na tumuloy sa pag-alis.
"Pa, napag-usapan na natin 'to diba? Pumayag na nga kayo ni mama eh. Huwag nyo naman po akong pahirapan. Mahihirapan po akong umalis niyan. Alam nyo naman po na ito ang unang pagkakataon na mawawalay ako sainyo. Easy lang po kay--", this time ako naman ang pinutol ni papa sa sasabihin ko. Hay naku! Alam ko na kung saan ko minana ang pambabara ko!
"Yun na nga anak. Hindi ka sanay kaya baka hindi mo kayanin", kitang kita sa mata ni papa ang pagaalala. Mapait na ngiti nalang ang naisagot ko at saka ko siya niyakap.
"Naku! Kaya pala antagal mag-impake ni bunso dahil nagte-taping pa kayo ni papa. Anong title ng pelikula nyo at nang mai-promote ko?" tumatawa si kuya sa pagitan ng bawat salita niya.
"Tatawa na ba kami kuya? Palibhasa kasi iniwan mo na kami kaya ganyan ka makapagsalita" sabi ko nung nakawala na ako sa yakap ni papa at inirapan ang magaling kong kuya. Tumawa lang siya at lumapit saamin.
"Bunso, hindi ko naman kayo iniwan. I just pursued my dreams. Look at me now. I'm a happy young man!", sabi ni kuya sabay gulo sa buhok ko. Tumayo naman si papa at nagsalita. "Let's go hija. Panira ng moment ang kuya mo eh", sabi ni papa tapos sabay-sabay kaming nagtawanan. Natutunan na ring gamitin ni papa ang mga terms ko. Nakakatuwa naman. Hahaha.
Bumaba na kami at binuhat ni kuya ang dalawang maleta ko habang nagrereklamo. "Bakit ambigat ng mga maleta mo? Ano bang laman nito bunso?" natawa lang ako sa pagrereklamo ni kuya at di na siya sinagot. Nang tuluyan na kaming nakababa ay nakita ko si mama na nagbabasa ng diyaryo habang nakaupo sa sofa.
"Are you done packing your things?" sabi ni mama habang ibinababa ang newspaper. Kahit kailan talaga ay napaka-direct to the point ni mama. Mas madrama pa nga si papa kaysa sakanya eh.
"Yes, ma. Good afternoon po", sabi ko sabay halik sa pisngi niya nang makalapit na ako sakanya.
"Great. Mag-iingat ka doon, ok? Gusto mo bang pasamahin ko si nana Tilde para di ka masyadong mahirapan?" Kahit naman hindi pinapakita na mama, alam kong nalulungkot siya sa pag-alis ko.
"No, ma. Mas kailangan niyo si nana dito. Kaya ko na sarili ko. Besides, nandoon naman si kuya kaya don't worry", sabi ko pagkatapos kong umiling.
"Bunso is right. Ako na bahala sakanya kaya ipanatag nyo po ang loob nyo, ok?" sabi ni kuya habang nakatayo sa likod ko at nakahawak sa magkabila kong braso. Ngumiti lang si mama at tumango. Si papa naman ay pinuntahan si mama para alalayang tumayo. May pagka-OA lang talaga ang pagiging gentleman ni papa.
"Alright. So ikaw na bahala sa kapatid mo. Huwag mo pababayaan sarili mo doon anak ha. Kabisado mo naman ang number ko at ng papa mo tsaka yung telephone number natin. Don't forget to give us a ring para hindi kami magalala" sabi ni mama nang makatayo na siya.
Tumango lang ako. "Yes ma. Don't worry"
"Oh sige na umalis na kayo at baka gabihin na kayo sa daan", sabi ni papa.
"Yes, pa. Gagabihin na talaga kami ni bunso sa daan. We'll go ahead ma", sabay hinalikan at niyakap ni kuya si mama. Niyakap niya din si papa bago binuhat ang mga gamit ko para dalhin sa compartment ng sasakyan niya. Sumunod naman kami kay kuya sa garage. Mahabang paalaman ang nangyari bago namin tuluyang nalisan ni kuya ang bahay. Hanggang sa sasakyan ay umiiyak pa rin ako.
"Tama na bunso. Sige ka, papanget ka niyan", pang-aalo ni kuya sa akin.
"Heh! Ginawa mo naman akong bata kuya", sabi ko habang natatawang nagpupunas ng luha.
"Eh para ka naman talagang bata na iniwan ng magulang. Kung makaiyak ka dyan parang di ka na makakauwi", sabi ni kuya habang nakatutok ang mata sa daan. Nasa front seat ako ngayon at nagmamaneho naman si kuya. Tumagilid ako ng upo para humarap sakanya.
"Maiba nga tayo ng usapan kuya. Bakit feeling ko, gumagwapo ka ngayon? Siguro may jowa ka na no?" bigla namang ngumiti ng matamis si kuya. Hmmm.. I smell something fishy.
"Matulog ka na nga lang bunso. Ang daldal mo. Mahaba pa ang byahe kaya matulog ka nalang para di ka mabagot", sabi ni kuya habang nakangiti pa rin. Ang ganda talaga ng lahi namin. Ang ganda ko tapos ang gwapo ng kuya ko. Naks!
Sinalpak ko nalang ang headset sa tenga ko para mag sound trip. Humarap ako sa kabilang side at inisip na naman ang mga magulang na iniwan ko.
Principal si mama sa isang elementary school sa bayan namin sa Laguna samantalang manager naman sa banko si papa. Surgeon ang natapos ni kuya at nasa Maynila ang trabaho niya. Ako naman ay isang MAGANDANG architect. Yes, confident ako na maganda ako pero siyempre sa utak ko lang. Nakakahiya rin naman kasi kung ipagyayabang ko. Obvious naman na, diba? Hihihi. Well, balik tayo sa usapang pamilya. Ang cool ng pamilya namin diba? Principal si mama, manager si papa, doctor si kuya, at architect si bunso. Napag-desisyunan ko na lumuwas ng Manila para doon maghanap ng trabaho. Sayang rin naman ang natapos ko kung mananatili akong tutor ng mga estudyante ni mama, diba? Yes, you've read it right. Ang isang licensed architect ay nagtatrabaho bilang isang dakilang private tutor! Isang taon na rin akong nagtu-tutor at malaki ang naitulong nito saakin upang ma-distract ang sarili. Sabi kasi ni mama at papa, magpahinga muna ako habang hinihintay ang result ng board exam. Bilang isang masunuring anak ay sinunod ko naman sila kaya private tutor ang naging bagsak ko. Wala naman akong problem pagdating sa financial dahil aside sa sweldo ko sa tutorials ay binibigyan pa rin ako ng allowance ng mga magulang ko. Mas malaki pa nga ang allowance ko ngayon kaysa nung nag-aaral pa ako eh. Kaya naman marami akong naipon while NAMAMAHINGA ako. Ang galing diba?
Dala ko ngayon ang credentials ko pati na rin ang license ko. Matagal ko nang nakuha ang result ng board exam at sa awa ng Diyos ay pumasa naman ako. Ilang saglit pa akong nag-isip hanggang sa di ko na kinaya ang antok kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko. Sana paggising ko dumating na kami sa bahay ni kuya. Nakakapagod kayang magbyahe.
Zzzzzzzzzzzzzzz..........
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...