Chapter 55

42 1 1
                                        

Chapter 55

].UNO'S POV.[

Ako muna ang inatasan na magbantay kay Dos, hinihintay ko kasi si Mama dahil siya yung magpapalit sa akin na magbantay, pupunta kasi ako doon sa nasirang mansion dahil baka may malanghap pa akong mga kagamitan doon, tsk2 bumili na naman kasi ako ng mga damit, at mga kagamitan ni Dad. Baka may mga gamit pa doon na importante. Si Mama kasi bumibili pa ng prutas dahil yung mga prutas dito ay naubos na dahil yun lang kinakain ni Neilson. Speaking of him sinamahan na muna niya si Singko sa doctor dahil ipapachange yung tahi niya. Ewan ko ba sa dalawang yun may tensyon lage sa tingin kaya pati tuloy si Tres ay sumama sa kanila :3

Inayos ko muna ang kumot ni Dos. Ngumiti ako. Sanay gumising na siya. Hinawi ko ang buhok niya, ang ganda ng kapatid ko. Sana hindi nalang tayo lumaki ng ganito ash, sana nabuhay tayo ng payapa at masaya at hindi ganito.

" Hindi ko akalain na magkakagusto yung Turbo na yun sayo ash, lage naman kasi kayo away bati eh hehe " Ou, kelan ko lang nalaman na magsyota pala ang dalawa.
"Babae pala ang kapatid ko hehe" dahil noon paman nakikita ko siyang tomboy, wala kasing hilig sa dress puro sapatos utak nito eh xD.

Biglang bumukas ang pintuan at bumugad sa akin si Mama na maraming dala. Nagrocery pala siya.

"Pasensya na natagalan may tinapos lang tss " at inilagay niya yung pinamili niya sa sofa at umupo, seryosong seryoso ito.

"Ma anong nangyare?" Tanong ko na may halong pagtataka.

Bumuntong hininga muna ito at inilamos ang dalawang kamay sa mukha niya.

" Galing ako sa bahay at may nadatnan akong mga hayop na nagbabantay sa paligid. Mga hayop natakasan ako !" Singhal nito

"How come Ma ?" Hindi kasi ako makapaniwala na natakasan siya.

"5 sila nak, at wala ni isang sandatang dala ko, Malalaki silang tao at pagod ako kaya tsk nabigla pa tong katawan ko. Tsk " Hindi makapaniwalang saad nito.

"Namukhaan mo ba sila? "

"Hindi sila ordinaryo nak, at ngayon ko palang sila nakita. Iba to , ibang kalaban to. " at bumuga ito ng hangin

"Shet, mga bagong kalaban " nasabi ko nalang habang nakanganga.

"Sabihan mo lahat ng tauhan, alam kong nandito rin sila nakamasid, kahit tagong ospital to , posibleng matuntunan padin nila ito kaya dobleng ingat tayo " at sumeryoso ito

"Yes Ma, una muna ako ma, pupunta akong mansion "

"Mag.iingat ka, magdala ka para proteksyon mo "

"Hindi ako kompleto kung wala yun ma " at ngumiti ako.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap, bagay na lagi niyang ginagawa sa amin. Napangiti nalang ako at tinapik ang balikat niya.

Pagkatapos nun ay lumabas ako at pinagsabihan ko ang mga tauhan doon na nagbabantay na doble ingat at suriing mabuti ang mga papasok sa kwarto ng kapatid ko.

I open my Car and drove as fast as I could para marating ang mansion. Buti naman at nakisabay ang mga sasakyan, hindi gaano katraffic. Habang nagmamaniho nilulunod ako sa mga iniisip ko. Iniisip ko kasi ang tungkol sa sinabi ni mama. Bigla akong kinabahan, kung natakasan nila si Mama, paano nalang ako? Ngayon lang nagreklamo si Mama sa lahat ng nakalaban niya. Hindi ko mabatid kong ano ang mga itsura ng nakainkwentro ni mama.

Lumiko ako sa isang eskineta at ng makita ko ang "Restricted area " ay pinarada ko ang kotse ko sa isang tagong lugar. Hinanda ko ang mga sandata ko na nakakabit sa damit ko. Dapat mapagmatyag ako. Tss wala pa naman mga tauhan dito.

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon