Chapter 64

42 2 0
                                    

Chapter 64

].Joy's POV.[

Lumipas ang mga araw, ganoon parin ang set ng pamilya namin, tahimik, wala ng biro biro kundi puro seryoso nalang. Si Ricards sinasali na siya sa mga business ni Papa. Tatanungin ko sana pero alam ko na ang sagot, "Kailangan" . Si Mama minsan kinakausap niya ako at nagsosory siya sa amin ni Ricards kapag wala si Papa dahil sa sobrang busy na ito. Nakuha kasi siya ni Mr. Alexander Yu pati na din ang mga Young at Villaria kaya siguro pursigido ito, naiintindihan naman namin kahit minsan ay nakakapanibago at nakakalungkot na.

Lagi akong nagpapasalamat sa Maykapal dahil ngayon hindi na ako masyado trauma. Parang nakalimutan ko na yung mga nangyari pero hindi parin maiiwasan ang magulat lalo na sa mga malalakas na tunog. Nakakapag.alis na din ako sa bahay kahit wala ng bantay, at ganoon din si Ricards.

Dahil sa pgalipas ng araw ,hindi ko namalayan na last day na ng undas. Parents ng Papa at Mama ay wala dito kaya wala kaming idadalaw. Maulan, at nakakadagdag ng katahimikan at kalungkutan ng bahay. Undas pero may trabaho sila. Nasaan na kaya yung masayang pamilya namin? Nasali ba sa enkwentro at hindi na naibalik? Hays.. si Drew? Hmm nagiging malabo na din.
I smile bitterly, kinausap ko siya tungkol sa sinabi ni Papa at Mama pero nagalit siya, pinupunto niya na ayaw niyang madagdagan ang gulo sa pagitan ng Dela Cruz at Cervantes. Ni ako nga hindi ko alam kung anong history nila. Kung gaano ba talaga kabigat ang pinagdaanan nilang hinagpis na hanggang ngayon hindi padin mawala sa puso nila?.

Pagkatapos ng away na iyon, naging iba na siya, hindi na siya tumitxt, lagi nalang ako ang unang tumxt o bumati sa kanya ng Magandang Araw. Basta totally changed. And I hope hindi ito maapekto an relasyon namin. His my first at alam kong mahal ko na siya. Dahil sa pagmumuni ko ay di ko namalayan na nakatulog pala ako.

-K I N A B U K A S A N~

Nagising ako dahil sa ang lamig ng aircon na nagpapalibot sa buong kwarto ko. Tumingin ako sa side clock ko, its 7:30 na, hindi mo na ako bumangon at nagmuni muni muna. Bahala na kung malalate ako sa school. Tiningnan kp amg cellphone ko. I sigh. Walang nagtxt kahit isa man lang.

Yung unang buwan namin na mag on, we are just like twins na ayaw makawala sa isat isa, araw araw magkasama, nagtatawanan. Kada gising ko may txt na siya. Pero ngayon? Hayss.. naging busy din ba siya?

Hindi lang si Drew ang nag.iba , masasabi ko din na ako mismo ay nagbago na. Araw araw akong nagttxt kay Ash lalo na noong naconfine siya pero simula noong dumalo ako at kinompronta tungkol kay Drew ay nag.iba na. Hays ayoko kasing pinagsasalitaannila si Drew ng ganyan na para bang kilala na nila ito masyado. Ang tungo ko ngayon kay Ashley ay katulad sa pamilya ko, magsasalita lang kong may itatanong.

Yeah I hate my family to be like that. Paano nilang masasabi na ganon lahat ng Cervantes? Iba si Drew kilala ko siya. Hindi niya magagawang sirain ang tiwala ko sa kanya kagaya ng ginawa ni Kenneth. Speaking of Kenneth, hindi ako kailanman sumipot sa lahat ng tagpuan namin. Sinasabi ko lang na pupunta ako but hindi pala. Siguro naman hindi siya naghintay doon kaya walang kaso sa akin yun. Hindi nga siya nakonsensya na ginamit lang niya ako at ang pamilya ko eh. Yeah inaamin ko, I miss him lalo na noong nakita ko siya sa party pero wala na yun. Hindi na maari. May kanya kanya na kaming buhay.

Si Ashley, balita ko ni Mama ay magkakaroon ito ng make up classes sa mga minor subjects pero sa major ay hindi , irereenrol niya talaga ito sa next sem. Pareho sila ni Neilson.

"Omo! Omo omo. Waaah! 2nd sem na pala ngayon?! Waahh hindi pa ako nakapag.enrol!"

Nagmadali akong tumayo at tumakbo sa Cr and do the morning stuff. Pagkatapos magbihis ay tumakbo pababa para kumain pero nadatnan ko wala ng tao sa lamesa.

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon