CHAPTER 70
]. Wrangler's POV.[
December 23
Lumipas ang mga araw, buwan at ngayon nalalanghap ko na ang pasko. Its 23rd in December at nandito ako sa kwarto, nakahawak sa labi ko at ninamnam parin ang halikan naming dalawa, kahit magkaaway man ay hindi parin niya pinapalagpas ang halik na iyon. Nag-away kasi kami dahil gusto ng Sir na ipunta ako sa New York para kausapin ang isang investor pero nagalit siya. Pero napapangiti pa rin ako kasi kahti ganun man ay lagi pa din siyang may sorpresa sa akin, lalo na daw bukas, malaking surpresa daw ito kasi kaarawan ko daw. Hindi ko akalain na bukas nap ala ang kaarawan ko. Maski ang sarili ko nakalimutan ang importanteng taon sa buhay ko, buti nalang at naalala niya.
Sa nagdaang buwan, Masaya, simula kasi noong namatay si Mom, hindi na ulit ako nakaranas ng saya, pero noong nalaman ko ang totoo, nabunutan ng tinik itong puso ko, lumuwag ito at pinunan din ni Neilson iyon ng pagmamahal. Sinabi naming sa pamilya naming ang tungkol sa relasyon naming, pero nalungkot ako sa naging resulta kasi binalewala lang nila iyon, tumayo lang sila agad without saying a word at umalis, pero sina Mama at Ate ay ngumiti naman, naging Masaya na ako doon at naging determinado. Hindi ko kasi maitindihan kung bakit hindi kami tanggap na magkaroon ng relasyon eh sa magkaibigan naman ang both sides naming at isa pa hindi yun labag sa rules.
Kahit malungkot man, binalewala lang naming iyon, ginawa padin namin ang makakaya naming para matanggap kami, sumali kami sa mg business na pinagkakaabalahan nila, at natutuwa ako kasi nagugustuhan nila ako. It's a great preveledge to me lalo na at first time akong makiesyoso sa business nila. NAtuwa ako dahil natuwa iyon si Sir, ganoon din ang ginawa ni Neilson. I know his dad is really proud of him.
Pumapasok din naman kami sa Unibersidad, at lahat ng studyante alam na ang tungkol sa amin ni Neilson. -___- Inanounce kasi ng Snail na iyon tss. May pasabi sabi pa siyang " Keep it private, but not secret" pero inanunsyo naman ng ugok na iyon -_- Kaya araw araw nalang puro tukso ang madadatnan lp pagpasok palag, kasi ang mga gwardya may bitbit ng bulaklak. Sinasabuntuan na nga ako ni best dahil sa kilig -_-. Ayoko sa mga ganoon kaya minsan iyon an gaming pinag aawayan pero ang tigas din ng bungo ng isang iyon kaya pinapabayaan ko nalang.
Pero syempre ang bonding naming apat ay hindi mawawala, pagkatapos ng klase, diretso agad sa Park at magstastar gazig, super saya. Okay ang pamilya ko, walang nanggugulo, okay ang relasyon naming, okay ang pag-aaral at okay dahil wala na ang mga Ferrer at Cervantes. Pero kahit ganoon hindi parin ako kampante lalo na't hindi pa ako nakakahanap ng hustisya sa Mom ko at isa pa, ang away sa pagitan ng mga Mafias ay hindi pa natatapos, o masasabi kong wala itong jkatapusan.
Masaya kami, Masaya ang buong pamilya at amfia org naming. Succesful ang mga meetings at investors naming. Masaya ako. Sana naman.. sana walang umagaw sa kasayahang ito.
Hindi ko namalayan nakatulog nap ala ako dahil sa pag-iisip na iyon.
-K I N A B U K A S A N-
December 24
Nagising ako na mabigat ang loob ko, para bang may pumasok na ibang kaluluwa at inaangkin ang katawan ko, pero iba eh.. Yung nararamdaman ko ang mabigat, dapat Masaya ako dahil kaarawan ko at isa pa isang araw nalang at pasko na. Kung bakit ba kasi napaniginipan ko pa iyon. NAnaginip kasi ako na pinapatay daw ako ng ahas, kinagat daw ako ng limang malalaking ahas sa ibat ibang parte ng katawan ko at sinisipsip ang dugo ko. At kinakabahan ako dahil.. kung aha sang nasa paaginip mo at kung kinagat ka dawn to, possible dawn a may trumaydor sa iyo. Ginulo ko ang buhok ko.
"tss panaginip lang iyo. Tsk paranoid nako masyado."
Sinampal sampal ko ang satili kong mukha para magising ako ng tuluyan at makalimutan ang panaginip na iyon. Tatayo n asana ako ng biglang bumukas ang pinto at binungad sa akin sila na mama, Sir, Singko, Uno at Tres.
![](https://img.wattpad.com/cover/26759942-288-k431147.jpg)
BINABASA MO ANG
KNOW ME FIRST
БоевикAshley Nicole Buenafuente isang babaeng mysteriosa, astig, hindi siya gaanong hambog pero may angas ang dating. May kaibigang Isip bata na nangangalang Mary Joy Dela Cruz. Gustong manirahan ng simpleng buhay subalit ang nakaraan niya ay hindi maitat...