Chapter 56

40 2 0
                                    

Chapter 56

].NEILSON'S POV.[

Pumasok ako sa loob na kompleto sa damit, labgown, hairnet, mask, para makita ko si Aligator at para makalma ko itong sarili ko. Pero maya maya pa ay pinasok ako nila Uno.

Tsk. They are not in their proper clothing .

Kapag kasi pumasok ka sa loob ng ICU ay nakaproper suot ka. Tsk baka madumihan itong ICU at malanghap yun ni aligator. At isa pa lahat sila nandito. Si Mam Amanda, Uno, Tres at Singko.

"Why all of you are here? Sabi ng Doctor , 2 to 3 tao lang dapat pumasok dito tss" irap ko sa kanila.

"Are you out of your mind? NURSE YUNG PINATULAN MO! NURSE !" sigaw sa akin ni Uno.

"Calm down babe" sabi ni Tres na hinagod hagod pa ang likod ni Uno. Si Singko naman ay masamang nakatingin sa akin. While si Mam Amanda ay nakaupo at iling iling.

"SUMAGOT KA !"

"Can you just low down your voice? Cant you see? Natutulog ang kapatid mo. Tss " inis na sabi ko sa kanya, at para naman itong napahiya.

"Sabihin mo sa akin ngayon Neil kung bakit mo yung ginawa ,for Christ Sake, winasak mo mukha niya " pagpipigil nito sa inis at sinapo ang sariling noo.

Tumungo ako nilaro laro ang daliri ko.

"He is not an ordinary Nurse " panimula ko at bigla naman silang natinag.

"Anong ibig mong sabihin? " ani Mam Amanda. Parang siya lang ang nakakaintindi sa akin.

"Nakita ko na siya noon pa, ou isa siya sa mga nurse ni Ash, pero dahil sa iba ang tingin niya kay Ash kaya umiba ang pakiramdam ko." bumaling ang paningin ko kay Uno. "May kasabwat siya, nadinig ko yun nung mismong dumalaw si Joy dito, isa siya sa mga nurse na nagcheck kay Ash nun, kakaiba din ang tingin niya kay Joy kaya sinundan ko siya at yun pala sinusundan niya si Joy. After which pagkatapos ng last meeting natin, pumunta ako dito sa Hospital to check Ash at doon ko nakita isa sa mga kasamahan niya, papasok sa ICU --"

"Pero sabi mo ay may nagbabantay na mga tauhan sa araw nayun. How come napasok parin si Ash "

"Doon din ako nagtaka, dahil sa pagdating ko wala ng nakabantay na tauhan sa labas. Pagpasok ko, nakita ko ang lalaking nakamaskara, nilabanan ko siya pero sadyang malakas at mabilis siya kaya natakasan ako. At nabatid kong kasamahan siya ng lalaking binugbog ko kanina. "

"Paano ka naman nakakasigurado na kalaban siya? " uno

"Dahil sinundan ko ulit siya sa bahay niya mismo, nagtago ako sa katapat na puno nito at I telescope him, at may tatoo siya sa likuran nito, kagaya ng nakita niyo sa likuran na nagpasabog kay Ash " at tumingin ako sa mga mata nila.

"Kahit sa inyo pa itong Ospital, may nakamasid parin sa atin, kaya wag tayong magtitiwala basta, mapadoctor pa yan o nurse pwde silang bayaran para pumatay. "

"Tama si Neilson " ani Mam Amanda. Bigla naman akong napangiti

"Pero kilala na natin lahat ng doctors dito Ma, " pagdidis.agree ni Uno

"Babe. Ou nga ang kay Neilson lang dapat lang tayo mapagmasid sa mga kinikilos ng bawat tao sa paligid natin . Yun lang yun babe " paliwanag ni Tres.
Hays mabuti naman at naniwala sila sa sinabi ko.

"Oh anong gagawin natin don sa lalaking hawak ng mga tauhan? " walang ganang saad ni Singko.

"Ikulong. I have a few questions to him " ani Mam amanda

"Okay. Sasabihan ko muna sila " at nahihirapan itong tumayo at tinulungan ni Tres.

"Babe samahan ko lang muna si Singko " tumango naman si Uno bilang Tugon.

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon