Chapter 60- THE AUCTION
].Nelson's POV.[
Hindi ko na pinakinggan pa si Kenneth at dumiretso na sa parking lot ng hotel , dapat maabutan ko kung sino mang nilalang ang mananagot sa paggalaw ng aking mahal .
Luckily dala ko ang kotse ko, kung Hindi mahihirapan ako. Patakbo akong lumakad papuntang parking lot na may kaba sa dibdib. Natatakot ako kung ano ang gagawin nila Kay Ashley . Tsk sa nakita Kong footage kanina, may mga kalalakihan ang pumasok sa Kwarto ni Ashley at pinuntirya ang mga tauhan namin. Tsk kulang ba sa training ang mga tauhan namin at kahit sa bakabakan talo? -_- .
At si Singko nakatali na, at ewan ko kung ano ang nangyari. Nanginginig akong binuksan ang sasakyang ko at pinaandar ito. Pinaharurot ko ito, kahit na maraming mga sasakyang ang rumeklamo sa akin.
Mabigat ang nararamdaman ko ngayon. Takot, pag.aalala, kaba. Ewan . Natatakot ako baka tinirikan na ng lason si Ashley o baka pinaputukan na ito. Nasaan ba ang mga putspang guard na iyon at Hindi nakamasid na may nakapasok palang ibang nilalang!?
-BEEEP BEEEEP-
Dahil sanay naman ako sa drag race ay lahat ng sasakyang nakaharang sa harapan ko ay inunahan ko. Pawis na pawis ako kahit na may aircon naman itong kotse ko. Niluagan ko ang necktie ko at pinahid ang pawis na kumuwala sa aking noo.
Please Ash be safe !
Panalangin ko sa aking isipan. Sana naman ay okay lang siya. May namoong galit sa isip ko.
Sino na naman ba ang may pakana nito! Sa party meron din nangyayari. Sino namang bagong kalaban namin .
Nakakapagtaka. tahimik ang mga Ferrer at Cervantes ngayon, at batid kong walang kinalaman sila sa nangyari sa pagsabog ng Mansion nh ikalawang boss. Pero alam Kong makapangyarihan ang mga Ferrer. Alam Kong may mas makapangyarihan pang nagpoprotekta nito. Ganun din ang mga Cervantes. Sinakop nga ng mga Ferrer ang mga Cervantes, so Hindi impossible na isakop din ng mga Ferrer ang mga bagong kalaban na ito. Pero ang tanong, sino ang mga ito?
Pagkarating ko sa Hospital. As usual may emergency na mga pasyente na naman. Pero ang nakakapagtaka may mga kotse ng pulis ang nandito. Mga 4 na kotse ito. Dali dali akong bumaba sa kotse at kahit Hindi sa tama ang parking ko ay pinabayaan ko na. Tumakbo ako papuntang entrance ..
"Sir.. may nangyari po sa loob ng pasyente niyo. " Ani ng guard. Nahinto ako sa pagtakbo ko at dahil nga nagalit ako sa nangyari Kay Ashley ay siya ang napagalitan ko.
"Alam mo ba ang trabaho mo ha? Ang magbantay kong sino ang mga pumasok dito. Pero bakit , bakit yun Hindi mo pa nakuha ha!?" Gigil ko habang kinekwelyuhan ang guard .
Marami ng mga Tao ang nakapalibot sa amin at umaawat.
"S-sir sorry po " pagmamakaawa nito na pinakawalan ko naman din.
" Kapag may nangyaring masama sa taong mahal ko. Humanda kayo at ipapaslang ko kayo! Maliwanag ! " Sigaw ko at kahit maraming Tao ang nakikita at nakikinig ngayon ay wala Kong pakialam. God know's how angry I am right now.
Nanginginig na kamay at nakakuyom akong umalis sa harapan nila at lumisan sa mga taong nagbubulungan at dumiretso sa elevator. Pati ang makakasabay ko sana ay Hindi na sumabay dahil sa takot sa akin. Wala akong ibang iniisip kung Hindi ang kalagayan ni Ashley.
Putspa naman kasi, kabalo bago palang Macomatose pinuntirya na agad ! Tsk
Nang sa wala ay nakatongtong na sa 5th floor ay dumiretso na agad ako sa Kwarto ni Ashley na ngayon ay pinalilibutan ng maraming pulis. Sumiksik ako sa mga pulis .

BINABASA MO ANG
KNOW ME FIRST
AcciónAshley Nicole Buenafuente isang babaeng mysteriosa, astig, hindi siya gaanong hambog pero may angas ang dating. May kaibigang Isip bata na nangangalang Mary Joy Dela Cruz. Gustong manirahan ng simpleng buhay subalit ang nakaraan niya ay hindi maitat...